15

741 61 23
                                    

[a: ang cute lang,,, bros in law!]

CHARITY KWON

Matapos kong mag-ayos para sa sarili ko ay agad din akong lumabas ng bahay. Kinukulit ako ni Jeonghan na pumunta sa graduation niya, pupunta naman talaga ako!

Nilibot ko ang mga mata ko sa labas pero wala naman akong nakitang kahit anino manlang ni Jeonghan. Nanlaki ang mata ko nang mapansin kong may nakatambay pala sa gilid ng isang kotse!

"Juswa, anong ginagawa mo rito?" nagpapabebe kong tanong.

Napaangat ng tingin si Joshua nang mapansin niya ako, "Oh, Chari. Hannie told me to drive you there. Nauna na siya kasi ihahatid niya rin ang parents niya," he smiled.

Bakit hindi naman sinabi sa'kin ni Jeonghan na si Joshua pala ang maghahatid!? E di sana nag-wedding gown na ako kaagad!

"Let's go? Are you ready?" he asked me.

Always ready po para sa'yo, hihi.

Tumango nalang ako at pumasok sa loob ng kotse ni Joshua. Mahinhin effect ako, inamoy ko pa nga ang sarili ko kung kaaya-aya ba akong singhotin. Ang bango talaga ng lalaking 'to, parang hindi nakaranas magkaputok at mag-amoy araw manlang. Sinabihan niya akong malayo pa ang campus ni Jeonghan kaya minabuti kong matulog muna sa biyahe. Kung may masama man siyang gagawin baka magthank you pa ako.

Masama, as in 'yong itutulak niya ako palabas ng kotse kahit tulog pa ako. Hindi 'yon nakakared flag, color blind naman ako pagdating sa mga taga-America hihi.

Nang magising ako ay nagdadrive pa rin siya, "Here," napalingon ako nang abutan niya ako ng gatas galing sa isang coffee shop na siguro'y nadaanan niya habang nagdadrive.

"Bigyan daw kita ng gatas. He called me while you're asleep," tumango nalang ako at tinanggap ang gatas.

"He cares, huh," he scoffed, napatawa nalang din ako nang mahina.

"Sana nga. Kung wala talaga siyang pakialam sa'kin ibibleach ko pati buhok niya sa hita," pagpaplano ko ng sumpa.

He giggled, "Cute,"

"Thanks, I love you too," he cringed at me, napatawa nalang ako.

Nagfocus nalang siyang muli sa pagdadrive at ako naman ay nanuod nalang ng mga baby clips sa phone ko. Hindi naman kami ganoon kaclose ni Joshua, crush ko lang siya.

"We're here," he announced as he went out of the car para lang pagbuksan ako ng pinto.

Grabe talaga kapag Joshua ang pangalan, crush material!

"Ang laki pala ng campus nila-- oh?" napatigil ako sa pagsasalita nang mawala ang kausap ko.

Bukod sa malakas magpakilig ang mga Joshua, ghoster din sila!

Patakbo siyang bumalik sa puwesto ko. He's chuckling while catching his breath. He gave me flowers, "Uy, enebe,"

"Bakit ka pa nag-abala? Ayos lang ako," pagtanggap ko sa bulaklak habang nagpabebeng hinahawi ang buhok.

"Jeonghan paid for that. Sabi niya bumili raw ako at ibigay ko sa'yo para ikaw ang mag-abot sa kaniya mamaya. Baka raw kasi hindi mo siya bigyan," napabagsak ako ng balikat dahil sa sinabi niya.

"Ano ba naman 'to, akala ko crush mo na rin ako," padabog akong naglakad papasok sa campus.

Mga paasa ang mga Joshua, akala mo kung sinong pangalan ang kinuha sa bible, hindi naman sumusunod sa 10 commandments ni girl bestfriend.

Daddy HannieWhere stories live. Discover now