CHAPTER 8

2.3K 56 0
                                    

"MAB, punta tayong varsity pad.Last practice na ngayon nila Rindo, para sa laban nila bukas." Pinatong ni Cindy ang kaliwang braso sa kanyang balikat.Nagpatuloy naman siya sa paglalakad at naupo sa couch na nahintuan.

Mag-iisang linggo na din ang nakalipas at tatlong beses niya din napagtatagumpayang gawan ng takda ang magkaibigang Mathew at Mark.Wala pa namang nakakabuking sakanya sa tungkuling iyon sakanilang klase.Napalapit na din silang magkaibigan sa ilan pang miymebro ng varsity side.Gaya na lamang ni Doso at Mathew na halos magsing hawig ang ugali.Iyon nga lang ay di hamak na mas maharot si Doso kumpara sa bipolar na si Mathew.Pabago-bago kasi ang modo nito.May dyang bigla na lang itong magagalit sa gitna ng kasiyahan.Ang iba nama’y nakakangitian lamang nila kung hinihingi ng sitwasyon.Maliban doon ay hindi na din nila gaanong nakakausap ang mga ito dahil na din sa pagiging abala sa pag-eensayo.

Nakasanayan niya na din ang kagaspangan ng ugali ni Carlo.Salungat naman siya ni Cindy na mainit pa din ang dugo dito dahil sa ito ang priming puntirya ng binata.Hinahabaan na lamang nito ang pasensya dahil sa nakababatang kapatid ito ng lalaking hinahangaan.

"Nandun ba si Rima?" Tingala niya dito. Kadalasan kasi ay nahuhuli niya si Mark na kasama ito.Hindi niya na lamang ito kinokompronta dahil umiiwas naman ito sa tuwing nasa harap siya ng mga ito.Sa ngayon kontento na siya na maging tapat ito sakanyang harapan.Konsensya na nito ang bahala sa tuwing wala ang kanyang mga mata para masundan ang kilos nito.Mabuti nga at sumusunod pa ito. 

Tinabihan siya ni Cindy. "Kelan pa ba nawala 'yun? Okay lang yan.Hindi naman siya gilfriend ni Mark." Hindi pa man nag-iinit ang puwit nito sa kinauupuan ay tumayo na din.She held her hands and forced her to stand. "Halika ka na.Bago pa kung ano ang pumasok diyan sa kukote mo." Itinagilid niya ang nguso.Walang nagawang nagpahila na lamang siya dito. 

Nilapitan ni Betty ang nakaupo at umiinom na binata.Katatapos lang nitong maglaro kung kaya't tagaktak ang pawis nito sa mukha.

"Good luck." Naupo siya sa katabing upuan nito.Inagaw niya mula dito ang labakarang hawak sa kaliwang kamay.

"Nakakahiya naman sa'yo.Ako na ang gagawa niyan." Daing nito ng simulan niyang punasan ang mukha nito.

"Okay lang.Ayoko lang na maunahan ako ni Rima sa paggawa nito."

Natigilan siya sa ginagawa ng hawakan nito ang sanga ng kanyang kamay.He concentrated on looking directly into her deep set eyes.

"You really amaze, in every way." Sa bilib na tingin ay sabi nito.

Nilinis niya ang lalamunan.Sa sinabi nito---pakiramdam niya'y nabuhusan ng blush-on ang kanyang pisngi.Huwag lang sana nitong mahalata ang pamumula niyon.Saglit niya itong tinapunan ng tingin at agad ding iniwas dahil sa mga mata nitong nasa kanya ang tutok.

"Kaw naman.” She made a frail whacked on his shoulder.Hindi talaga ito nagmintis na pakiligin siya.”Huwag ka ngang masalita ng ganyan.Kinikilig kasi ako." 

Natawa ito sa tinuran niya na halatang naaliw sa nakitang pagkurap-kurap ng kanyang mga mata at pamimilipit ng kanyang tagiliran.

He gave her a censorious looked. "You really like me that much?" 

Mas dama ni Betty na naninigurado ito sa sinabi kung sa nagtatanong lang.Hindi na siguro iba sa binatilyong kaharap ang malamang may pagtingin siya dito dahil lantaran niya naman iyong pinapakita dito.Kung sasagutin niya ang sinabi nito ay hiniling niyang sana ay tumbasan nito ang damdamin.

"I like you pero hanggang doon na muna iyon habang hindi ka pa nagkakagusto sa'kin." Lumawak ang pagkakangiti nito dahil sa lakas ng loob niyang isiwalat ang mga salitang iyon.Hindi naman siya nagsisisi dahil sa iyon naman talaga ang tinitibok ng kanyang puso at hindi niya iyon dapat na itanggi. "Kaya mo ba tinanong ‘yan-----ay dahil--- gusto mo ---na—din---ako?" Unti-unti ang ginawa niya pagbigkas upang masundan ang ekspresyon ng mukha nito.Gusto niyang tampalin ang bunganga ng mapalis ang ngiti nito at maging pormal iyon.Nasobrahan na yata siya sa kadaldalan.

VARSITY SIDE : MARK ANTHONY GARCIA : SERIES 1 (COMPLETED)(EDITING)Where stories live. Discover now