CHAPTER 30

703 21 0
                                    

This chapter is dedicated to kwiinmartha ,ms_ysaa, Lady_Euphraxia and prutasdagreyt hope you like it!

WYENA'S POV

Nakapila kami ngayon para magpa-ultrasound. Kasama ko ang supportive na kaibigan ko syempre. Sa totoo lang may kaba talaga akong nararamdaman habang nakapila ako. At the same time naiinggit ako kasi ang mga buntis din may mga kasamang asawa nila. Paano naman ako na binuntis lang pero hindi p'wedeng panindigan kasi kabit lang? Ang sakit naman.

“Okay ka lang ba o kinakabahan ka? First time mo lang bang gagawin 'to?” Pagtatanong ng kaibigan ko. Siguro napansin niya ang kanina pang aligagang paggalaw ko.

“Medyo kinakabahan lang ako. Ngayon ko lang naman kasi gagawin 'to. Kung hindi lang dahil sa'yo hindi ko naman gagawin 'to!”

“Kailangan mo 'to para alam mo paano mo aalagaan ang baby niyo ni Thunder at kung paano mo sasabihin sa kaniya ang lahat. Maganda kasing may patunay ka sa kaniya na buntis ka kaysa naman wala. Baka sabihin niya imbento ka!” Tama naman siya.

Binalak kasi naming dalawa na bukas na bukas pupunta ako ng bar para abangan si Thunder at sabihin sa kaniya na buntis ako. Sabi kasi ni Marj kagabi raw nakita niya sila Thunder na na sa bar. Bumalik na naman pala siya sa dati niyang ginagawa. Bigla na naman akong napuno ng pag-aalala. Baka may problema na naman silang dalawa ng asawa niya kaya bumalik na naman siya sa bar. Impossible! Nakita ko kung gaano ka-sweet sa kaniya ang asawa niya. Ang possessive pa nga, eh. Ano na naman kayang problema ng lalaking 'yon?

-------

“Congratulation, Misis, you are 8 weeks pregnant. Are you with your husband?” Tumingin siya sa paligid ko.

“Ah... w-wala po siya.” Pilit akong ngumiti sa kaniya. Wala naman talaga akong asawa.

“Oh, okay? So, babalik ka rito kapag nag-4 months na ang baby mo for us to know if babae ba 'yan o lalaki. As of now, you have to take care because the baby inside you is so sensitive. Meaning, in any moment p'wede kang makunan kapag hindi ka nag-ingat. I will also give you some vitamins that might help you to stay healthy as well as the baby,” mahabang sabi niya. May sinulat siya sa papel na kung ano tapos binigay ito sa akin.

“Tandaan mo, mahina ang heartbeat ng bata kaya ingatan mo, ha?” Pahabol niya pa.

Reseta pala ng vitamins na dapat kong inumin. Binigay na niya sa akin ang resulta ng ultrasound ko. Kinabahan ako sa nalaman ko na mahina ang heartbeat ng baby. Ibig sabihin lang no'n kailangan ko talaga ng dobleng pag-iingat. Hindi p'wedeng mawala sa tiyan ko ang batang ito dahil ito na lang ang matitira sa akin in case na hindi ako tanggapin ni Thunder. Ito na lang ang meron ako kapag tinaboy pa akong muli ni Thunder. Lumabas na akong muli. Naabutan ko si Marj na naghihintay sa akin. Agad din kaming lumabas.

Nilulukob ako ng pag-aalala habang marahan kong hinihimas ang aking tiyan. Paano ngayon ako maghahanap buhay kung may bata na sa tiyan ko? The worst is, kailangan ko talagang ingatan ng sobra. Hinawakan ako ni Marj sa aking balikat. Maging siya ay nag-alaala para sa akin. Hindi pa niya nararanasan ang mabuntis, ewan ko anong pinag-aalala ng gagang 'to.

“Sure ka ba na sasabihin mo ang tungkol diyan kay Thunder?” Pagtatanong niyang muli. Pang-ilang tanong na ba niya simula kagabi?

Tinignan ko siya. “Oo nga! Hindi ko naman sasabihin dahil gusto ko lang. Sasabihin ko kaso deserve niyang malaman na may anak siya sa akin,” katuwiran ko.

SLOWLY SERIES #1: Slow Earn [✓]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu