Beside you

23 0 0
                                    

Naalimpungatan ako nang may maramdaman ako na kung anong basa sa noo ko. Idinilat ko ang mata ko pero ipinikit ko din agad dahil naramdaman kong masakit ito. Babangon sana ako pero sobrang bigat ng katawan ko. Naramdaman ko din ang pag kulo ng tyan ko. Grabe kahapon pa pala ako hindi kumakain.

Maya maya ay nakaamoy ako ng mabangong pagkain. Parang, amoy sopas pero imposible dahil ako lang mag isa dito at sopas? Sa korea? Impossible.

Pinilit ko na umupo man lang sa kama at biglang may nalaglag na face towel sa lap ko. Oh, hindi naman ako naglagay nito kagabi ah? Paglingon ko sa study table ko may planggana na may tubig. Teka, nananaghinip nanaman ba ko?

Pinagmasdan ko yung paligid ko at may nakita akong babae na maputi, may full bangs at mahabang blond na buhok, matangos ilong, may maliit at pink na lips... teka putik parang si Miss Hye to ah!

Nanlaki yung mata ko nung nakita kong hawak at binabasa niya yung Diary ko. Alam kong maiintindihan niya yun dahil english yung mga sulat ko dun! Pakialamera talaga to!

Kahit na masakit at mabigat yung pakiramdam ko, pinilit kong tumayo para agawin sa kanya yung diary ko.

"What the hell do you think you are doing?!" Sigaw ko sa kanya.

"Hmm, reading that notebook?" Painosente niyang sagot.

"Huh! Who do you think you are?! Why did you read this?! And why are you here?!"Sigaw ko. May sakit na nga ako parang may balak pa itong babae na to na palalain yung sakit ko eh.

"I'm here because you're absent yesterday but don't worry I already subbed you. The students were asking me why you're absent but I can't answer them so I come here to check you and I found out that you're sick. Oh, hey! I cooked sopas! Haha my pilipina maid used to cook that sopas when I'm sick so I asked her to teach me. I also changed your clothes and clean your house." Mahaba niyang litanya.

Ang daldal nitong babae na ito. Tinatanong ko ba? And beside, I didn't asked her to make an absent for me -.-

"I see. You're here to check me out but why are you reading my Diary?!" Sigaw ko ulit.

"Because I wanna know you." Sagot niya.

"You're crazy. Get out of here."Sabi ko at kumunot naman yung noo niya.

"No way! I'm absent today because I wanna go to your place and yet you'll just send me out? Duh!" Sagot niya.

"I said get out!!" Sigaw ko.

"NO!" Pagmamatigas niya.

Bad trip to ah! Pipwersahin ko na sana siya nang manghina yung binti ko kaya napaupo ako.

"See? You need me here now."Sabi niya at inirapan ko lang siya.

Inalalayan niya ko na makabalik ng kama at pumunta siya sa kusina para kumuha ng sopas niya.

Pag yun di masarap idudura ko talaga yun sa damit niya para tigilan niya na ako.

"Here! Taste it."Nakangiti niyang abot sa akin.

Kinuha ko yun at inirapan siya. Pagkain ko ng sopas niya, wow lang. Ang sarap. Dahil nga gutom ako, nakailang mangkok ako. Nakangiti lang siya sakin all the time.

"Stop smiling. You look like crazy."Sita ko sa kanya.

"Hihi I'm just happy"sagot niya.

"Duh, your sopas is not tasty. It's just that I'm hungry so I'm eating alot."Pagtataray ko pa.

"It's okay. What's important is, you ate the food I cooked. So, I'm happy." Sagot niya. Ako naman nanahimik lang.

"Worth it." Sabi niya bigla at nakangiti parin.

Pain of YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon