12

682 59 28
                                    

CHARITY KWON

Labag sa loob kong bumangon pero nakakaramdam na ako ng gutom. Nagkukusot ako ng mata habang bumababa ng hagdan. Napatigil ako sa paglalakad nang may marinig akong sigaw mula sa kusina.

"Aray masakit!" Bulyaw ni Jeonghan.

"Sorry na hyung! Ang likot mo kasi!" Pagdadahilan ni Mingyu.

"Banayad lang Gyu! Para namang first time mo pa ring gawin 'to sa'kin eh,"

"Steady ka lang kasi!"

"Kahit na! Dapat hindi pa rin masakit kasi sensitive ako-- ack!"

Napasinghap ako sa narinig ko. May ginagawa ba silang kababalaghan sa kusina!? Tinakpan ko ang bibig ko sa gulat.

Nag-aalangan akong pumunta sa kusina, baka maistorbo ko sila. Pero dahil gutom na ako, pinilit ko nalang ang sarili kong pumunta. Dapat wala akong pakialam, buhay naman nila 'yan. Pero kingina, sa bahay ko pa talaga nila naisipang mag-gay corn?

Nang makarating ako sa kusina ay nakahinga ako nang malalim. Nagsusuklay lang pala si Mingyu ng buhok ni Jeonghan.

"Akala ko naman kung anong ginagawa niyo," bulong ko sa sarili.

"Gising ka na! Kumain ka na kaagad bilis," natutuwang sambit ni Jeonghan.

"Ang tigas kasi ng buhok ni hyung, hindi kasi siya gumagamit ng purple shampoo pagkatapos magbleach," Mingyu rolled his eyes.

"Excuse me, may sarili akong brand ng keratin," pagmamayabang niya.

Patuloy lang silang nagbabangayan, pero dahil sa gutom ako, wala na akong pakialam kahit magtutokan pa sila ng espada sa harap ko.

"Sinong nagluto nito?" Tanong ko kahit obvious namang si Mingyu dahil tamad kumilos si Jeonghan.

"Ako," masayang sambit ni Mingyu.

Napangiti nalang ako at tumango, "Ang sarap mo naman Mingyu,"

He giggled, "Iisipin ko nalang na ang sarap kong magluto ang gusto mong sabihin,"

"Hindi, 'yon talaga 'yon. Pokpok kasi siya," sinamaan ko ng tingin si Jeonghan dahil sa sinabi niya.

"Krazy," Mingyu laughed, "Pinapayagan mo lang? Iba ka na, hyung," Ang gwapo ng tawa nitong si Mingyu, may asawa na kaya 'to?

Hindi kalaunan ay nagpaalam na siyang babalik na siya sa dorm nila. Hapon na rin, at wala pa yatang balak umalis ng bahay si Jeonghan.

"Pwede bang umalis ka na sa bahay ko?" pagpapalayas ko sa kaniya.

"Baka kasi pilitin mong maglaba ulit," he pouted.

Umiling ako sa hinala niya. "Tinatamad na ako para dyan. Gusto ko nalang matulog ulit,"

"Talaga?" hindi siya naniniwala sa'kin. Siya lang ba ang may karapatang tamarin?

"Oo nga," kapag umayaw ako tuloy-tuloy na 'to maghapon.

"Oh sige. By the way baka hindi ako makasama sa pagpapacheck up mo bukas, or baka mas matagal pa," he told me a thing that he doesn't have to worry about.

"Kaya ko namang mag-isa, hindi mo ako responsibilidad," I told him.

Sinamaan ako ng tingin ni Jeonghan, "Yabang mo ah,"

"Talaga. Saan ka ba? Magma-mafia kuno ka d'yan?" naiirita kong sambit.

Baka nga totoong anak 'to ng sindikato. Sa tamad niya baka maburyo lang siya sa pagtatrabaho nang marangal kung sakaling meron nga talaga siyang trabaho.

Daddy HannieWhere stories live. Discover now