36

610 57 33
                                    

CHARITY KWON

Matapos kong makausap siya ay parang lumiwanag na ang lahat sa akin. Jeonghan is insane, he keeps on telling me that doing things on my own is not the proper way of overcoming challenges.

Simula sa pagdesisyon kong palakihin ang bata kahit wala itong ama, hanggang sa pago-overthink ko kung may lugar ba talaga ako sa kaniya.

Hindi ko masasagot ang lahat ng tanong ko nang ako lang, kailangan ko ring malaman ang side niya.

Ngayon ay hindi ko na siya mapaalis sa bahay ko. Kahit wala naman akong pagkain sa loob dahil sa bahay naman ako ng mga magulang ko umuuwi ay pumayag pa rin siyang magstay rito.

"Kailan ang labas ng result?" tanong ko sa kaniya.

"Next week. Sasamahan mo akong mag-abang ng pangalan ko, 'di ba?" He asked.

"Oo naman," walang pag-aalinlangan kong sagot sa kaniya.

"Kyaahh," pagtili nito habang inaalog ako.

"Ano ba ang landi!" Hinampas ko ang kamay niya para bitawan ako.

"Tsk," he sulked.

Sigurado ba talagang hahayaan nilang pumasok sa korte 'to? Parang mas bagay sa kaniyang maging Jollibee mascot sa mga birthday party kasi ang gaslaw niya.

"Parang gusto kong pumusta, Chari mahar," he told me. 

"Pass, hindi na ako sugalera," tapos na ako sa phase na 'yan.

"Sure akong papasa ako ngayon. Karamihan sa exam ay naaral ko eh, kung hindi ka nagkaroon ng kink sa pagnuod sa'king magreview baka bumagsak ako," he said.

Napataas ang kilay ko sa sinabi niya, "Kink!? Gago ka ba?!"

"Pinaglihian mo ako, kink, parehas lang 'yon," anong parehas doon!? Kung ano-ano nalang ang naiisip niyang term.

"Pero seryoso, nakatulong 'yong paglilihi mo kay baby girl," Jeonghan told me.

"Siguro, kung naligtas natin siya, magaling siyang magreview at may tiyaga siyang mag-aral," he chuckled.

"Syempre mape-pressure 'yon, abogado ang daddy niya eh," dagdag pa nito.

"As if naman hahayaan kitang ipressure siya," I muttered. Gusto kong gumaan ang pamumuhay ng anak ko, hindi ko hahayan si Jeonghan na sirain ang kalayaan niya.

"Woah, ang cute naman no'n mahar. Isipin mo, strict ako sa kaniya sa acads pero ikaw, hinahayaan mo siyang gawin ang gusto niya tapos in the end, papayag nalang din ako kasi tiklop ako pagdating sa'yo," he giggled.

"Pero hindi ko naman dadalhin sa magiging pamilya ko 'yong pressure na buhat ko dahil sa mga magulang ko ano. Safe sila sa'kin kasi alam ko 'yong pakiramdam," Jeonghan crossed his arms as he shook his head.

It's fun talking about the child, but as it gets longer, it hurts.

I smiled and held his wrist, "Tama na, Jeonghan. Wala na akong baby girl,"

"S-sorry, sumobra ba ako?" He looked worried.

"Ayos lang," I put my thumbs up and looked away.

"Nagpahatid ako ng pagkain dito. Kumusta si papa?" Pag-iiba nito ng pag-uusapan naming dalawa.

"Ayos lang siya, first time niya akong yakapin noong makita niya ako ulit," I remembered how tight it was, parang nanghihinayang talaga siyang wala siya noong panahong iyon.

"Grabe, kahit anong gawin kong mali, tinatanggap pa rin nila ako," minsan ay gusto ko ring ibalik ang nakaraan, ayaw ko nang tanggapin nila ako kahut mali ako, ayaw ko rin na magkamali pa.

"Jeonghan, galit ba sa'kin ang mga magulang mo?" I asked. "I mean, wala ako sa araw ng kasal. Nag-expect sila nang malaki roon,"

"Bakit sila magagalit? At saka if ever na magalit sila, hindi ako papayag na saktan ka nila," paninindigan niya.

"Hindi nila alam na buntis ako noon, 'di ba? Nalaman ba nila?" I asked.

"Hindi, walang nagsabi. Disappointed sila sa kasal pero hindi dapat sila magalit sa'yo," he responded.

"Anong dinahilan mo nang macancel ang kasal?" Tanong ko sa kaniya.

Ngayon ko lang ito maitatanong dahil hindi naman ako nagkaroon ng pagkakataon noong mga nakaraan. Busy ako sa pag-iyak para kay baby, busy rin akong sisihin ang sarili ko sa lahat ng nangyayari sa'kin ngayon.

"May aksidente," he shrugged.

It's weird but I am grateful na sinasagot ako nang maayos ni Jeonghan ngayon. Ramdam ko namang hindi niya finifilter ang mga sinasagot niya. Wala na siyang tinatago.

"Chari mahar, kapag kasama ako sa topnotchers, papayag ka bang ituloy ang kasal natin?"

I pressed my lips, "Kapag top one ka, o-oo kaagad ako. Pero kung hindi, bigyan mo ako ng kaunting time. Pero papayag ako,"

Minsan lang may magkagusto sa akin at napakaswerte ko kung yayayain pa ako nitong magpakasal.

"Hindi mo kailangang um-oo kaagad. Mage-effort ako para mapa-oo kita. Pangarap mong makasal, 'di ba?" He asked, I nodder.

"Naplano naman na natin ang lahat, kailangan nalang nating ituloy. Pero, hindi natin itutuloy kapag hindi ka pa totally healed," he pointed at me.

"Ayaw kong dumagdag sa pasanin mo, Chari mahar, pero gusto kitang damayan,"

Pinagsisisihan kong huli na kitang nakilala, kung may pagkakataon pa para ibalik ko ang lahat sa dati, uunahin kong kilalanin ka ulit.

"Puwedeng payakap?" I suddenly asked.

He shook his head, "Bawal, kiss lang,"

"E di 'wag," madali naman akong kausap.

"Joke lang eh!" He sulked and hugged me.

Napatawa nalang ako, "Jeonghan, paano kung bagsak ka pala?"

"E di iiyak ako kasi kailangan kong mag-aral na naman," we just laughed.

Ilang bagay pa ang pinagkuwentuhan namin. And it feels lighter ngayong alam na namin ang motives namin sa isa't isa. If I'm still confused I wouldn't be able to be comfortable near him. Mabuti nalang at nalinaw na ang lahat.

Nakarating na rin ang pagkain at hindi niya ako hinayaang kumain nang mag-isa. Nakihati pa, puwede naman siyang kumain sa kanila!

Hanggang sa paggabi ay hindi niya ako tinantanan. As if hindi niya ako nakita nang ilang taon, kung makabantay siya ay para bang ganoon pa rin ang sitwasyon ko noong una.

Nalulungkot pa rin naman ako, pero ngayon ay kaya ko na siyang kontrolin at pigilan. I'm slowly healing myself for the better.

Nang makaramdam na ako ng antok ay hinatid ko na siya sa gate para makatulog na rin siya. Siguro ay mahihirapan din si Jeonghan na makatulog, he must be anxious about the result of the bar examination he took.

I'm wishing him the best luck. I know he can ace that exam!

Habang nagpapaantok ay napakunot ang noo ko sa phone ko. My ex just came out of my social media feed. Ang akala ko ay blocked na siya sa akin?

Binalik ko ba sa dati kasi akala ko okay na? I just gulped and proceed to scroll. But another social media post of him suddenly popped out my newsfeed.

Johnny A. Lotofprettyfaces
There's no place like you, my home.

We used to call each other "home." Is this post dedicated to me or I am just assuming things?

Is he coming back?

Daddy HannieDove le storie prendono vita. Scoprilo ora