Chapter Forty Four

19.4K 1.3K 777
                                    

Chapter Forty Four

Nakasakay ako ngayon sa jeep papunta kina LJ para sa part mag part time. Lutang. Wala akong tulog. Nag research ako ng kanta buong gabi and now, I am sleep deprived. Ngayon lang ako nakinig sa ganoong karaming kanta sa loob ng isang gabi at pakiramdam ko ang init na ng tenga ko.

Pero nahanap ko ba ang kanta? Hindi. Dahil nakakainis, wala ako ni isang maalala sa lyrics. Paano nangyari 'to? I'm so good at memorizing things, pero ngayon wala akong maalala? The only thing I can remember is the melody and how Seb hummed it beautifully, and how the light from the light post made his eyes grew brighter and how he smiled at me when he sent me home that night---STOP.

JUST. STOP.

Bakit ganito na ang thought process ko?! Bakit ayaw mawala ni Seb sa isip ko? Ano 'to? No. No no no no no no. Kung ano man 'to, baka gutom lang 'to dahil hindi pa ako nag aalmusal. Oo tama.

Ilang beses kong pinaulit ulit sa utak ko na wala lang 'to, gutom lang ako, o baka stressed dahil sa nangyayari. Pwede ring thankful lang ako kay Seb dahil lately palagi siyang nandiyan sa tabi ko. Oo tama. He's always pag malungkot ako, at may problema. Laging nakaalalay sa akin at lagi niya akong tinutulungan. He's such a great friend.

Friend.

Ganito ba talaga ang mga kaibigan? O iba na 'to? Totoo ba yung sinabi ni Seb kay Mona na he likes me ginamit lang niya ako to reject Mona?

Kung totoong gusto ako ni Seb, magbibigay ba talaga siya sa akin ng clue kung sino ang crush niya?

At ano bang title ng kantang 'yon?! Ba't wala akong maalalang lyrics?!

Lagpas na 'ko. Lagpas na ako sa bababaan ko.

Wait---LAGPAS NA AKO.

"Para po!" sigaw ko doon sa jeepney driver. At mukhang napalakas ata ang pag para ko dahil biglaan nag break yung jeep at nagkagipitan ang mga pasahero.

Mabilis akong bumaba while mumbling words of apology sa mga nakasakay. Lahat sila masama ang tingin sa akin.

Napabuntong hininga na lang ako.

Hindi pa man nag i-start ang shift ko, pagod na agada ko.

~*~

"Wala bang pagkain sa bahay niyo at gutom na gutom ka?" tanong sa akin ni LJ habang kinakain ko yung suman at kape na ibinigay niya sa akin. Pangalawang suman ko na 'to, at oo, dama ko talaga ang gutom.

Sabi ko na, eh. Kaya talaga ako napapa overthink kaninang umaga ay dahil sa gutom at wala nang iba. Glad I arrived an hour early kaya napakain pa ako ng almusal ni LJ. Nagkamali kasi ako ng tingin ng oras at akala ko kanina ma l-late na ako.

Oo na lutang ako. Dahil din sa gutom.

"Salamat sa suman," sabi ko kay LJ. "Pati na rin sa pag payag niyo na mag part time dito."

"Hay nako naririndi na ako kaka thank you mo. Mga lagpas sampung beses ka na atang nagpapasalamat sa'kin. Kesa magpasalamat ka nang mag pasalamat diyan, tulungan mo na lang ako dito," sabi ni LJ at may inilabas siyang isang box wrapped into a ribbon.

"Ano 'yan?" tanong ko.

Lumingon lingon si LJ sa paligid atsaka sinabi sa akin, "regalo ko sa girlfriend ko. Ikaw muna mag tago please? Baka kasi may makakita dito sa bahay. Alam mo na..."

Stay Wild, Moon ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon