Chapter Forty Five

19.3K 1.3K 958
                                    

Chapter Forty Five

I woke up with a throbbing pain on my left foot and a bad headache. Nang pagkadilat ko, sobrang confused ako kung nasaan ako. All I can see is white ceiling and white wall.

Until a familiar face greeted mo.

"Buti naman at nagising ka agad!" sabi ni LJ sa akin at parang bigla akong napabalik sa ulirat dahil sa lakas ng boses niya. "Alam mo bang muntikan ka nang masagasaan ah?! Bakit kasi tumatawid ka nang hindi ka lumilingon sa tatawiran mo?! Tapos nawalan ka pa ng malay!"

Unti unti akong bumangon at inikot ko ang panigin ko at doon ko lang narealize na nasa loob ako ng isang clinic. Napatingin ako sa left foot ko at napansin kong naka bandage ito.

"Anong nangyari?" tanong ko kay LJ while massaging my temple dahil ang sakit talaga ng ulo ko.

"Muntik ka na matumba at natwist mo yung ankle mo. Ayan namaga!" sabi ni LJ. "Tapos hinimatay ka. Buti na lang nakita ka ni Seb!"

Seb. Si Seb...

Narinig ko ang boses niya, tinatawag niya ako.

"Nasaan si Seb?" tanong ko kay LJ.

"Hinahanap mo ako?" dinig kong boses mula sa kabilang kama at nakita ko si Seb na nakaupo doon habang nakatingin sa akin. May bandage din ang kanang kamay niya.

Parang biglang nawala ang sakit ng ulo ko at napalitan ito nang pagaalala nang makita ko ang kamay niya.

"Seb! Anong nangyari?!" taranta kong tanong.

"Chill Iris, sugat lang 'to. Malayo sa bituka," he said while giving me a reassuring smile. Lumapit siya sa akin and he sit at the edge of my bed. "Ikaw? Okay ka na ba? Hindi ka na ba hilo? Namamaga yung paa mo. Sabi nung doctor kailangan mong ipahinga yan. Wag ka na munang mag part time, kami na bahala doon."

Napailing ako, "ba't ka nagkasugat sa kamay?" tanong ko.

"Pareho kayong natumba nung pag hila niya sa'yo palayo doon sa parating na kotse," sabat naman ni LJ. "Hinarang niya yung kamay niya sa ulo mo para hindi tumama sa semento."

Napatingin ako sa kamay ni Seb and I can feel guilt rushing through me. Nasaktan si Seb dahil sa akin. Dahil padalos dalos ako. As much as I try not to panic or to maintain a clear head, may mga pagkakataon talaga na hindi ko ito naiiwasan. And more often than not, may napapahamak ako.

Why am I so good at hurting people that are precious to me?

Inangat ko ang tingin ko kay Seb at hindi ko maitago ang guilt na nararamdaman ko.

"Sorry Seb," I said with full sincerity. "I'm really sorry."

"Huy," sabi nito sa akin at dumikit siya sa akin. "Hindi ka naman kailangan mag sorry. OA lang yung pagkaka lagay ng bandage nung nurse pero maliit lang yung sugat ko. Feeling ko type lang ako nun at gusto niyang hawakan ng matagal ang kamay ko," pagbibiro niya to make me feel better.

"Yuck sino ba 'yang nurse na 'yan walang taste," sabi ni LJ na parang nasusuka suka.

Napangiti ako nang bahagya dahil sa pang aasar nila. Tumabi rin sa akin si LJ.

"Wag kang makonsensya. Kung hindi ka niligtas ni Seb at may nangyaring masama sa'yo, alam niyang 'di namin siya patatahimikin ni Chichi buong buhay niya. Kaya tama lang 'yang ginawa ni Seb."

Stay Wild, Moon ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon