PROLOGUE

3.2K 97 122
                                    

CHARITY KWON

Halos matapon ko sa sahig ang phone ko nang bigla itong magring. Paktay, si Mama!

"Hello ma--"

["Nasaan ka na? Nandito na kami sa bahay mo umuwi ka na,"] napapikit ako nang mariin nang marinig ko ang boses ni papa imbis na kay mama.

Kung hindi ako nadulas kanina sa tawag ni mama, hindi naman nila ako biglang bibisitahin nalang sa bahay ko.

"Uuwi na po," sambit ko at ibinaba ang tawag.

Kagat-labi akong lumapit sa counter para magtanong. "Miss, anong oras po ba 'yong flight papuntang Chicago? May tinatawagan kasi akong pasahero, may nakalimutan siya sa'kin," I asked.

"Ma'am, nakaalis na po ang eroplano. Baka po naka-airplane mode na siya," nagkamot nalang ako ng ulo at tumakbo papaalis ng airport.

Putangina ka, sa lahat ba naman ng puwedeng iwan mo sa'kin, anak pa!

Nagbreak kami dahil permanente na siyang titira sa ibang bansa. Okay lang naman sa'kin dahil halata namang wala na rin siyang gana sa relasyon namin at madalas ko rin siyang mahuling may kasamang iba. Walang paawat, kahit kapwa niya may longgadog pinapakabit niya sa relasyon namin. Okay lang ako, kaso nang malaman kong nagbubuntis na pala ako sa kaniya, hindi na ako mapakali!

Hindi ko nagawang aminin sa kaniya, ang mas malala ay kung paano ko sasabihin ito sa mga magulang ko nang wala siya? Natatakot ako kay papa! Kakagaling lang niya sa giyera at sigurado, ipapahanap niya sa akin 'tong ama ng bata.

Kinakabahan akong naglakad papasok sa village namin. Nag-iisip ako ng palusot na sasabihin kina mama. Hindi ko puwedeng ibulgar na tinakasan na ako ng ama nito!

"Maganda ka ba like me? Mahusay ka ba tell me, alam naman ng lahat na isa kang sulutera," napakunot ang noo ko nang makarinig ako ng pagkanta mula sa likuran ko.

Kasabay ko siyang maglakad, hindi ko siya nakikita pero dinig ko ang pagkanta at ang lakas ng volume sa earphones niya. "Putangina mo bitch mang-aagaw ka~ Sariling boyfriend ko inaangkin mo na,"

Ang ganda ng boses, kaso ang jejemon ng tugtugan niya. Napatigil ako sa paglalakad nang matanaw ko si papang nag-aabang sa gate ng bahay ko. Nakauniform pa siyang pangsundalo!

"Puta ka ano bang kasalanan ko, pukingina ginawa mo sa'kin ito," Lumingon ako sa likuran para makita ko kung sino ba itong kasabay kong maglakad. Nakayuko siya habang nagphophone at papalapit na rin siya sa puwesto ko.

"Trinato kitang para kong kapatid--" I grabbed his arms at ipinalapit ang katawan niya sa'kin.

"Sorry," I told him.

"Bibitawan mo ako o sisigaw ako?" Pagbabanta niya sa akin. I shook my head in nervousness. Hindi naman nakakatakot 'yong banta niya kasi ang sweet pakinggan ng boses niya, mas natatakot ako kay papa na nakatanaw na sa amin ngayon!

"Please, makisakay ka muna," I whispered.

Tagaktak ang pawis ko sa kaba nang makalapit na kami sa bahay. Napalunok ako nang makita kong hawak ni papa ang baril niya!

"P-papa,"

"Anong pinagsasabi mo sa mama mo kanina?" He crossed his arms.

"Pumasok po muna tayo sa loob," pag-aalok ko pero biglang lumabas ng bahay si mama nang may ngiti sa labi.

She waved at me, "Dito nalang 'nak, uuwi rin naman kami agad. May iniwan akong ulam sa loob. Sino 'yang kasama mo?" I gulped, napahigpit ang kapit ko sa lalaking ito sa sobrang kaba. Hindi ko alam kung papaano ko siya ia-address, ni hindi ko nga siya kilala!

Daddy HannieWhere stories live. Discover now