"Hoy, hindi ka man lang magpapasalamat?"

Muli akong napabuga ng malalim na hininga bago siya harapin.

Ano ba ang dapt kong ipagpasalamat? Wala naman akong natutunan sa klase niya. Palagi nga akong natutulog doon o kaya naman ay nakikipagtawanan sa mga kaklase ko.

"Sana nalang po humaba pa ang buhay ninyo. Bye."

"Anong sinabi mo? Ha?"

Hindi siya makapaniwalang nakatingin sa akin. Nakatayo na siya ngayon sa harapan ko. Bakas sa mukha niya ang galit.

Siya na nga itong hinihiling kong mabuhay ng matagal, siya pa itong galit.

"Hoy Aihna sinasabi ko sa iyo. Hindi matatapos ang taong ito ng hindi ka nakukulong. Tandaan mo ang sinasabi ko."

Mapagbanta ang mga tingin niya at ang boses. Nanatili namang walang emosyon ang mukha ko.

"Ingatan rin po ninyo ang sarili mo Ma'am. Kahit gaano pa kalusog ang katawan mo, pwede ka paring mamatay sa isang aksidente lang."

Sinubukan niya akong sampalin matapos kong sabihin iyon pero kaagad kong nahuli ang kamay niya at sinamaan siya ng tingin.

"Hindi na po ninyo ako estudyante. Gusto mo bang maunang makulong sa akin?"

Magalang man ang pagkakasabi ay walang respeto ang tono ng pananalita ko. Dahil hindi ako nagbibigay ng respeto kung hindi mo rin ako kayang respetuhin.

Binitawan ko na ang kamay niya at naglakad na pabalik sa klase. Yung bag ko, dapat pala dinala ko na kanina pa.

Sinalubong ng mga kaibigan ko na kaagad akong pinagkaguluhan.

"Mae-expell ka na nga? Iiwan mo na kami?"

Si Jedrel ang nagsalita.

Hindi ako sumagot at tiningnan lang silang apat. Mayroong dalawang nawawalang tupa. Nasaan ang mga iyon?

"Huwag mo ng hanapin si Yerin. Absent nanaman. Magugulat nalang iyon kapag nalaman niyang lumipat ka na ng school."

Sabi ni Izina nang mapansin niyang mayroon akong hinahanap.

Itinango ko ang ulo sa kaniya.

Tatawag naman kaagad sa akin iyon kapag nalaman niya.

"Eh si Haines nasaan?"

Iniiling nila ang ulo.

"Ewan. Galit yata sa iyo. Panay ang iwas no'n matapos ng nangyari sa iyo eh."

Galit ang lalaking iyon. Hindi sa akin, kundi sa eskwelahan. Noong isang araw ay nagka-usap kaming dalawa at sobra sobra ang inis niya dahil pinapaalis ako sa eskwelahan kahit pa malinaw naman na ako ang pinagtutulungan.

"Kung hindi dahil sa mga siraulong iyon ay hindi ka naman mapapaalis sa school! Kapag nagkita talaga kami sisipain ko ang mga itlog nila."

"Kung nandoon kami, hindi naman mangyayari ito 'di ba?"

Tipid akong ngumiti sa kanila.

"Huwag kayong mag-alala. Hindi na babalik ang mga iyon. Sinadya ko ring hindi sabihin sa inyo, kaya hindi ninyo kasalanan na napagtulungan ako."

Niyakap nila ako matapos no'n. Kahit pa alam nilang ayaw kong nahahawakan ng iba.

Ramdam ko ang init ng bawat isa. Ramdam ko ang kalungkutan nila.

Pero ngayon ay nakahinga na ako ng maluwag. Kanina habang mag-isa ako sa bench at isinusulat ang letter na iyon, pakiramdam ko ay nauubusan ako ng hangin at hindi makahinga.

VENGEANCEWhere stories live. Discover now