Minsan naman si Glen ang wala. He's now a director of photography kaya madalas nasa mga shooting siya ng pelikula.

Meanwhile, LJ is working as a high school teacher sa school kung saan kami nag aral noon. While Harold is competing in basketball as part of the national team.

Hindi na kami madalas nagkakausap usap lahat. May kani-kaniya nang buhay. Mga pangarap na tinutupad. We all have our own struggles too at hindi rin lahat updated na sa buhay nang isa't isa. Pero alam niyo ang nakaka proud? Despite all that, I know we did not outgrew each other. Yung pag nagkikita kita kami, parang wala pa ring nag bago. Sobrang close pa rin namin sa isa't isa. Ang dami pa rin napagkukwentuhan. Tsaka pag may problema ang isa, handang dumamay lahat.

I know they are the kind of friends na isang tawag ko lang, alam kong pupuntahan nila ako.

Napatingin ako sa right side nung litrato kung saan ako nakapwesto. Sa tabi ko ay may isang matangkad na lalaki. He has a bright smile on his face at naka peace sign siya.

I feel a sudden stab on my chest while looking at his face.

Well.. except for one.

Nung pagka graduate namin, tuloy tuloy rin ang communication namin ni Seb. Kahit magkaiba ng timezone, kahit busy sa school, we always make time para mag usap. Kumustahan. Catch up. Sa kanya ako pinaka update na kahit mismo ang kinain niyang side dish nung lunch alam ko.

Pero mahirap din pala kung oras at distansya ang kalaban mo ano? Habang tumatagal ang hirap panindigan. Lalo na pag nag aaway kayo, tapos ni hindi mo man lang siya mayakap para mag sorry. O ni hindi mo man lang mapunasan ang luha niya pag nahihirapan na siya.

Eventually, me and Seb grew apart. Hindi biglaan, pero onti onti ang pagkawala ng communication namin.

Dumadalang na pag uusap. Hindi na updated sa isa't isa. Hanggang sa isang araw, katahimikan na. Wala na akong balita sa kanya. Hindi na rin siya active sa social media so hindi ko na alam kung ano ang nangyayari.

May mga pangilan ngilang beses na sinubukan kong mag reach out pero hindi ko na siya mahanap. Kahit si Harold o Glen, nawalan na nang communication sa kanya.

Ang sarap sana isipin na parang fairytale ang storya naming dalawa. Yung after iintayin ko siya, tapos after ilang years babalik na siya sa akin.

But that's not the case. This is my reality. At sa reyalidad na 'to, people grow apart. At pakiramdam ko ganoon ang nangyari sa amin ni Seb.

We grew apart. We forget. We moved on.

Pero from time to time, iniisip kong sana okay lang siya. Sana na achieve na niya ang pangarap niya. Sana masaya siya ngayon at nakakangiti nang totoo.

I heard a know on my door and I saw Bianca, my assistant, peaks on my door.

"Doc, open na po tayo. May waiting na na patient," sabi nito sa akin.

"Give me a second. Sunod ako sa'yo," sabi ko rito.

Kinuha ko ang white coat ko at isinuot ito. I gave our highschool picture one last look bago ako lumabas ng office ko.

We've come a long way.

~*~

"Ano raw problem nung pet?" tanong ko kay Bianca habang naglalakad ako papunta sa receiving area to meet the pet owner.

"Mukhang stray cat po, eh na napulot niya at ipapa-check up niya," sabi ni Bianca. "Ay ayan po si sir."

Tinuro sa akin ni Bianca yung pet owner and I saw a guy standing in the receiving area. He's quite tall, clean haircut and he's wearing a black coat. Ang intimidating ng aura and yet, I can see the small kitten on his right. He's caressing it gently at sobrang komportable ng pusa sa kamay niya.

"Sir..." tawag ko rito.

Napalingon siya sa akin and when our eyes met, I feel like my world stop spinning.

Ten years. At habang dumadaan ang sampung taon na yun, nararamdaman ko rin ang unti-unting pagkabura ng nararamdaman ko para sa kanya.

Ten years, and I know it's impossible to love a single person in the span of ten years lalo na kung wala kang kasiguraduhan kung makikita mo pa siya.

Ten years, and I thought I've moved on.

But when I saw him in front of me, looking so handsome and dapper and... successful, parang gusto ko biglang maiyak? Parang yung mga feelings na na let go ko noon, bumabalik ulit sa akin.

My shocked expression matches his. Mukhang hindi rin niya alam na clinic ko 'to dahil kitang kita ko ang gulat sa mga mata niya.

And then.. he smiled. That heartwarming smile that never fails to melt me.

"Dr. Iris Castro," he said. "It's you."

Napahinga ako nang malalim, and I smiled back.

"So we meet again, Atty. Madrigal."

I guess this is fairytale after all.

End.


A/N

Dreamers! Thank you so much for reading this story! For the past year I've been writing this, naging comfort story ko na ito. And i hope it also gives you warmth and comfort as much as it gives me while writing it <3

At dahil diyan, I know, epilogue is bitin. Pero like what I've said dati, I'm planning to write novellas for each of the characters. It'll be more or less five chapters long. 

The first one would be Iris and Seb's story---aftermath. Ang timeline nito is same timeline sa epilogue which is ten years later after ng Highschool graduation nila. Kaya yep, there's more to Iris and Seb's story. Alam ko may hinahanap pa kayong scene. (ehem. kiss. ehem) But since ang genre nitong Moon Child ay mas coming of age than romance, let's save it for the novella. (malay niyo may more than kiss--eme! chos)

So ayorn, I'm planning to post Seb and Iris' story sa March (hopefully). All five chapters and ippost ko nang isang bagsakan kaya sana matapos ko agad wahaha.

Other characters na magkakaroon ng novella ay:

- LJ

- Chichi

- Harold

- Mona (?) medyo pinagiisipan ko pa. 

Again, thank you so much sa pag sama sa journey nina Iris and Seb. Thank you for staying until the end. I love you, dreamers.

- Aly <3

Stay Wild, Moon ChildWhere stories live. Discover now