ONE : ABANDONED

1.4K 14 1
                                    

Chapter 1
Aihna's Point Of View

School is one of the most toxic place in the world.

Kung hindi ka magaling mag-aral ay hindi ka mabuting bata.

Kung wala kang perang at pamilyang maipagmamalaki sa kanila, nahuhusgahan na kaagad nila na wala kang kararatingan sa buhay.

Kaya imbis na pakinggan ang mga sermon ng mga guro sa eskwelahan, kung gaano ka-pangit ang magiging kinabukasan namin at kung gaano kami ka-maiinggit sa mga kaklase namin sa mga susunod na panahon ay tumatakas nalang kami.

"Tumalon ka na! Baka maabutan pa tayo ng guard!"

"Talon na!"

"Bumaba ka na diyan!"

"Bumaba ka na pare. Para ka namang bakla. Daig ka pa ng mga babae."

Sigaw namin sa lalaking kaibigan namin na nagdadalawang-isip pa kung bababa ba siya o mananatili nalang sa itaas ng bakod.

Hindi siya nagsalita at nanatili lang na nagpapalit-palit ang tigin sa amin at sa babagsakan niyang semento.

Pvta. Lalaki ba talaga ito?

Ang bagal-bagal, naiinip na ako.

"Talon na! Iiwan ka namin makikita mo."

Pananakot ko sa kaniya.

Kung magtatagal pa kami rito ay posibleng dumating na ang guards o kaya naman ay ay makakita sa aming estudyante o mga guro.

Hindi kami pupwedeng magtagal pa.

Pero maya-maya lang ay nakarinig kami ng pagsigaw ng isang babae. Nasa loob siya ng school kaya naman hindi niya kami nakikita. Pero sa oras na makalapit siya sa bakod ay mabubuking kaming tumatakas sa klase.

No choice.

Tininingnan ko ang kaibigan kong babae na naiirita narin sa kasama namin. Nang magtama ang mga mata namin ay tinanguan ko siya na kaagad naman niyang naintindihan at walang sabi-sabing hinila namin pababa ang kaibigan naming napakatagal ng nasa itaas ng bakod bago tumakbo ng napakabilis.

Hila-hila parin namin siya at walang pakialam kahit na panay na ang reklamo niya.

Nang makalayo na sa eskwelahan ay huminto kami at huminga.

Mga mapapait ang mukha dahil kamuntikan na kaming mahuli dahil sa ka-duwagan ng kasama namin.

"Sa susunod hindi ka na namin isasama. Ipapahamak mo pa kami."

Madalas talaga ay puro babae lang kaming lumalabas. Ngayong araw lang sumama ang mga lalaki naming kaibigan na balak yata talaga kaming ipahuli sa mga teachers.

"Ang taas kaya ng bakod. Papaano kung mapilayan ako pagka-talon ko?"

"Napilayan ka ba?"

Pagtataray ng kaibigan naming babae sa kaniya.

"Edi sorry. Saan na ba ang punta natin ngayon?"

"Sa banyo. May dala naman siguro kayong mga damit diba?"

"Hindi tayo pwedeng gumala ng naka-uniporme pa."

Tumango ako at naglakad na. Nagsipag-sunuran narin sila.

Sa banyo ang punta namin ngayon. Kailangan naming magbihis at mag-ayos para hindi magmukhang mga estudyante.

"Tingnan ninyo ako. Hindi ba't ang ganda ko?"

Nakapamewang at akala mo ay model na sabi ng kaibigan ko habang papalabas siya ng banyo. Suot niya ang isang bestida na pula na hanggang tuhod lang ang haba at walang strap at sleeve.

VENGEANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon