04

862 50 32
                                    

CHARITY KWON

"Pfft gago," pagpipigil ko ng tawa habang nanunuod ng baby clips.

Kasalukuyan akong naglalakad pauwi galing sa trabaho. Hindi ko naman ugaling magphone habang naglalakad pero nitong mga nakaraan, napapadalas ang pagbibinge watch ko ng mga funny and cute moments ng mga bata.

Hindi ako mahilig sa bata, pero ang cu-cute kasi ng mga nasa internet!

Nang makarating ako sa bahay ay nanuod muna ako sa sofa. Hindi ko maalis ang tingin ko sa phone ko, panibagong araw na naman siguro 'tong hindi ako makakapaghapunan dahil sa katamarang magluto. Nang matapos ko ang isang video ay naghalfbath muna ako at bumalik din sa sofa para maghanap ng panibagong clip na papanuorin.

Napalingon ako sa labas nang makarinig akong may nagdoorbell, wala naman na akong inoorder sa online shops? Tumayo nalang ako't naiiritang lumabas ng bahay. Bumugad sa akin ang nakangiting-aso na si Jeonghan.

"Ano na naman bang dala mong problema?" nakapameywang kong tanong.

"Mamaya pa naman darating si Hoshi," he told me.

"Ano?"

"Gusto niyang kausapin ka, pero nauna na ako para aware kang pupunta siya," sambit niya habang pumapasok sa loob ng gate ko. Siya na mismo ang nagsara, inabutan niya pa ako ng isang supot.

"Ano 'to?" Tanong ko habang chinecheck 'yong laman.

"Ulam, baka kasi ramen na naman ang pagkain mo," he nagged.

"Nagkakamali ka d'yan, wala akong pagkain ngayon. Salamat dito," sambit ko, nakatanggap naman ako ng malutong na kaltok sa batok galing sa kaniya.

"Aray naman!" bulyaw ko.

"Bakit hindi ka nagprepare para sa sarili mo? Masamang hindi kumakain ang buntis!" Panenermon niya.

"Na-experience mo na?" I rolled my eyes.

"Hindi, pero kahit na! Kainin mo na 'yan. Ito pa pala," inabutan niya rin ako ng isang gatas, napangiwi nalang ako sa kaniya.

"Thanks," simple kong tugon at saka na kami pumasok sa loob ng bahay.

"Ikaw ba ang nagluto nito?" tanong ko sa kaniya habang nagpeprepare ako ng mga kubyertos na gagamitin ko.

He shook his head, "Tanga himala kung paglulutuan ko ang mga palamunin na 'yon," umupo siya sa tabi ko.

"Palamunin ka rin naman sa inyo," sambit ko.

"Ikaw rin," hindi na ako pumalag, totoo naman.

"Ang lakas ng loob mo pang mag-anak eh palamunin ka naman. Dagdag pahirap ka lang sa Census," sinamaan ko siya ng tingin.

"Puwede bang tumahimik ka nalang?" pakiusap ko at saka kumain ng dala niyang pagkain. Pasalamat siya at may dala siyang pagkain para sa akin.

"Ang sarap, sinong nagluto?" Tanong ko sa kaniya.

"Si Mingyu," parang pangalan palang masarap na.

Ano kayang past life ni Hoshi para magkaroon ng mga gold na kaibigan?

At dahil wala naman akong maitopic at hindi pa rin siya umaalis ng bahay, nanuod nalang ulit ako ng clips ng mga bata sa internet.

"Jeonghan," tawag ko sa kaniya.

"Hmm?" tugon nito, nang tignan ko siya ay nakikinuod din pala siya. Nahuli ko pa siyang ngumiti dahil sa baby, napatawa nalang ako nang bahagya.

"Desidido na akong ipalaglag 'yong bata eh. Pero nitong mga nakaraan bigla akong naengganyong manuod ng mga ganito. Sign ba 'yon para hindi ko na ituloy?" i asked him.

Daddy HannieWhere stories live. Discover now