Scarlet

52 2 5
                                    

Chapter 1

Elle's POV

I'm Elle Scarlet Santiago. 24 years old. Kilalang seryoso at tahimik sa trabaho. Isa akong English Teacher dito sa Busan, S. Korea. Puno ng kabitteran. Hindi ako mahilig makipag usap o magkwentuhan sa mga co-teacher dito. Kahit kapag tinatanong nila ako. Kapag walang kwenta yung tanong, hindi ako sumasagot. Kapag kailangan naman sagutin o naiirita na ako, sumasagot ako pero matipid lang. Bumubuka lang ang bunganga ko kapag nagtuturo na ako sa mga estudyante ko. Mga nasa Middle high.

Maraming nagtatanong kung bakit ganito ako pero wala ni isa ang sinagot ko. Ayoko ipaalam sa kanila. Ayoko mag salita.

Ewan ko ba, hindi naman ako pinanganak na ganito. Siguro kasi gusto ko lang talaga itago yung tunay na nararamdaman ko. Gusto ko itago yung dating Elle Scarlet. Naisip ko lang kapag pinaglaruan ang pangalan ko, talagang bagay sa akin.

Scar - Peklat

Let, kapag may accent yung pagka bigkas, nagiging Lot.

Scarlot, ibig sabihin maraming peklat. Hindi literal. Yung puso ko yung tinutukoy ko. Sa dami ng sariwang sugat at peklat na naiwan sa akin ng nakaraan ko. Kaya siguro hindi magawang bumuka ng bibig ko para mag kwento tungkol dito. Mananatili na lang siguro ako sa kahapon ng buhay ko.

Nasaktan ako at hindi makabangon.

**

Nakaupo ako ngayon habang hawak yung diary ko noong 4th year highschool ako. Anim na taon na akong nagkukulong sa nakaraan. Para akong nasa isang madilim na kwarto at nakulong sa apat na sulok.

Biglang nag alarm yung cellphone ko at hudyat ito na kailangan ko na pumunta sa Deunju University. Kinuha ko na yung bag at iba ko pang mga gamit. Hindi ako nagmi' make up. Pulbo lang at lip balm kasi malamig at naghihiwa yung labi ko. Tatlong mahahaba na hagdan pa yung binaba ko. Rooftop kasi yung apartment ko.

Pagdating ko sa school, may mga estudyante na nag gi' greet sakin pero diretso lang ako sa paglalakad.

"Annyeong haseyo Elle Seonsaengnim" Sabay sabay na bati ng magkakagrupo na babae. (it means "Goodmorning/Hello teacher Elle)

Dumiretso lang ako nang may narinig akong nagsalita.

"I never saw her smile"

"As if she knows how to smile"

Huminto ako at tinitigan sila ng ilang minuto at nagsalita.

"Want a failing grade?" tanong ko. Oo, mga estudyante ko ito.

Yumuko lang sila at nanahimik kaya nagpatuloy na ako sa paglalakad.

Pagpasok ko sa faculty lahat ng mata nakasunod sa akin. Sus, hindi na bago yan. Sa totoo lang, Imunne na ako.

"Miss Elle, can we talk?" sabi sa akin ni Miss Hye. English teacher din siya. Ewan ko ba dito, lapit ng lapit sa akin hindi ko naman pinapansin.

Tinignan ko lang siya at hinintay na magsalita ulit. Alam ko nakatingin parin sa akin yung mga co-teacher ko. Tinitignan nila kung paano ko babarahin ang babaeng ito.

"Can't you just smile once in a day? Just for the students." Wika niya.

Itinaas ko yung kilay ko at ipinagkrus yung mga braso ko sa dibdib ko.

"They're all afraid of you. You know, lot of them wants to be friend with you but they don't know how to approach you."

Biglang nag init yung dugo ko nang marinig ko yung salitang FRIEND. Hindi ko siya sinagot at tinalikuran na lang para ayusin yung mga gamit ko.

"Aigoo~~ ! You're turning your back again from me" Sabi niya ulit.

Hindi ba siya titigil? Ayoko magsalita dahil baka kung ano lumabas sa bibig ko.

"Ah jinja! Ya! Miss Elle Scarlet Santiago!" Sigaw niya.

"What?" Tanong ko.

"What, what?! I'm talking to you. Aren't you listening?" Naiinis na litanya niya. Aish naman!

"In the first place miss Hye, I'm here to teach not to make friends. Second, I don't have time to listen to you. So, can you please leave me alone?" Cold kong sagot.

"Oh so nonsense talking with this girl." Murmur niya habang naglalakad paalis pero hinayaan ko na lang siya at ginawa na yung mga dapat kong gawin.

"Naega dangsin eulbulreosseoyo!" Sabi nung isang teacher.

(It means, "I told you!")

Lumabas na ako sa faculty bago pa ako sumabog dito. I'm a teacher so I must act like a teacher.

Pagpasok ko sa first class ko, nagsitayuan agad sila at bumati. Inilagay ko yung gamit ko sa table at may biglang nagsalita.

"Teacher, I'm gonna check the attendance." Sabi nung babaeng estudyante ko.

"I can do it on my own. Don't need your help." Sagot ko. Ano? sipsip? Hindi ako tumatanggap ng sipsip.

Nagcheck na ako ng attendance nila at nagsimula na rin ng klase. Lahat sila nakikinig. Wala ni isa ang nagtatangkang magkwentuhan habang nagtuturo ako. Nagsasalita lang sila kapag nagtatanong ako. Ito ang dahilan kung bakit hindi ako matanggal tanggal ng principal. Natututo at nadidiciplina yung mga bata.

Pagkatapos ko magturo, tatayo pa lang sila para magpaalam, nakaalis na ako.

Siguro nga masyado na ako nagiging maldita pero alam ko, sanay na sila sa akin. Hindi ako si Teacher Elle kung hindi ako ganito. Mataray, maldita, masama ang ugali at walang paki alam sa iba. Ito ang pagkakakilala nila sa akin. Pinuntahan ko na rin yung tatlo ko pang klase. Pagkatapos ko dun, tapos na rin ang araw ko. Umuuwi na kaagad ako kapag naturuan ko na yung apat na klase. Ayoko kasi makihalubilo.

Ngayon nakasakay ako sa bus pauwi. Isinuot ko yung headset ko at palagi itong naka full volume para wala talaga akong marinig. Pinagmamasdan ko lang yung mga tao sa labas. Bakit parang ang saya nila? Naiinis ako. Sus, iiyak din kayo sa bandang huli. Iiwan din kayo ng mga taong mahal niyo dahil walang permamente sa mundong ito. Nasabi ko na lang bigla sa isip ko. Ipinikit ko na lang yung mata ko para wala na akong makita na masaya pero biglang may nagflash back.

"Baba, gusto ko magkakasama tayo sa iisang bahay. Yung tayo lang palagi magkasama." Wika ni Rhea. Baba kasi tawagan namin. Kasi mga double chin sila. Ako medyo chubby pa non.

"Oo. Rent kaya tayo ng bahay pag college natin!" Masiglang suhestyon ni Nicole

"Oo. Ako taga luto ng ulam natin. Si Nicole at Rhea taga linis ng bahay." Sang ayon ni Mariel.

"Ako puprotekta sa inyo! ^.^ Kapag sinaktan kayo ng boyfriend niyo sabihin niyo lang sasapakin ko yun! ^.^" Wika ko at nagtawanan kami.

-

Agad ko idinilat yung mata ko. Napansin ko na lang na may pumatak sa kamay ko. Agad ko pinunasan yung mata ko.

Noong oras na iyon, sobrang saya ko. Nanatili na lang sana kaming sa pagiging 3rd yr highschool. Kung kaya ko lang ihinto at ibalik yung oras, gagawin ko lahat para makabalik sa mga sandaling si Scarlet ako. Yung masayahin, makulit, maingay, magulo, matapang, sadista, loka loka, isip bata, moody, mahilig mangagat, daydreamer at may pake sa iba.

But no matter what I do, I can't change the fact that it's over.

—-

YAAAAAAAHHH!! Wala lang :)

Thanks for reading.

Blueskystories

XoXo <3

Pain of YesterdayWhere stories live. Discover now