CHAPTER 27

609 23 0
                                    

This chapter is dedicated tor JustanUglyGirl, Liely_33, Pinkie_rose2005 and prettymissdreamer hope you like it!

WYENA'S POV

Nagtataka ako ng husto dahil ilang araw na akong iniiwasan ni Thunder. Pati ang table ko nilipat na niya sa labas. Ang sabi niya lang dahil sa bagong protocol daw kaya niya ginawa 'yon pero may iba akong nararamdaman. Alam kong may ibang rason pa ang ginagawa niyang pag-iwas sa akin. Gusto ko siyang tanungin pero palagi niyang sinasabi na h'wag daw siyang i-istorbohin sa loob ni kakausapin sa walang kwentang dahilan. Medyo nasasaktan tuloy ako sa ginagawa niya ngayon. Feeling ko after niyang malaman ang nangyari sa akin iniiwasan na niya ako. Baka nandidiri na siya sa akin kasi gano'n nga ang naging karanasanan ko.

Mababaw man pero talagang naiiyak ako. Ngayon pa na sigurado na akong mahal ko siya. Ngayon pa na alam ko ring may gusto siya sa akin. Ramdam ko ang pagmamahal niya nang sabihin niya sa akin na ako ang asawa niya. Lalo na no'ng mga oras na tanggapin niya ang "I love you" ko. Siguro nga talagang busy lang siya. Nadi-distract din kasi siya kapag ako ang kasama niya. Minsan naglalandian lang kami sa maghapon. Nagta-trabaho rin naman pero syempre lamang ang ginagawa naming landian. Maganda na nga siguro na rito na lang muna ako sa labas.

“Ms. Alex, can we talk to Mr. Lee?” An old man asked.

“Ah...” Tumingin ako sa pinto. “I'll, ask him na lang po muna,” sabi ko rito. Tumango naman sila.

Kinatok ko ang pinto ng ilang beses pero walang nasagot. Muli ko itong kinatok na may kasamang pagtawag sa kaniyang pangalan. Sumagot din siya makaraan ang ilang sandali. Pumasok ako sa loob ng office niya. He was busy scanning papers. Kahit ang tignan ako hindi na niya nagawa. Mukha ngang busy na talaga siya.

“Spill it,” malamig na sabi niya. Parang may kung anong tumusok sa dibdib ko. Hindi ako sanay sa malamig na pakikitungo niya sa akin.

“S-Sir, m-may gusto kasing kumausap sa'yo sa labas. Papasukin ko po ba sila?” Tanong ko.

“Yeah.” Simpleng sagot niya.

Tinawag ko naman ang dalawang matandang lalaki. They greet each other happily as if they know each other. Kahit nakangiti siya sa dalawang kausap niya ngayon, lita ko pa ring may kulang sa mga ngiti niya.

Ano ba kasing tinatago mo sa akin, Thunder?

Isang linggo ng palaisipan sa akin ang biglaan mong pag-iwas. Isang linggo ko ng tinatanong sa sarili ko kung mali ba talaga na sinabi ko ang nakaraan ko sa'yo. Sana naman hindi ako nagkamali sa pagsagot sa tanong mo dahil gusto kong malaman mo kung ano at sino talaga ako. Ayaw kong maging malihim sa'yo. Sinusugal ko na ang maling nararamdaman ko basta makita ko lang na masaya ka at makuha mo ang kasiyahan na para naman talaga sa'yo. H'wag mo naman akong iwasan ng walang dahilan. Kung busy ka handa akong intindihin pero h'wag naman ganito na parang biglang hindi mo na ako kilala kapag humaharap ako sa'yo.

Nasasaktan ako, Thunder.

Nasasaktan ako. Lalo na ngayon habang nakatingin ako sa kaniya. Iba na ang matang nakikita ko ngayon. Isang mata na punong-puno ng pag-iwas at paglilihim sa akin. Nasasaktan ako tuwing tinitignan ko siya at hindi man lang niya ako magawang tapunan ng mga tingin niya.

“What are you doing here, Ms. Alex? Hindi ba dapat na sa labas ka?” He asked in cold way. Tila napahiya naman ako dahil tumingin bigla sa akin ang dalawa niyang kausap.

SLOWLY SERIES #1: Slow Earn [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon