"Sa kaniya mo ibigay. Apo ko iyan, at mula ngayon din ay makakatulong ko na sa pagtitinda."

Pilit akong ngumiti sa tindera para hindi magmukhang maldita. Kahit pa rin marami na akong bitbit ay ako pa rin ang pinagbuhat ni Lola ng binili niyang isda.

Sa dami ng bitbit ko, magkakaroon na ako ng muscles nito kahit isang araw ko palang na ginagawa.

Ganito ba talaga mamalengke ang lahat? Kulang nalang ay bilhin niya ang buong palengke e.

"Iyan na po ba yung panganay ni Raina? Ang laki na niya ano? At ang ganda, manang-mana talaga sa ina."

Tumango lang ako at tipid na ngumiti. Alam kong compliment iyon pero hindi ako natuwa.

Nangangawit na po ako at gusto ko ng umuwi. Huwag na kayong mag-usap ng matagal!

Sumang-ayon si Lola sa kaniya at ilang minuto pa ang lumipas bago tuluyang magpaalam na.

Sumakay kami ng tricycle pauwi at bumyahe ng mahigit sampung minuto dahil mayroong kalayuan ang palengke sa bahay ni Lola. Nang makabalik sa bahay ay kaagad akong humiga at hinayaan na si Lola na asikasuhin ang mga lulutuin niya.

"Gusto ko ulit na matulog."

Bulong ko sa sarili bago yumakap sa unan at ipinikit ang mga mata.

Napaka-aga kong nagising kanina at hindi pa nakatulog ng maayos dahil hindi ako sanay na sa sahig lang na mayroong sapin matulog.

Ewan ko lung papaano nagagawa iyon ni Lola? Hindi ba sumasakit ang lilod niya tuwing gigising siya sa umaga?

Maya-maya pa ay muli ko nanamang narinig ang boses ni Lola.

Wala pang limang minutong nakapikit ako at nakahiga! Ano nanaman kayang kailangan niya?

"Bakit po?"

Kaagad na tanong ko nang makalapit sa kaniya.

Iniabot niya sa akin ang sangkalan at kutsilyo, pati narin ang isang plastic ng sibuyas, bawang at luya.

Alam ko na kaagad kung ano ang gagawin ko hindi pa man niya sinasabi.

Napapabuntong-hininga nalang akong kinuha iyon at naupo sa lamesa para simulan na ang paghihiwa.

Wala rin akong magagawa kahit magreklamo pa ako sa kaniya.

Isa pa, kung sa paghihiwa lang rin ng ganito ay maasahan naman niya ako. Noong buhay pa kasi si Mama ay madalas ko siyang panoodin na magluto at hiniling rin noon na matuto.

Matapos ang ilang oras na pagluluto at paghahanda sa mga ititinda ay binuksan na namin ang tindahan ni Lola.

"Raina's Eatery"

Iyon ang naka-pangalan sa harapan ng tindahan niya.

Nag-iisang anak nila ni Lolo si Mama kaya naman naibigay nila ang lahat dito at siya lang ang nag-iisa nilang tagapag-mana.

Hindi ko makalimutan kung gaano ka-mahal ni lolo ang Mama ko at ikinamatay niya rin ang pagkawala niya. Nagkaroon siya ng sakit at iniwan naring mag-isa si Lola.

Sinilip ko ang loob ng resto at kaagad napangiti ng unti unti ng dumarami ang mga taong pumapasok sa loob para kumain.

Kinukuha narin ni Lola ang mga order nila at nakikipagtawanan pa sa iba na mukhang mga kakilala niya.

"Aihna ano pang ginagawa mo diyan sa labas? Pumasok ka na dito at tumulong."

Mukhang.... mapapasabak ako sa engkwentrong hindi ko kayang ipanalo.

VENGEANCEWhere stories live. Discover now