Chapter Forty Three

19K 1.5K 1.3K
                                    

Chapter Forty Three

"Ah, si Chichi ang gustong pormahan ni Harold," Seb said out of nowhere.

Nandito kami ngayon sa isang convenience store malapit sa subdivision kung saan ako nakatira. Sabi kasi ni Seb, nag crave siya bigla sa ice cream kaya ayan, bigla kaming napakain dito. Sinamahan ko na lang din siya dahil thankful ako at inilayo niya ako kay Chichi at Harold.

Pero halos mabulunan ako nung sinabi ni Seb 'yan.

"Alam mo?" tanong ko sa kanya. "Kailan pa?"

"Kanina lang," he said with a shrug. "Halatang halata na."

Nakahinga ako nang maluwag. Akala ko noon pa, eh. Kasi kung alam niya na dati and yet he keeps on pushing me to Harold, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.

"Dati ba hindi mo nahahalata?" tanong ko dito.

Umiling si Seb. "Hindi. Ang galing magtago nang mokong na 'yun eh. Paano, mabait siya sa lahat."

Tumango ako pero hindi ako umimik. Sinilip naman ni Seb ang mukha ko at bahagyang pinatama ang balikat niya sa balikat ko.

"Sorry," bulong nito. "Kung alam ko lang, hindi ko na sana kayo pinush."

"Hindi mo naman kasalanan. Sabi mo nga, hindi mo nahalata. Okay lang naman ako. At least alam ko na at may valid reason na talaga ako para mag move on," sabi ko dito.

Napatingin ako kay Seb. He's staring at me na parang may gusto siyang sabihin sa akin pero hindi niya magawa.

"A-ano yun?" tanong ko.

"Move on..." he whispered. "Madali ba talagang kalimutan yung taong gusto mo?"

"Ewan," I answered. "Siguro oo kung may valid reason ka na like nalaman mong may ibang gusto na siya?"

Napaiwas nang tingin si Seb at napabuntong hininga.

"Bakit hirap ako..?" he whispered.

"Na alin?" tanong ko.

Nilingon niya ako at ngumiti, "na ubusin 'tong ice cream!" sabi niya sabay pakita nung ice cream na kinakain niya. "Grabe busog ako kanina! Ang daming pinakain sa atin ng mama ni LJ! Masarap nga talaga yung tapsi nila!"

Tumango na lang ako at umiwas din nang tingin. Alam kong iba ang ibig niyang sabihin pero hindi ko na tinanong because he might be uncomfortable to share it with me.

Naramdaman kong ipintaong ni Seb ang kamay niya sa tuktok ng ulo ko.

"Pero dahil si Iris ka, alam kong makaka move on ka agad kay Harold. Ikaw pa ba?" he said with a smile.

Napangiti rin ako sa sinabi niya, "sana nga."

"Oh!" he said pointing at my face at bigla siyang napahawak sa dibdib niya. "Grabe napapadalas na ang pag ngiti niya oh!"

Sumimangot ako, "ewan ko sa'yo Seb."

"Pakiramdam ko dahil yan sa presensya ko. Masaydo kitang napapasaya," very confident niyang sabi.

"Mukha ka kasing clown," sabi ko dito.

Natawa bigla si Seb sa banat ko, "aba! Marunong ka na rin mag biro. Jokerist ka na rin ha?"

"E-ewan ko sa'yo!" inis kong sabi. Kasi 'di ba dapat cinocomfort ako nito ngayon? Bakit niya ako inaasar?!

Natahimik kami pareho. Bahagya akong napalingon sa kanya. He's still happily eating his ice cream.

"Curious lang ako," I said breaking the silence. "Hindi pala talaga kayo nagsasabihan ni Harold kung sino mga gusto niyo?" I asked.

I've been wondering about that lately. Kung iisipin, sobrang close nilang dalawa, pero bakit parang wala silang alam sa kung sino ang gusto nang isa't isa?

"Hindi uso sa'min 'yun," Seb said with a shrug. "Pakiramdaman na lang. Pero ayun nga, magaling magtago yung mokong na Harold na 'yun. Hindi ko talaga nahalata yung kay Chichi." Biglang hininaan ni Seb ang boses niya na halos pabulong na. "Daya nga eh kasi mukhang halata niya agad kung sino gusto ko."

"Sino gusto mo?" diretsahan kong tanong sa kanya na kahit ako rin, nagulat ako sa sarili ko.

Pero hindi ko na binawi. Gusto ko talagang malaman para sa ikatatahimik na rin nang utak ko. Because I admit, hanggang ngayon iniisip ko pa rin yung sinabi niya kay Mona na gusto niya ako.

Nakita ko rin ang gulat sa mat ani Seb sa biglaan kong tanong. And from shocked, napalitan ito ng ngiti.

"Secret," sabi niya na may halong pang asar.

Sumimangot ako, "ang daya mo naman, eh. Bakit ayaw mong sabihin sa akin?"

He chuckled, "pero pwede kitang bigyan ng clue."

Umayos ako nang pagkakaupo sa stool at ready makinig sa clue niya.

"Sige game!" excited kong sabi that made Seb chuckled again.

Inilabas niya ang headset niya at isinaksak niya ito sa phone niya.

"May clue sa kantang 'to," sabi ni Seb habang inaabot niya sa akin yung isang piece ng headset.

"Ang daya wala akong alam sa music!" pag mamaktol ko.

"Basta makinig ka lang," sabi niya.

He played the song. Medyo familiar sa akin yung kanta, feeling ko narinig ko na 'tong tumugtog somewhere. Sa bus? Sa radio? Hindi ko sure. Hindi ko rin alam ang title. As someone na hindi talaga nakikinig ng music, wala akong idea.

"And I'd give up forever to touch you
'Cause I know that you feel me somehow
You're the closest to heaven that I'll ever be
And I don't want to go home right now"

"Anong title nito?" tanong ko kay Seb.

"Secret ulit," sabi niya.

"Ang daya mo naman, eh."

"Makinig ka na lang."

"And all I can taste is this moment
And all I can breathe is your life
And sooner or later, it's over
I just don't wanna miss you tonight"

Nag concentrate ako sa pakikinig sa lyrics ng kanta, trying to find clue, pero wala akong maisip. Ang hirap naman nito. Ang daya daya nitong si Seb! Sasabihin lang sa akin ayaw pang gawin? I tried to memorize yung lyrics para i-s-search ko mamaya kung ano ang title nito. But suddenly, I heard Seb humming the song kaya napalingon ako sa kanya.

"And I don't want the world to see me
'Cause I don't think that they'd understand
When everything's made to be broken
I just want you to know who I am"

Nakatingin si Seb sa labas ng convenience store while humming the song. There's a contented smile on his face. He stared at the passersby like he find everyone amusing. Ngayon ko lang natitigan nang ganito si Seb. Ngayon ko lang napag aralan nang husto ang mukha niya. How his eyelashes are slightly longer than usual. How his eyes sparkle whenever stares at something. How he hummed so beautifully and it makes me calm.

And how my heart....

Lumingon siya sa akin and he saw me staring at him. He gave me a smile and my heart suddenly did a somersault.

What the hell is this? Why am I feeling like this?

"Nahulaan mo na?" he asked.

Pero hindi ako nakasagot. Nabura na rin sa isip ko yung minemorize kong lyrics nung kanta.

Because for the first time, I felt something different towards Seb. 

To be continued....


Stay Wild, Moon ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon