Chapter Forty Seven

20K 1.5K 1K
                                    

Chapter Forty Seven

Hindi ko alam kung kailan nag start na na break ko na ang pangako sa sarili ko na hinding hindi ako magpapakita ng vulnerability sa harap ng ibang tao.

Pinaka hate ko 'yon. Ayokong nakikita nila akong natatakot o nasasaktan. Lalo na ang umiiyak. That's why I always try to make my expression blank.

Pero hindi ko na ata alam kung ilang beses na akong umiyak sa harapan ni Seb. Ilang beses niya na ba akong pintahan at cinomfort? But everytime something bad happens to me, siya unang tao na palaging nandyan sa tabi ko, at ngayon ko lang nararamdaman kung gaano ako ka-thankful sa kanya.

After nung confrontation namin ni Chichi, dinala ako ni Seb sa may fire exit so I can cry privately. Parang sasabog ang puso ko dahil sa sama nang loob.

Hindi ko ginusto ang nangyari kay LJ pero bakit parang pasan ko ang sisi sa buong nangyari? Hindi naman ako ang nag lagay nung letter sa bulletin board?

At si Chichi? How can she believe a recording na hindi naman kumpleto? Ganoon lang ba kababaw ang pinagsamahan namin?

"Akala ko nakahanap na ako ng mga totoong kaibigan, maling akala lang pala ako," I cried while Seb is comforting me.

He did not say anything, and I understand dahil kaibigan din niya sina Chichi. Pero mahalaga na sa akin na nandito siya sa tabi ko ngayon. Na sa akin siya nakadikit habang lahat sila nagagalit sa akin.

When I calmed down, sinamahan niya ako sa teacher's office para magpaalam na uuwi na lang muna ako. Glad when our adviser saw my puffy eyes, hindi na siya masyadong nag tanong kung bakit at pinayagan na niya akong umuwi muna ngayon. Hindi na rin ako bumalik sa classroom at si Seb na ang kumuha ng bag ko.

Ayokong makita si Chichi o kahit sino man sa kanila. Masyadong masama ang loob ko.

When I got home, I received a text message from Seb.

'Pahinga ka muna ngayon okay? Alam kong mahirap na hindi isipin yung nangyari, pero i-distract mo muna ang sarili mo. Ako na bahala kumuha kay Sebbie mamaya sa vet. Wag ka mag alala Iris, magiging okay rin ang lahat. Dito lang ako. Message ka lang pag may kailangan ka.'

Hindi ko alam kung bakit naiyak na naman ako dahil sa message ni Seb. I never get emotional on things like this, pero iba rin pala ang pakiramdam pag alam mong may taong nandyan para sa'yo.

Natulog ako saglit at nagising ako around lunch time. Ang sakit ng ulo ko dahil sa kakaiyak. I checked my phone to see if may messages ako.

I received two messages. Isa kay daddy at isa kay Seb. Pareho nila akong pinapaalalahanan na kumain ng lunch. I texted my dad awhile ago na umuwi ako dahil masakit ang ulo ko. Sabi niya aagahan din niya ang uwi para makakain kami ng dinner nang sabay.

Pero bukod kay Seb at kay daddy, wala na akong na receive na iba pang messages.

I feel like I've been punched on the stomach. Sa totoo lang, umaasa ako na mag m-message sa akin sina Chichi at LJ. Even Harold. I'm expecting na kahit isa sa kanila, matatauhan at mag a-apologize.

Pero wala.

Chineck ko yung mga social media profiles nila. Walang new posts si LJ at Harold but I saw Chichi online. Nag re-retweet siya ng mga memes at mga dog videos.

Parang mas lalong pinilipit ang puso ko. I'm hurt, at the same time, I'm mad. Mukhang okay na siya, samantalang ako...

Wala nga ata talaga siyang pakielam sa akin.

Stay Wild, Moon ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon