07

769 49 24
                                    

[Jihan selca (༎ຶٹ༎ຶ) next two yrs ulit]

CHARITY KWON

"Bakit kasi hindi mo nalang sinabi na hindi mo naman anak 'to?" naiirita kong tanong sa kaniya nang makalabas kami ng bahay nila.

"Ayaw ko eh!" depensa niya.

"Tignan mo tuloy, kwinekwestiyon ng Seungcheol na 'yon ang kalandian ko. Buti nalang gwapo siya," napatingin sa'kin si Jeonghan.

"Akin siya!" he glared at me.

"Paki ko? Sa'yo na lahat," I rolled my eyes.

"Pati ikaw?" tumingin akong muli sa kaniya, nakangisi na siya sa'kin.

Gahaman naman pala 'to sa atensyon, mabuti nalang at wala ako sa mood ngayon para makipag-alitan. "Oo, ilibre mo na ako ng pagkain putangina ka," walang gana ko siyang hinila palabas ng villa.

Dito, may nakatayong karinderyang parati kong kinakainan kapag sinisipag akong lumabas pero tinatamad magluto ng pagkain. Kapag ibang tao ang nagluluto, masarap pero kapag ako na, masarap din naman pero sa panlasa nga lang ng aso.

Hindi ako masyadong maalam sa pagluluto, pero alam ko naman kung paano kumain, mas mahalaga 'yon.

"Ano bang gusto mong kainin?" he asked.

"Manok," I simple answered

"Pula o puti?" bakit naging sabungan 'to?

"Pula," nagtataka kong tugon.

"Hilaw o luto?" sinamaan ko siya ng tingin sa tanong niya.

"Gago ka pala eh, bakit mo ako papapakainin ng hilaw na manok?" Hinampas ko ang braso ni Jeonghan, he just laughed.

"Hehe joke lang, galit agad. Ito oh pampatibay ng buto, pampalakas ng resistensya," naiinis kong inabot 'yong gatas na nasa kamay niya.

Nauuhaw na rin ako dahil sa hotness ni Seungcheol kanina, pati na rin 'yong presensya ng gentle sexy kong crush na si Joshua. Ang lakas siguro ng kapit ni Jeonghan sa guardian angel niya para paligiran siya ng mga masasarap na tanawin sa bahay nila.

In-orderan niya ako ng fried chicken, "Ate may pakpak po kayo?" tanong ko sa nagtitinda.

"Oo ija, gusto mo?" nakangiting tanong ni ate, sasagot na sana ako nang biglang magreact si Jeonghan.

"Talaga po? Sige nga wings reveal, lipad nga po kayo," napanganga ako sa sinabi ni Jeonghan.

Tumawa si ale, "Ijo, gusto mo rin?"

"Ng ano po?" He politely asked.

"Gawin kitang adobo?" Namutla ako sa sinabi ni ate.

Hinampas ko si Jeonghan, "Para ka kasing ano!" awat ko sa kaniya. Baka maging horror pa ang genre nito dahil sa lakas ng trip ni Jeonghan!

Ako nalang ang umorder ng pagkain namin.  Kumain na rin daw siya sa kanila pero gusto niyang kumain ulit kaya dalawang order na ang binili ko. Dinamihan ko ng ulam, hindi naman ako ang magbabayad eh. Umupo ako sa tabi niya at saka naghintay ng order namin.

"Paano kaya kung karne rin ng tao ang ginagamit dito kaya dinadagsa ng mga customer," napatingin ako kay Jeonghan.

"Bwesit naman 'tong kasama, 'wag kang mag-isip ng ganyan!" hinampas ko siya sa inis, pero medyo kinabahan din ako sa sinabi niya.

Tuloy, nawalan ako ng gana! "Argh! Kasalanan mo 'to!" Hinampas ko ulit ang braso niya.

"Aray! Isa pang hampas mo d'yan tignan mo," paghahamon niya.

Daddy HannieWhere stories live. Discover now