18

710 45 0
                                    

CHARITY KWON

Matapos ang family meeting namin ay niyaya ko na si Jeonghan na pumunta sa mall. At sa hindi inaasahang pangyayari, nakibuntot ang magaling kong kapatid na si Hoshi.

Agad kaming dumiretso sa damit ng mga baby nang makapasok kami sa isamg botique.

"Bakit tayo nandito?" tanong ni Hoshi, napangiwi ako nang mapansin kong nakakapit siya sa braso ni Jeonghan na para bang kuya niya na talaga ito.

"Bibili kami ng damit ni baby," sagot ni Jeonghan.

Hoshi gasped, "Nanganak ka na, atecakes?"

Kinaltokan ko siya, "Tanga hindi, bawal bang mag-advance?"

He pouted while caressing his head that I hit and then he nodded, "Puwede naman, kung okay lang sa amo mong magbale wala namang problema roon, 'di ba hyung?"

"Anong sinabi mo? Parang wala namang connect?" Nakakunot ang noo ni Jeonghan, kahit ako ay nalito.

Hoshi sighed, "Tinatanong kasi ni atecakes kung puwedeng mag-advance ng sahod. 'Di ba may maternity leave naman? Ang alam ko may matatanggap na pera ro'n eh. Bakit ka ba sa'kin nagtatanong niyan ate, mag-aasawa ka naman ng abogado eh!"

Napasapok nalang ako ng noo, ewan ko ba, parang nasa magkabilang side ng mundo ang sagot niya sa tanong ko.

Jeonghan heaved a deep sigh before looking at my brother, "Hoshi, nasa mall tayo para bumili ng damit ni baby, hindi pa lumalabas si baby pero kanina lang nalaman naming babae siya kaya naisipan naming bumili na--"

"Paano niyo nalamang babae, e di nanganak ka na nga talaga?" tanong ni Hoshi sa akin.

"Sinabi ko naman sa'yo 'di ba 'wag kang papatol sa babaeng may boy bestfriend?!"

"Tignan mo tuloy ang nangyayari sa'yo, para kang de-pindot na cellphone na nagtatry makiconnect sa free wifi ng mall na 'to," Naiirita kong sambit, nauna nalang akong maglakad dahil naiinis ako!

"Magkapatid nga kayo, parehas na walang connect ang mga pinagsasabi niyo," Jeonghan commented.

"Sinasabi ko sa'yo ilayo mo sa'kin 'yang si Hoshi kasi aahitin ko talaga ang pilikmata niyan kapag nabwesit ako," pagbabanta ko.

"Ocakes, as if natatakot ako, nyenye," aba't nang-asar pa nga!

Sa sobrang irita ko ay sinabunutan ko siya, "Ops masamang nag-aaway," awat sa amin ni Jeonghan.

"Pasalamat ka talaga at ate kita!" He roared.

"Oh e di thank you!"

"You're welcome!"

"Oh bilis magbati na kayo, shake hands na, ayan," nakipagkamay sa'kin si Hoshi nang sabihin 'yon ni Jeonghan. I scoffed before shaking hands.

Iniirapan ko si Hoshi nang maghanap kami ng mga damit para kay baby. "Jeonghan hyung, ito oh, maganda para kay baby!"

"Asa kang pagsusuotin ko ng tiger prints ang anak ko," I muttered.

"Weh paepal, kausap ka?" sabat niya.

"Aba't--" Susuntokin ko na sana si Hoshi nang pigilan ako ni Jeonghan.

"Mag-aaway na naman kayo naku! Patingin nga ako Hoshi," he scanned the pajama.

"Ang cute nito, wala bang pink?" Tanong ni Jeonghan habang tinitignan ang damit.

Napataas ang kilay ko sa tanong niya, "Bakit kailangan pink?"

"Kasi babae si baby," he responded.

"Wala namang kasarian ang colors, pati damit," sabi ko sa kaniya. Kahit babae si baby, puwede siyang magsuot ng blue, brown, black o kung ano man. Ayaw kong makulong sa gender stereotyping ang anak ko.

"Sa bagay, pero cute kasi kung kulay pink na tiger prints 'di ba?" I just shrugged as response.

"Wala yata hyung, kung ayaw niyo e di itatabi ko para sa anak ko!" Niyakap ni Hoshi 'yong damit. Kung makayakap parang siya 'yong magbabayad eh.

"Baog ka kaya. Ako lang ang makakapagbigay ng apo kina mama kasi 'yong artificial itlog mo bola lang ng jackstone 'yan," sabi ko sa kaniya.

He gasped in shock, "Sana walang maglike ng picture ng anak mo kapag sinali mo sa mga pa-contest, hmp!"

"Wala talaga kasi lahat sila naka-heart!" I snapped my fingers as I roll my eyes.

"Ang kulit niyo talaga ano?" Jeonghan nervously laughed.

"Ito, maganda 'di ba?" I asked him as I showed a legit new-born baby clothes.

"Oo, magkano? Ang mahar," napangiwi siya habang tinitignan ang presyo.

Sinuri kong muli ang damit. It's just a simple white baby clothes, pero may pagka-pricey nga siya. Sino ba naman kasing nagyaya sa legit na botique? "Ako naman ang magbabayad, at saka ano bang iniinarte mo eh mayaman ka naman--"

"Miss, fifty nalang dito, pafreebies nalang na kiss--" tinakpan ko ang bibig niya sa hiya.

"Ano bang ginagawa mo? Mall 'to hindi tsangge!" hinampas ko ang braso niya.

"Ang mahal eh, grabe 'yong pagkaoverprice," he reasoned out.

"Sus, hyung barya nga lang 'yan sa'yo," pangungutya ni Hoshi.

"Nagpapapansin ka lang do'n sa sales lady eh, type mo?" pang-aasar ko.

"Yiiee, tama 'yan hyung hiwalayan mo si atecakes kasi hindi niya deserve sumaya, habang buhay dapat siyang magsad posting sa facebook," Hoshi spat.

Napatawa nalang ako nang mahina. That kinda pinched me inside. "Oo hindi ko naman talaga deserve si Jeonghan," I mumbled.

I bit my lower lip before nodding, "Tama, hindi ko naman deserve sumaya,"

Tinarayan ako ni Hoshi. Alam kong goal namin ang magpikunan sa isa't isa and I am so much aware that it's not his intention to make me feel hurt inside.

"Akin na 'yang lahat ng binili nyo," he snatched my basket, even Hoshi's. Kahit na parang mga damit naman niya ang piniliian niya, hindi para sa pamangkin niya!

"'Yun oh, nakalibre ng pang-isang linggong tiger drip!" Masayang sambit ni Hoshi nang pumila na sa Jeonghan sa counter.

"Sumama ka lang talaga dito para magpalibre? Akala ko tutulungan mo kaming maghanap ng damit para kay baby?" nakataas ang kilay ko kay Hoshi.

"Hindi ka pa naman nanganganak?" Tinarayan niya ako pabalik.

Nirolyohan ko nalang siya ng mata. Walang hiya talaga itong kapatid ko, sana maraming bato ang kakainin niyang sinaing mamaya.

At dahil nakakain na rin naman kami ay dumiretso nalang kami ng uwi. Pagod na rin ako kakadada, masyadong palaban ang kapatid ko, pero halata namang nag-papaawa pa siya kay Jeonghan, palibhasa kasi ay kampi ang lahat kay Hoshi.

I went inside my house alone, sinabihan ko si Jeonghan na ihatid si Hoshi sa bahay nila dahil kahit hindi siya lasing ay kailangan niya ng gabay at patnubay dahil isa siyang malaking pabigat.

I came inside my room at saka inisa-isa ang mga damit na pinili namin para kay baby girl. You might not have a name yet, but I guess hindi lang ako ang excited sa paglabas mo.

I will promise to be healthy for you, baby girl.

Daddy HannieWhere stories live. Discover now