Chapter Nine

25.7K 1.7K 731
                                    

Chapter Nine


'Delikado 'to,' sabi ko sa sarili ko habang papasok kami sa tapsi sa garahe malapit sa school namin.

Kanina pa ako nag c-compose sa utak ko nang iba't ibang palusot kung bakit kailangan ko nang umuwi.

Emergency, pinapauwi ako ng daddy ko, may errands na kailangan gawin.

Pero mapatingin pa lang ako kay Harold, umuurong na ang dila ko. So hinayaan ko na lang. One day is harmless, I think? Wala naman sigurong mangyayaring masama kung sasama ako. Saglit lang naman. I'll be home before night time. Isa pa wala naman maghahanap sa akin. Oo. Tama. Okay lang siguro. Ngayon lang naman, eh. Hindi na mauulit.

Pagbibigyan ko lang sarili ko, just this once.

"Dito na lang tayo pumwesto," sabi ni Harold nang makalapit kami sa pang-apatan na lamesa.

Hinila naman ni LJ si Chichi, "tabi tayo!" sabi nito at in-occupy nila yung seat sa isang side---leaving me and Harold on the other side.

Harold occupied the seat in front of Chichi while I occupied the one in front of LJ. Medyo maliit lang yung lamesa kaya naman magkadikit na magkadikit yung monobloc chair namin. Sa sobrang dikit, halos mag tama na rin ang mga braso namin ni Harold.

"Ano ba masarap dito?" tanong ni Harold sabay kuha ng menu. Pag stretch niya ng kamay niya, kumiskis yung braso niya sa braso ko and I felt a sudden volt of electricity rushing through my veins. Parang pakiramdam ko biglang nag init ang mukha ko at pasimple kong inilayo ang braso ko sa braso ni Harold.

Napapaypay ako sa sarili ko.

Ang init. Kahit nakatapat kami sa electric fan, ang init.

"Sizzling tapa with egg ako!" dinig kong sabi ni Chichi.

"Okay, ayun na rin sa akin," sabi naman ni Harold at naramdaman kong tinapik niya ang braso ko. His fingertips slightly brushing on my skin.

Lahat na ata ng dugo umakyat na sa mukha ko.

"Ano sa'yo Miss Pres?" naramdaman kong lumingon sa akin si Harold pero nanatili akong naka-yuko at nakapako sa menu ang mata dahil pakiramdam ko ang pula pula ngayon ng mukha ko.

"Y-yun na lang din," I stuttered.

"Okay sizzling bangus ako with garlic rice para maiba naman," sabi naman ni LJ.

"Okay, ako na o-order. Treat ko na," sabi ni Harold at naramdaman ko siyang tumayo.

"Naks naman! Galante o," kantyaw ni LJ.

"Mas ten times kang gumagwapo pag nanlilibre ka," biro naman sa kanya ni Chichi.

I heard him chuckled.

"Lakas niyo mang asar," sabi nito bago siya pumunta sa counter para sabihin ang mga orders namin.

Nung makaalis si Harold, biglang hinampas ni LJ yung menu na nasa harapan ko at halos mapatalon ako sa gulat. Napa-angat ang tingin ko sa kanya at napa-kunot ang noo ko. Naka ngisi naman siya na parang nang aasar.

"Ayos ka lang pres? Mukhang init na init ka ah?" medyo mapang asar na tanong ni LJ.

"Hala oo nga. Namumula ka. Okay ka lang ba?" tanong naman ni Chichi and there's a genuine concern on her face.

Stay Wild, Moon ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon