CHAPTER 18B

2.3K 61 1
                                    

Binalikan niya ito sa kaninang pinag-iwanan upang klaruhin ang lahat.Ngunit wala na ito.Naisip niyang tumuloy ito ng varsity pad kung kaya’t nagtungo siya doon.

Hindi mapalis ang ngiti sakanyang labi habang hinihintay na pagbuksan siya ng pinto ng tao sa loob ng pad.Si coach Jackson ang nagmagandang loob na pagbuksan siya.Wala pa si Mark ayon dito kung kaya’t hinintay niya na lamamg ito sa loob.

Naglakad lakad siya upang mabawasan ang kilig sa kanyang puso.Gusto niyang maihi sa salawal.Paano ba ang dapat niyang iaasal oras na magkaharap na sila ng binata?Malawak ba ang ngiting isasalubong niya dito?Tatakbo ba siya habang papalapit pa lang ito sakanya upang bigyan ng maigting na yapos? O Dapat na magpakipot muna siya?Baka naman mas maigi iyong wala nang paarte arte dahil iisa lang din naman ang siguradong kahahahantungan ng lahat.

Kinuskos niya ang palad.Kay lamig ng pakiramdam niya kahit pa nga ba hindi naman ganoon kalakasan ang aircon dahil sa laki ng sakop nito.

Nahinto siya malapit sa pinto papasok sa hilera ng mga silid ng miyembro ng VS.Nakarinig siya ng ugong ng taong nag-uusap.Parang nahipnotismo siya na sundan ang pinagmumulan niyon.Sinilip niya ang nakabukas na awang ng pangatlong kwarto.Nasa hulihan ito, katabi ng silid ng magkapatid na Tan.Iyon din ang parehong silid na pinagdalhan sakanya ng araw na mawalan siya ng malay.

“Walang siyang gusto kay Betty.” Sabi ng isa sa mga lalaki na nabosesan niyang si Mathew.

Naglaho ang malawak niyang ngisi.Nag-umpisang manginig ang kanyang bunganga.Siya ang pinag-uusapan ng mga ito.

“Are you sure? But I can sense something special about his behavior towards her.Baka naman ikaw lang ang may sabi niyan.” Hindi naniniwalang wika ni Jethro.

“I’m sure.Sinabi niya sa’kin iyan.Kaya niya lang gustong mapalapit kay Betty ay dahil siya ang taga-gawa namin ng takda at malaking bagay iyon dahil sa napakahigpit ng propesor namin ngayon sa finance.Sinabi niyang nakokonsensya siya at gusto na niyang patigilin si Betty.Iyon nga lang ay hindi niya alam paano sasabihin na wala siyang gusto dito.”

“Whooh ! That’s profusely excessive !” Sabi ng isa sa mga kausap nito.

“Mas mabuti kung didiretsahin ninyo na siya.” Kung sino man iyon ay hindi na niya gusto pang alamin.All she knew is she was in pain and it made her to became deaf.

“I already propose that to him.Pero naawa siya.”

Naawaa ito sakanya gayong nagawa na nga nitong abusuhin ang kabaliwan niya dito.Hindi niya napigilan ang likidong umalpas sakanyang mukha.Naipatong niya ang kamay sa bunganga upang pigilan ang tunog na mula sakanyang hikbi.Dahan-dahan siyang humakbang palayo sa pinto na iyon.

Hindi niya nagawang hintuan ang lalaking nabangga.Kung hindi pa nito hinawakan ang braso niya ay patuloy siya sa paglalakad ng walang direksyon.

“Betty.”

Nag-angat siya ng ulo dito.Mas tumindi ang pighati niya na ang lalaking bumigo sakanya ang kasalukuyang nakatayo sakanyang harapan.

“Bakit kailangan mo pang sabihin na gusto mo ako? Gusto mo ba talaga ako gawing katawa-tawa? Na pagnaniwala na naman ako sa’yo ay may bagay ka na naman na ipapagawa sa’kin?Pwede naman diretsahin mo nalang ako kung talagang ang serbisyo ko lang ang gusto mo.Dapat hindi mo na ako pinaasa!” Mataas ang boses na detalye niya.Nagpatuloy sa pag-agos ang kanyng luha.Makailang ulit din siyang pumiyok.

“Betty.” Nahirapan itong bigkasin ang pangalan niya.Marahil ay nakokonsensya na ito sa mga sinabi niya.

“Sawa na ako.Matalino akong tao pero ewan ko ba kung bakit hindi ko kayang itama ang pag-iisip ko pagdating sa’yo.Bakit ko kailangang magpakabobo sa isang gaya mo na kahit kailan hindi ako magawang pahalagahan !”

“You don’t understand.Magpapaliwanang ako.Aayusin ko ang lahat ng maling inaakala mo.I like you.And that’s not a lie!”

“Tama na Mark! Alam ko na ang lahat kaya hindi mo na kailangang pahirapan ang sarili mo na magsinungaling sa tunay mong nararamdaman.Pero hindi ko na kaya.” Segundo niyang pinalabas ang ingay na mula sakanyang pag-iyak. “Gusto ko nang tapusin ang napag-usapan nating pagsisilbi ko sa inyo ni Mathew.Marami namang handang magpakamatay sa inyo hindi ba? Hindi naman siguro ako malaking kabawasan kung titigilan na kita.”

“Please Betty----wag ka namang ganyan.Give me chance to explain everything.Pakinggan mo ako.” Iniwas niya ang braso ng balak nitong kuhain iyon.

“Sawa na ako.Ayoko na!Ilang beses ko nang sinabi na isusuko na kita at siguro ito na talaga ang oras upang gawin ko iyon.Sobra akong nasaktan at hindi madali para sa akin ang makaharap ka ng ganito.Sana naman, kahit ngayon lang intindihin mo ang nararmdaman ko.Pwede ba?” Hindi niya alam kung tango nga ba ang ginawa nito dahil sa pagbaba nito sa ulo.Lumakad siya at iniwan ito sa ganoong anyo.

Alam niya naman na siya lamang ang apektado sa pangyayaring iyon.

INABOT sakanya ni Cindy ang naiwan niyang kahon na dapat sana niyang ibibgay sa binata ng mag-usap sila nito.

“Paki-bigay nalang sakanya.Uuwi na din ako.Mauna na ako sa’yo.” Kinuha niya ang bag sa upuan.

“Bakit ba biglang nag-iba ang mood mo?Akala ko ba? okay na kayo ni Mark? Hindi ba kayo nagkausap?”

Pinigilan niya na luha ang maisagaot dito.Sawa na siya.

“Hindi naman pala siya seryoso nung sinabi niyang gusto niya ako.Alam ko nang lahat kaya pakibalik nalang sakanya ‘yan.” Turo niya sa karton na nasa kamay nito.

“Mab? Nasasaktan ka alam ko.Akong bahala.Kakausapin ko siya.” Tumayo ito.Pinigilan niya ang bisig nito ng akma itong lalabas.

“Hindi na kailangan.Pagod na din akong magmukhang hangal sa harap niya.Hindi niya ako kayang pahalagahan.Binabalewala niya din naman lahat ng ginagawa ko sakanya.Kasalanan ko din naman dahil hinayaaan ko siyang gawin sa’kin ito.Kahit una pa lang alam kong ako lang naman ang nagbibigay ng pag-asa sa sarili ko.”

Nasa titig nito ang pagkahabag para sakanya.Mahigpit siya ntong niyapos.Tuloy ay hindi na niya napigilan ang sariling ilabas ang kanina niya pang pinipigil na emosyon.

“Tama na Mab.” Ngunit nagpatuloy pa din siya sa paghagulgol.Wala din naman itong tigil na hinagod ang kayang likod.

Malapit na po ang Finale ^_^ Please do support the next series. Abangan kung sino sa mga varsity side boys ang bibida sa series 2 :)

Sasabihin ko sa finale nito kung sino :)

Mua

Loraineyang <3

VARSITY SIDE : MARK ANTHONY GARCIA : SERIES 1 (COMPLETED)(EDITING)Where stories live. Discover now