Chapter 22 : Flashback 1

Start from the beginning
                                    

Malakas akong tumawa. "After no'n wala na. Hindi ko na rin siya nakikita," mahina at malungkot na saad ko.

Bahagya niyang hinatak ang dulo ng buhok ko kaya napaaray ako. "Hindi niya ba kinuha number mo? Hina naman! Pa'no kayo makakabuo ng love story niyan?" nakangusong saad niya.

Ngumisi ako. "In-add niya 'ko sa facebook. Kagabi magkachat kami."

Lumaki ang mata niya. "Talaga?! Go girl!"

Nang matapos ang klase ay pumunta na agad ako sa sakayan ng jeep para makauwi. Napagod ako sa pagkwento kay Aira. Habang naghihinatay ay isang kulay abong kotse ang huminto sa harapan ko. Napalunok ako nang makilala kung kanino 'to.

"Hatid na kita," Styx said as he brushed his hair with his fingers.

I gulped and looked away. Tangina, ang gwapo.

"H-Hindi na, kaya ko pa naman umuwi at saka may pamasahe pa 'ko." Ngumiti ako ng tipid.

Mula sa bintana ng kotse niya ay nakita ko kung paanong ang sulok ng labi niya ay tumaas nang makitang hawak ko ang phone na binigay niya.

"Sige na. Pangbawi ko lang sa nasira mong phone last time."

Hindi na ako nakatanggi nang pagbuksan niya 'ko ng pinto. Pigil ko ang ngiti habang sumasabay si Styx sa kantang nasa speaker niya.

Hindi ko maiwasang pagmasdan siya habang nagda-drive. Bagay sa kaniya lalong-lalo na ang paraan ng paghawak niya sa manibela.

"You know what, I'm starting to like you." Nanlaki ang mata ko sapagiging straightforward niya. Amp, teka hindi ako ready!

Peke akong umubo. "A-Ano?"

He chuckled lightly. Shutek, ang hot niya pa rin tignan. "Nevermind. Anong oras ang klase mo bukas?"

Napanguso ako dahil hindi niya na inulit pa 'yon. "Alas dos hanggang alas kwatro lang."

He nodded and bit his lower lip. "Pwede ba kitang yayaing mag-dinner?"

Hindi ko na napigilang mapasinghap. Saglit siyang tumingin sa 'kin bago tinuon ang paningin sa kalsada. "I mean, kung gusto mo lang naman."

Sinubukan kong ikalma ang sarili pero hindi ko magawa. Kung pwede lang tumalon dito sa kotse ay ginawa ko na! Bakit ba kase nangbibigla siya ng ganyan, eh?!

"Ah ano kasi, s-strict ang parents ko," utal-utal kong saad. Mukhang hindi niya rin naintindihan dahil sa sobrang hina.

"Hmm?" Shit na malagkit.

"Ang sabi ko, baka hindi ako payagan ni Mama na gabi na umuwi kaya a-ano . . . " Nag-isip pa ako nang sasabihin dahil biglang nablangko ang utak ko nang ihinto niya ang sasakyan sa gilid ng eskinita.

"It's okay. May next time pa naman." Ngumiti siya sa 'kin. Kagat ko ang loob ng pisngi ko habang pinipigilan ang sariling ngumiti ng malaki. Baka sabihin niya patay na patay ako sa kanya, konti lang, 'no.

"Sige," maikling saad ko. Heto ang pinakaayaw kong part, eh. 'Yung nauubusan kami ng topic.

"Bakit hindi ka na nagreply sa chat ko kagabi?" biglang tanong niya. Kinurot ko ang sarili para bumalik sa katinuan. Ilang beses akong nagbilang sa isip bago naproseso ang kanyang sinabi.

"N-Nakatulog ako, sorry," kamot ulong saad ko.

Mahina siyang tumawa. "I see. Good night," malambing na saad niya. Wtf, malambing?!

Tumango ako at ngumiti. "Good night." Pinagbuksan niya ako ng pinto at saka marahang ginulo ang buhok ko. Para naman akong batang nakatunghay sa kaniya habang kagat ang labi.

The Sweet Revenge (COMPLETED) Where stories live. Discover now