Chapter Thirty Seven

18.5K 1.4K 576
                                    

Chapter Thirty Seven


"I like Chichi, and I'm planning to ask her out. Can you help me?"

Silence. I felt like I've been punched in the gut. Suddenly, I lost my ability to speak. Sigurado akong kitang-kita ang gulat sa mga mata ko habang nakatingin ako kay Harold. I tried to change it to expressionless. Gusto kong i-on ang resting bitch face mode ko. Pero hindi ako sigurado kung ano nagagawa ko ba.

It's painful. Too painful to the point na para akong namamanhid ngayon.

Harold let out a nervous laugh as he scratches the back of his head.

"Sorry, alam kong 'di dapat kita i-involved dito. Forget that I ask. But please do me a favor and not tell Chichi about this hangga't hindi ako nakaka tyempo ng amin sa kanya? I know your loyalty's with her. But please, Iris? I promise, malinis ang intensyon ko kay Chichi. I've liked her eversince, pero natatakot lang akong sabihin sa kanya kasi baka umiwas siya at hindi ko alam kung ano ba 'ko sa kanya. Pathetic, right? Pero ngayon, malapit na tayong grumaduate, I want to take my chance. I never like someone as much as I like Chichi kaya please, Iris? Don't tell her please?"

He sounded so desperate and sincere that it makes me want to cry.

He really likes Chichi at damang dama ko 'yon. Pinaghalong sakit at guilt ang nararamdaman ko ngayon.

Ang tagal ko nang walang tinuturing na kaibigan until Chichi and LJ came. Tahimik man ako sa kanila o hindi man ako expressive, I know I'll do everything to protect them---to protect our relationship. That's how much I treasure them.

That's why finding out that Harold likes Chichi hurts like hell more than nung panahong iniisip ko na si Mona ang gusto ni Harold.

Because with Chichi, I feel so guilty dahil hindi ko makuhang maging masaya para sa kanya ngayon. Harold is a great guy at alam kong aalagaan niya si Chichi.

Pero masakit pa rin. Sobrang sakit at nakaka guilty kasi pinipigilan kong makaramdam ng kahit anong selos kay Chichi. Kung si Mona 'to, malaya kong mararamdaman ang mga bagay na 'to. Pwedeng pwede ko rin silang iwasan pag nagkataon na maging sila. Mas ma-s-sort out ko ang emosyon ko hanggang sa makapag move on ako.

Pero kung si Chichi?

Kaya ko ba 'to?

"Iris?"

I got snapped back to reality nang maramdaman ko ang kamay ni Harold sa balikat ko. Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulala lang doon at hindi siya sinasagot. But Harold looked worried at halata ang pag p-panic sa mga mata niya.

That's why I forced myself to smile. As much as I hate smiling, I did it anyway to reassure him I'm okay.

"Okay, hindi ko sasabihin kay Chichi," sabi ko dito.

Napangiti si Harold, yung magandang ngiti na everytime na ibinibigay niya sa akin, para akong matutunaw. Pero ngayon, parang gusto ko na lang umiyak.

"Thanks Ms. Pres! Sabi ko na, mapagkakatiwalaan talaga kita!" sabi nito as he enveloped me into a tight hug.

Harold's hug is warm and tight, yet I felt my heart shattering into million pieces. Agad akong kumawala sa yakap niya as I tried my best to maintain my smile kahit alam ko nang nangingilid na ang luha ko.

Wow, this is the first time I smiled at him, at pekeng ngiti pa ang naibigay ko.

"Okay," sabi ko sa kanya. "Tara na punta na tayo doon sa venue. Iniwan na tayo ni Seb!"

Stay Wild, Moon ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon