Chapter Thirty One

20K 1.5K 669
                                    


Recap:

- Seb and Glen got into a fight during their flag ceremony kaya naman pareho silang may detention for the whole week. Need nilang mag linis ng school at si Iris ang taga bantay nila.

- After ng second day ng detention nila, naunang umalis si Seb saying na meron siyang "date." Iris is confused kasi the whole time ang alam niya, ang gusto ni Seb ay si Mona. So sino itong mini-meet na girl ni Seb?

- Then Iris saw Glen getting dragged by this group of boys na mukhang mga bullies. She followed then and she saw Glen getting beat up by this guy named Jester. She was about to ask for help nang makita siya ni Jester na nagtatago sa likod ng poste. And then, a hand covered her mouth from behind.


Chapter Thirty One

I felt a hand cover my mouth from behind me. I started panicking.

Nagpupumiglas ako. Pilit kumakawala sa pagkakahawak ng lalaking nag takip ng bibig ko pero mas lalo niyang hinigpitan ito. Hinawakan din niya ang magkabilang kamay ko para hindi ako makagalaw.

And then he whispered, "Iris, si Seb 'to."

Natigil ako sa pag pupumiglas at napalingon sa likod ko. There I saw Seb at muntikan na akong mapasigaw with both shocked and relief nung makita ko siya. Kaya lang, tinakpan niya ulit ang bibig ko.

"Wag kang maingay," he hissed. "Papunta yung isa sa kanila dito. Wag kang matataranta."

Napalunok ako. Naramdaman ko ang pag bilis ng tibok ng puso ko dahil sa sinabi ni Seb. Huminga ako nang malalim and try to calm my nerves but my heart rate suddenly picked up nung marinig ko yung lalaki na nag salita sa likod ko.

"Anong ginagawa niyo rito?"

Pareho kaming napalingon ni Seb dito. Seb pulled me near him at itinago niya ako sa likod niya.

"Nagpapahangin lang," sabi naman ni Seb dito at parang napaka chill niya lang. "Ikaw? Nagpapahangin ka rin dito? Ayos dito 'no. Maalinsangan. Malapit sa creek."

Kumunot yung noo nung lalaki. Napakapit ako sa sa backpack ni Seb na nakasabit sa kanyang likuran.

May dumating na dalawa pa.

"Ginagago ako nito eh," sabi nung lalaking kumakausap sa amin doon sa kasamahan nila na kararating lang.

"Edi gaguhin din natin," sabi nito at hinawakan nila sa magkabilang braso si Seb at hinila papunta kung saan ginugulpi nung Jester si Glen.

"Seb--!" sigaw ko nang inihiwalay nila si Seb sa akin. Napatingin naman yung isa nilang kasamahan at inakbayan ako.

"Tayo naman ang mag b-bonding miss," sabi nito at hinila rin niya ako papunta kung saan nila dadalhin si Seb.

I tried to stay calm at wag mag panic. Hindi ako nag pumiglas dahil alam kong mas lalala lang ang sitwasyon.

Breathe deeply.

Bakit ba kasi nung time na pinipilit ako ni mama na mag enroll sa taekwondo class, hindi ko ginawa?! Ni wala akong alam kahit isang self defense move.

Note to self: mag aral ng self defense pagkauwi ko.

Kung makakauwi ako ng ligtas.

Stay Wild, Moon ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon