Chapter Sixty Four

21.2K 1.2K 309
                                    

Chapter Sixty Four

Ang lakas nang ulan. It's just two in the afternoon and yet, ang dilim na sa labas.

Habang bumabyahe ang taxi kung saan kami nakasakay ni Seb patungo sa bahay ko, ramdam namin ang paghampas ng hangin sa bintana nito.

"Mukhang gagarahe na rin ako pagkababa niyo," sabi ng taxi driver. "Mukhang mag babaha na sa mga daan, eh."

Kumulog ulit. Napapikit ako. Naramadaman ko ang paghawak ng kamay ni Seb sa ibabaw ng kamay ko. He didn't say anything. Napalingon ako sa kanya at nakita kong diretso lang ang tingin niya sa daanan.

I smile a little.

"Paano ka uuwi?" tanong ko sa kanya. "Patila ka muna sa amin saglit?"

Tumango lang siya. Alam kong wala rin naman siyang choice kung hindi ang samahan ako sa amin. He's basically stranded with me. For sure alam naman niyang mahihirapan siyang umuwi nung nag offer na lang siya bigla na ihatid ako, pero ginawa niya pa rin. Alam kong hindi niya ako matiis and it gives me this intense feeling of warmth. Sa kahit anong sitwasyon talaga, laging nandyan si Seb para sa'kin 'no? Kahit na naglalagay na siya ng boundaries sa pagitan naming dalawa.

"Pasok ka," sabi ko kay Seb nang makarating kami sa bahay after almost thirty minutes na byahe. Malapit lang ang mall sa amin, pero dahil nag traffic na sa labas kasi sabay sabay naguuwian ang mga tao, inabot na kami ng halos thirty minutes.

I click the light switch dahil kahit umaga pa, ang dilim na sa labas. Pero pag pindot ko, ayaw bumukas ng ilaw.

"Hala, brown out ata," sabi ko kay Seb.

Lumapit sa akin si Seb and he tries to open the other switch.

"Mukhang brown out nga," he said.

Nagkatinginan kaming dalawa, and we suddenly look away dahil pareho kaming nakaramdam ng awkwardness. I can feel my face heating up, but I tried my best to look calm. Ayokong mag mukhang apektado ako na magkasama kaming dalawa ni Seb ngayon sa bahay, kami lang, umuulan, brown out.

NO. I NEED TO STOP MY THOUGHTS.

"May rechargeable lamp kami," sabi ko. "Wait kukuhanin ko lang."

And without looking at him, dali dali akong tumakbo paakyat sa kwarto ko.

~*~

I managed to calm myself. Effective yung pagtakip ng unan sa mukha at pag sigaw doon habang gumugulong gulong sa kama. At least I was able to release lahat ng tension na nararamdaman ko. After that, bumaba ako habang dala dala ang recheargable lamp na parang walang nangyari. Nakuha ko pang mag suklay ng buhok dahil alam kong mukha na akong bruha dahil sa pinag gagagawa ko.

Pag baba ko, I spotted Seb na nakaupo sa sofa namin. Nakatabi sa kanya si Sebbie and he's gently scratching the back of Sebbie's ears.

"Ang laki mo na. Siguro ang lakas mong kumain 'no? Ang lusog mo, eh. Dati liit liit mo pa."

Sebbie just stared at Seb with his bored eyes. Hinimas naman ni Seb yung may leg part ni Sebbie. He meowed in protest and started licking yung part kung saan siya hinawakan ni Seb na para bang nililinis nito.

"Ang yabang mo ah!" reklamo ni Seb sa pusa ko. "Malinis kamay ko huy! Baka mas mabango pa nga kamay ko sa hininga mo, eh."

Napatawa ako nang bahagya at parang tuluyan nang nag evaporate lahat ng awkwardness na nararamdaman ko.

Stay Wild, Moon ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon