47

559 26 6
                                    

CHARITY KWON

Muli akong pumasok sa loob ng bahay nang dumating na ang in-order kong pagkain. Nagsimula na kaming maghapunan.

Medyo tahimik lang ang hapag. Ang dami kong na-miss sa buhay niya pero hindi ko magawang magtanong. Hindi ko alam kung paano ako mage-engage ng conversation sa kaniya.

I am also curious why he became quiet, ilang araw ba siyang hindi nakakain nang maayos para magfocus lang siya sa pagkain ngayon? Nakalimutan niya na bang nandito na ako sa harapan niya?

"Nagtataka ka ba kung bakit tahimik?" He finally talked.

I shrugged, nahahalata niya rin pala. He giggled, "Ganito lang tayo katahimik tuwing kumakain nang sabay," he said to me.

"Parang hindi naman, Jeonghan," I told him.

He laughed, "Totoo mahar, ang pagkakaiba lang kasi ngayon ay hindi ka na nagyu-Youtube,"

"Naaalala mo? Tuwing kumakain tayo nang sabay, nanunuod ka ng mga clips ng mga baby," agad na bumigat ang balikat ko sa sinabi niya.

I see, hindi nga lang talaga ako sanay. Kung manunuod naman ako ngayon ay mamimiss ko lang ulit si baby. Utang na loob, ayaw kong umiyak ngayon!

"Eyy, sabi ko na nga ba dapat hindi ko nalang sinabi. Malungkot ka na naman tuloy," dismayado niyang sambit.

"Ikaw kasi, kung ano-anong pinapaalala mo," reklamo ko.

"Ang boring kasi. Pasalamat ka hindi ka nakakasawang tignan," sinamaan ko siya ng tingin. Skusta Clee?

"Pwede ka pa rin namang manuod ng clips. Search ka ng mga clips kung paano gumawa ng baby para maiba naman," suhestyon niya na siyang kinasama ng tingin ko sa mata niya.

"Or mas mabuti pa panuorin mo nalang 'yong bagong kanta ng BooSeokSoon, search mo bilis kalahating dekada bago sila mag-comeback," agad na pambawi nito.

"Sungit talaga," he pouted and continue to eat.

"Nakakairita ka," komento ko. Mas mabuti palang hindi nalang kami nagsasalita habang kumakain.

"Kung hindi ako nakakairita baka balewalain mo ako lalo. Okay na 'tong makulit ako ano," pagjajustify nito sa kakulitan niya.

"Nga pala, noong nag-aabang tayo ng result sa Bar Exam ko, saan ka nagpunta?" He asked. Mabuti naman at naiba na ang usapan, kaso hindi naman ito mahalaga!

"Sinabi ko na sa'yo 'di ba, may binili lang sa convinience store," sagot ko.

"Hindi naman ako naniwala ro'n eh," he said.

"Sinabi ko bang maniwala ka?" I raised my brow at him.

"So saan nga?" He asked again.

"Hindi mo na kailangang malaman. Nakabalik naman ako eh bago pa lumabas 'yong result," sagot ko sa kaniya.

"Gusto kong malaman," he pouted.

"Jeonghan, 'wag ka nang makulit," pagbabanta ko sa kaniya.

"Ang sungit," he muttered.

"Nandito kasi ulit 'yong ex mo, 'di ba?" Napatingin ako sa kaniya dahil sa tanong nito. Paano niya nalamang nandito si Johnny? Nagsend ba talaga siya ng friend request!?

"Naisip ko lang, baka nagdadalawang isip ka na sa'kin kasi may Johnny ka na ulit," he said.

"Paano mo naman nasabi 'yan? Paano mo nalaman nan nandito siya?" I asked.

"Chismoso ako eh. At saka hindi ko maiiwasan 'yon ano. Alam ko namang may feelings ka pa rin sa kaniya," he told me.

I remembered how I tell him stories about me and my past lover. Akala niya pa rin siguro ay ganoon pa rin kalalim iyon hanggang ngayon. Ang dami ko nang iniisip, pero hindi tumakbo sa utak ko na bumalik pa sa kaniya lalo na't nameet ko na si Jeonghan sa buhay ko.

"Nag-aalala talaga ako. Baka kasi hindi worth it kapag pinaglaban ko pa tayo, mas marami kasi 'yong taon na pinagsamahan niyo kaysa sa atin. Pero tama naman ang ginawa ko, ano? Choice ko rin namang masaktan if ever na bumalik ka rin sa kaniya. Ako lang naman ang makulit sa atin," he chuckled bitterly.

"Sad boy ka talaga," I muttered.

"Sinong hindi malulungkot kapag hindi pinili," he rolled his eyes.

"Pinili ka naman eh, napaka mo," pinitik ko ang tainga niya.

"Talaga?" He asked while massaging his earlobe.

"Okay, aaminin ko. Cinontact ako ni Johnny noong time na 'yon. Tinanong niya ako if puwede makipag-meet up. Gusto niya rin bumalik sa akin. Pero mas pinili kong magstay kasi mahalagang parte ng buhay mo 'yong masisira ko if ever na umalis ako para lang sa past ko," I told him.

Ano bang inaarte nito eh kung makakapit nga si Hoshi sa kaniya ay parang sila ang nakatakdang ikasal noong araw na iyon.

He went silent for a while to digest things, "Mas love mo na ako kaysa sa kaniya?" He asked, I sighed. Ang kulit talaga!

"Mas maganda katawan niya, marunong siya mag-english, ang bango niya, may sense of humor, gwapo, kissable lips, matalino pa 'yon," Kaunti nalang iisipin ko nang ideal type niya si Johnny!

"Ikaw yata ang gustong bumalik sa kaniya eh," sambit ko.

"Mas lamang naman kasi siya sa akin,"

"Oh e di kayo magbalikan," I told him.

He giggled and hung his arm around my shoulders. "Biro lang,"

"Pero seryoso, ako talaga pinili mo?" Hindi ba siya mananahimik!?

"Oo nga! Hindi naman kita pipiliin kung hindi kita gusto," naiirita kong sagot sa tanong niya.

He bit his lower lip and smiled. "Ano?" Tanong ko sa kaniya.

"Wala, I love you, sobra pa sa buong mundo," he told me.

Mas okay palang tahimik nalabg kaming kumain. Nakakawalang gana kapag nagbibiro siya sa harap ng pagkain.

"Sana bigyan mo ako ng consent para i-kiss ka nang mamasa-masa at may tunog,"

"Putangina mo,"

"Kiss lang eh, bakit ikaw hindi naman ako umangal no'ng halikan mo ako nang biglaan!?" Pagrereklamo niya sa akin. Kung hindi naman siya mukhang kaawa-awa kanina ay hindi ko naman gagawin iyon nang biglaan!

"Kamo, takot ka lang gumanti sa halik ko," pagpo-provoke ko.

"Siyempre gusto ko may consent galing sa'yo!" Sagot nito.

"Kung ikaw mag-aalipusta sa labi ko okay lang kahit kagat-kagatin mo pa," he crossed his arms.

"Pero! As respect and as sign of my love for you, hindi ako gaganti nang against sa will mo!" Depensa niya. "Kahit gigil na gigil na akong sipsipin yang labi mo hindi ko gagawin kasi gusto ko papayag ka muna,"

"Ang dami mong sinabi! Bahala ka nga d'yan!" Inalis ko ang braso niya sa balikat ko at saka umalis sa kusina. Bahala siyang maghugas ng pinggan!

"Basta kapag sinabihan mo akong i-kiss kita gagawin ko talaga! Kahit tanggalin ko pa mga tinga mo gamit ang dila ko, muwah!"

"Tangina mo,"

"I love you too, mahar!"

Nang makaalis ay napatawa nalang ako nang bahagya. Kahit na nakakairita ang kakulitan at kalokohan ni Jeonghan ay alam ko namang mas pipiliin ko pa ring i-tolerate ito kaysa mag-ayos ng past relationship ko sa ibang tao.






[a/n: sorry for being inactive ;<< will try to update as frequent as I can though medyo busy talaga, let's keep in touch sa twt! btw, stream fighting<33]

Daddy HannieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon