22

603 52 7
                                    

CHARITY KWON

"Mahar," bahagyang kumunot ang noo ko nang makarinig ako ng boses ng isang anghel. Parang ume-echo ito, para akong lumilipad. "Gising na mahar,"

"Kinder na si baby, gising ka na,"

"Grade four na ang anak natin mahar,"

"Mahar graduation na niya sa elementary,"

"Chari, buntis ka na sa pangalawa nating baby,"

"Atecakes!"

"Anong nangyayari kay ate bakit hindi siya gumigising!?"

"Ate! Bibilihan mo pa ako ng umiilaw na tiger na may gulong 'di ba? Ate gumising ka tangina mo talkshit!"

Naiirita kong dinilat ang mga mata ko. Akala ko sa panaginip ko lang naririnig 'yong boses ni Jeonghan at Hoshi pero totoo palang inaalog nila ang balikat ko para magising.

Nang tignan ko ang wall clock ay halos hindi pa nga ako nakakatulog. Idlip palang ang nagagawa ko pero nandito sila, nando-dogshow na naman!

Jeonghan giggled as he successfully woke me up, "Kumain ka na, inorder ko si Mingyu,"

Ano raw? Ipapakain niya ba sa'kin 'yong kaibigan niya?!

"B-baliw," nauutal kong sambit. Hindi naman ako cannibal para kumain ng tao!

"Baka malamig na 'yong niluto no'n tara na sa baba. Dito na rin kakain si Hoshi kasi gusto ko," marahan niya akong hinila pabangon sa kama.

"Atecakes kailan mo ba ako bibilihan ng laruan na tiger?" Tanong ni Hoshi sa'kin.

"Kailan ako nangako? At saka hindi ba't ang laki mo na para maglaro ka pa ano ka tumatandang paurong?" Nagtataka kong tanong habang nagkakamot ng mata.

"Weh, napakapangit mong maging ate," he mumbled, hindi ko siya masyadong narinig dahil para siyang bumubulong na lamok.

"Anong sabi mo?" I asked.

"Wala sabi ko horanghae bitch," tinarayan niya ako!

"Kwon Soonyoung pwede bang magwalkout ka palabas ng bahay ko?" tinarayan ko siya pabalik!

He scoffed, "Ayaw ko nga! Dito ako kakain kasama ni brother in lawcakes," he rolled his eyes, bitchesa! 

I just groaned in annoyance. Ang init ng dugo ko kay Hoshi, dala na rin siguro ng pagbubuntis ko. Pero hindi, nababadtrip na talaga ako sa kaniya kahit noong hindi pa ako buntis.

Nang makababa kami ay nasa kusina nga 'yong Mingyu. Kumain kaming lahat nang sabay-sabay at kahit papaano'y gumaan ang loob ko. Kadalasan ay mag-isa lang akong kumakain, kapag tinamad pa ay hindi na talaga ako kumakain.

Mabuti nalang at simula ngayon ay dito na manggugulo si Jeonghan, mukha naman hindi siya papayag na hindi ako busog.

But the more I think of it, the more I see myself as a burden to him, also to his friends. Wala naman siyang involvement sa pagbubuntis ko pero sobrang perwisyo ko sa kaniya.

"Nakita nga pala kita, buhat-buhat mo 'yong inaanakshie ko," he giggled as he rest his elbow on the table.

"Ang cute niyo," he complimented.

Kahit wala akong hawak na bata, cute ako.

"Tapos pagkarating ko pa rito nagpapractice ka nang magbuhat ng baby," he said.

"Excited lang ako," I muttered.

"Ako rin pabuhat kay baby!" excited na sambit ni Mingyu habang naghuhugas ng plato, sinabihan ko na siyang ako na pero mapilit siya kaya umoo nalang ako.

As if naman gusto ko talagang maghugas ng plato, walang may gusto no'n.

"Naalala mo 'yong tutang nahulog mo sa hagdan?" Hoshi asked him.

"Hoy grabe ka naman hyung bakit mo pinapaalala 'yan, hindi naman siya namatay eh!" He reasoned out.

Jeonghan chuckled, "Hindi papayag si Chari na mamatay ang baby namin,"

"Ikaw hyung, payag ka?" curious na tanong ni Hoshi kay Jeonghan.

"Bakit naman ako papayag? Walang gustong mamatayan ano," he chuckled.

"Hindi naman ako pumapatay ng tao! Kakargahin lang kung makacomment naman kayo parang nakapatay na ako," he complained, kaunti nalang baka umiyak na 'tong si Mingyu!

"Malay mo," Jeonghan shrugged.

"Hyung!" Mingyu sulked.

"P-papayag naman ako, basta ano, maingat," I told him, Mingyu smiled and excitedly nodded.

Ang cute, as if naman kabuwanan ko na. Matagal pa 'to.

Pero dahil sa expressions nila, nakikita kong hindi lang ako ang excited sa paglabas ni baby girl.

Ilang sandali pa ay pinauwi na namin sina Hoshi. Sinabihan ko si Jeonghan na maliligo ako, nang matapos ay nakita ko siyang nakapuwesto na sa study table, kasalukuyang nagno-notes.

"Hindi ka ba matutulog?" I asked him.

"Tatapusin ko lang 'to," tumango nalang ako't humiga.

I want to sleep, but I suddenly want to watch him studying. His side view and expression while focusing on what he's doing made him look more handsome. Damn, bakit ang attractive ng mga lalaking may ganang mag-aral? Desidido siyang makapag take ng bar exam.

I sat up and just leaned my back on the headboard. I watched him while taking down important details about the book he's reading. I suddenly smiled.

"Ang gwapo mo pala kapag nagfifeeling matalino ka," I told him.

He giggled, "Mahar matalino naman talaga ako, ayaw ko lang ilabas kasi baka ma-in love ka na lalo sa'kin niyan," ang taas talaga!

Pero imbis na mainis ako sa kahanginan niya ay hindi ko nalang pinansin. Nakisabay nalang ako sa agos ng hangin.

"Kanina ka pa nakatingin," he told me.

I immediately looked away and cleared my throat. "Hindi ah,"

"May mata ako sa braso, kita kita," Parang tanga talaga! As if naman maniniwala ako!

"Oo na, matulog ka ha," Inamin ko nalang na sinisilayan ko siya bago pa lumakas lalo ang hangin sa kwarto.

"Good night," He told me as he looked at the bed, tumango ako.

I lay down in bed again, facing my back on him. But I can't help but to look at him again. I just stared at his studying figure until I fall asleep.

Nang maalimpungatan ako ay nakita kong nakatungo na si Jeonghan sa study table. I bet he's now taking a nap.

Gusto ko siyang gisingin at palipatin sa kama pero nahihiya ako, baka maistorbo ko ang tulog niya. It's my first time to see him falling asleep simula noong magkakilala kaming dalawa. Ang rare niyang matulog kapag nasa paligid ako.

Kumuha nalang ako ng extrang kumot para ipatong sa balikat niya. He slightly reacted when I placed a blanket on his back but luckily, hindi naman siya nagising.

I gently patted his head and smiled at his sleeping state. Jeonghan is too hardworking, he deserves to rest. "Sweet dreams," I whispered before going back in bed.

Ngayon lang ako hindi nairita nang husto sa kaniya. Kailangan ko lang palang makita si Jeonghan na nagre-review. Bakit ang komplikadong maging buntis?

Daddy HannieWhere stories live. Discover now