CHAPTER 35

882 24 0
                                    

This chapter is dedicated to saranghaeesheiiynn, apigneverfly, PinkARMY1095,and essayonme/Nisecafe  hope you like it!

WYENA'S POV

Mataas na ang sikat ng araw ng magising ako. Nangangalay ako kamay. Laking pagtataka ko ng makita ang anak ko sa tabi ko. Anong nangyari sa akin? Ang alam ko kagabi may nagtangkang gumahasa sa akin. Si Timothy na naman ba ang lalaking 'yon? Sinasabi ko na nga ba hindi ako dapat nagtiwala sa bwiset na lalaking 'yon! Alam ko ng gano'n ang gagawin niya sa akin dahil sakit na niya ang gano'n! Pupunta talaga ako sa presento! Ipapakulong ko siya! Ngayon din! Ang kapal ng mukha niyang ulitin ang ginawa na niya sa akin noon! Hindi pa natuwa na pinabayaan ko na lang siyang mabuhay sa gusto niyang paraan talagang gagawin pa ulit!

Hayop siya! Hayop!

"You're awake." Nagulat ako sa baritonong boses na nagsalita. Nang lingunin ko ito mas lalong nanlaki ang mata ko.

Nakangiti siyang lumapit sa akin. May dala siyang pagkain na nakalagay sa plato. Nilapag niya ito sa gilid ng kama tapos muling lumabas. Bumalik na naman siya. This time may dala naman siyang tubig at gatas. Tinignan ko ang pagkaing na sa harapan ko. Binaliktad ko ang hotdog na pinirito. Mukha namang na sa maayos na kalagayan ang luto niya ngayon.

"Sorry, so far, ayan pa lang ang kaya kong iluto. I'm still learning," naiilang na sabi niya. Kinamot niya ang kaniyang batok.

"O-Okay l-lang." Putek, bakit ba ako nahihiya sa kaniya?! Ngayon lang ako tinubuan ng hiya. Ngayon lang na kaharap ko na siya.

"Kagabi pa na sa tabi mo si Primo. He's very worried when since we came." Tumingin ako sa kaniya. He was smiling at me but not the smile I want to see. It seems like he's trying his best to look happy in front of me.

"Kumain ka muna diyan. Hahandaan ko lang ng pagkain ang anak mo," aniya.

Anak natin, Thunder. Anak natin!

Kinagat ko ang aking labi. Nang muli kong i-angat ang ulo ko wala na siya. Kalantog na lang ng baso at plato ang narinig ko sa kusina. Naluluha kong tinignan ang mga lutong pagkain niya. Hindi ako nagsayang ng oras. Kinain ko ito dahil gutom naman na talaga ako. Itatanong ko na lang mamaya kung sino ang nagtangkang gumalaw sa akin para ma-report ko sa pulis. Gusto kong mahatulan ng pagkakulong dahil may bata sa tiyan ko. Idadamay ko na rin na kasuhan sila Timothy dahil alam kong siya ang may sala sa likod ng nangyari kagabi.

Natapos na akong magising. Sakto naman nagising ang anak ko. Agad itong yumakap sa akin. Nakanguso siyang nakatingin sa pagkain ko. Mukhang nagseselos na naman siya dahil ako lang ang may pagkain.

"Mommy, bakit po ikaw may breakfast in bed? Bakit po ako wala?" Sabi ko na nga ba.

"Because we are going to breakfast together. Magpapahinga ang mommy mo kaya sa kitchen na tayo magbe-breakfast," singit ni Thunder.

Lumawak ang ngiti ng anak ko. "Talaga po?!" Mabilis siyang tumayo at tumalon sa kama. "Yehey! Magbe-breakfast ako kasama si tito Thunder!" Masayang sambit niya. Nagtatatalon siya habang hawak ang kamay ng bata.

SLOWLY SERIES #1: Slow Earn [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon