CHAPTER 13

2.1K 52 1
                                    

HINDI pinayagan si betty ng kanyang ina na pumasok upang makapagpahinga siya.Hanggang ng makauwi sila ay grabe ang panunukso nito sakanya dahil sa nakita nitong pagbabantay sakanya ni Mark.Naalala niya pa kung ano ang naging reaksyon nito.

“Anak.Sino ang lalaking ito?” Lumapit ito sa tabi niya.Natutulog pa ang binata.Nasa gilid ng kama niya nakapatong ang ulo nito.Tinawagan niya si Mildred habang nahihimbing pa si Mark nang sa ganoon ay maaari na itong makauwi oras na magising.Kahit papaano naman’y nahihiya siya dito dahil sa abalang nagawa niya.

Natawa siya sa gulat na mukha ng ginang.Para bang noon lamang ito nakakita ng kalahi ni Adan.

“Boyfriend mo ba siya Betty? Hindi mo man lang sinabi sa’kin kanina nu’ng tumawag ka para hindi ako nagulat ng ganito.”

“Hindi ma.Ano bang sinasabi ninyo? Siya ‘yung sinasabi ko sa inyo noon pa man na matagal ko ng gusto.Si Mark.”

Kung maaari lang ay kukuha na siya ng tasa upang saluhin ang halos lumabas ng mata nito.Parang kabarkada niya lamang ito dahil wala siyang nililihim dito lalo na sa lalaking kanyang hinahangaan.

Naexcite ito ng malaman na ang matagal na niyang kinikwentong binata ay ang siyang lalaki ding natutulog ng mga oras na iyon.

Lumipat ito sa kabilang panig ng kama upang silipin ang itsura nito.Hindi niya ito napigilan dahil sa bilis ng kilos nito.

“Ma! Nakakahiya.Baka magising mo siya.”

“Hindi anak.Sususriin ko lang kung papasa ba ang binatang ito na maging bahagi ng maganda nating lahi.” Bumaba ang tingin nito sa saradong mata ng binata.Ito lamang ang nakikita dahil sa nahaharangan ng braso nito ang ilong at labi.

Sabaya silang natahimik ng gumalaw ito.Nakagat ng babae ang labi.Naisara niya naman ang isang mata.Huwag sana nitong malaman ang pagsusuring ginawa dito ng kanyang ina.

Kinuskos nito ang mata.Bahagya itong napapitlag ng una nitong masilayan si Mildred na medyo malapit ang mukha dito.

“Ah pasensya kana!” Panic ng babae. “Ako nga pala ang mommy ni Betty.Ikaw ba si Mark?”

“Ma !” Saway niya.Hindi manlang nito nagawang magkunwari na hindi nito alam ang pangalan nito.

“Ah o-po.” Tumayo ito at inalok ang inuupuan dito. “ Umupo po muna kayo.”

“Naku naman!Napakabait mo pa lang bata.Salamat.” Naupo ito.

Alanganin itong nagyuko dahil sa papuri ng kanyang ina.Kinamot nito ang ulo.

“Sige po.Mauna na din po ako.” Kumaway ito sakanya. “Pagaling ka.”

“Ingat ka!” Habol niya ng nasa pinto na ito.

“Salamat.” At tuluyan na itong naglaho.

Hanggang nang makauwi ay hindi siya tinigilan ni Mildred sa pangungulit na aminin ang relasyon nila ni Mark.Sa huli’y pinaniwalaan din siya nito na magkaibigan lang sila nito.Hindi niya gusto ang maburo sa kanilang bahay.Kaya nang sumunod na araw ay pumasok na din siya.Hindi naman ganoon katindi ang kanyang lagay upang palalain niya.Labis na din siyang nangungulila sa lalaking nagpapalakas sakanya.

Tumuloy siya sa varsity pad dahil iyon lang ang lugar na alam niyang makikita niya ito.Pinindot niya ang button para ipaalam na naroon siya at nang mapagbuksan siya ng gate.Naging legal na sila ni Cindy na panauhin doon.Ngunit maingat pa din sila sakanilang mga galaw dahil oras na may makabisto sakanila sa pagpunta ng varsity pad ay malamang na magwakas na ang pagbisista nila roon.

“Oh?Betty?Bakit pumasok ka na?Dapat sana’y nagpahinga kana muna.Nasabi sa’min ni mark ang nagyari sa’yo.Okay ka na ba talaga?” Nagulat pa siya nang si Rima mismo ang nagbukas sakanya ng pinto.

“Maayos na naman ang pakiramdam ko.Namimiss ko na kasi ang pinsan mo.”

Saglit itong namangha sa sinabi niya.Natuwa siya sa nakitang kaluwagan sa anyo nito.Isa lang naman ang kahilingan niya.At iyon ay magustuhan siya nito para sa pinsan nito.Alam nitong may pagtingin siya sa binata dahil sa hindi na naman iyon tago sa lahat ng tao sa loob ng varsity pad.

“I really like your attitude.Saludo ako sa pagiging pramgka mo.Kung sana’y ganyan din ako.Malamang na napansin na din ako ng taong gusto ko.” Nabanaag niya ang pagseryoso ng mukha nito.Parang may malalim itong pinaghuhugutan sa mga sinabi.She was a bonny lady.Kaya nakapagtatakang hindi ito sa masaya sa buhay pag-ibig.

“Gusto mo bang tulungan kita?”

“No.No need.Natatakot din ako sa maaaring isagot niya sa’kin.By the way, I want to say sorry dahil sa hindi ko pagsasabi sa’yo na pinsan ko siya.Masyado ko lang talagang mahal si Mark bilang nakababata kong kapatid kaya sana’y maintindihan mo.I’m just following him.”

Batid niya na ayaw nitong ungkatin ang paksa nilang iyon kaya inilihis nito ang kanilang usapan.

“Wala iyon sa’kin.Naiintindihan kita.” She smiled.

“Let’s get inside.Kanina ka pa din bukambibig ni Mark.”

Sumunod siya dito.Nasalubong niya ang binata na kasama sina Lucas at ang anim pang miyembro nang varstity side.Bumalik ang mga ito sa loob ng court matapos siyang makita.Sumunod dito si Rima na iniwanan siya ng mala asukal na ngiti.

“Dapat di ka na muna pumasok.Ayos kana ba talaga?” Ginabayan siya ni Mark sa pag-upo.Akala siguro nito’y mahina pa din siya.Totohanin niya nalang muna ang inaakala nito.Pagkakataon niya na din iyon upang magkaroon sila ng intimate moment.

“Medyo nahihilo pa nga ako dahil sa tagal ng pagkakahiga ko.”

“Dapat kasi ‘di kana talaga pumasok.” Nasa tono nito ang pagsaway.

Ganyan nga mark.Ipakita mo sa’kin ang pag-aalala mo.Gusto ko iyan!

“Gusto na kasi kita makita.Salamat nga pala ulit kahapon.Pasensya na din sa mama dahil sa pagbintang niya sa’yong boyfriend ko.Lagi din kasi kitang kinikwento sakanya.”

“You do? But why?” Naroon ang bituin sa mata nito.

“Alam mo naman siguro kung bakit hindi ba?”

“Because you like me?”

Hindi! Try mo sabihin because you hate me !

Kailangan pa ba nitong itanong sakanya ang bagay na iyon? Hindi ba pwedeng umo-o nalang ito dahil sigurado naman siyang alam na nito na iyon ang dahilan.Mabuti sana kung makakakuha siya mula dito ng parehong kasagutan.Ang alam lang nito ay siguraduhin ang kanyang narraramdamn para dito.

Tumango siya.

“May assignment nga pala tayo sa finance.Excuse ka naman kay mam dahil sinabi ko sakanya ang nangyari sa’yo kung bakit hindi ka nakapasok.”

“Buti naniwala si mam?”

“Of course! May tiwala siya sa mga varsity side boys.She’s also our no.one fan here.Kaya huwag ka nang magtaka.”

“Akin na ‘yung notes ninyo ni Mathew.”

Parang nag-isip pa ito kung ibibigay ang bagay na hinihingi niya.

“Akin na?” Sa huli’y inabot din nito sakanya ang dalawang kuwaderno.Talagang handa ang mga ito dahil magkasama na ang mga notebook nito.Kanina pa siya siguro hinihintay ng mga ito para iabot iyon sakanya.

“Kaso may sakit ka pa.Next time mo nalang siguro kami gawan.” Saka pa ito tumanggi gayong nasa kanya na ang libreta ng mga ito.

Haynako !

“Hindi naman ‘to siguro magpapastress sa’kin.Sige.Gagawa na muna ako habang hinintay ko pa ang klase ko.”

“Betty.”

Nilingon niya ito nang akma na siyang aalis.

“Bakit?”

“Ah------Wala.” Parang may gusto itong sabihin ngunit hindi naman nito maituloy.Naglakad na lamang siya patungo sa lugar kung saan niya priming gingawa ang takda nang mga ito.

VARSITY SIDE : MARK ANTHONY GARCIA : SERIES 1 (COMPLETED)(EDITING)Where stories live. Discover now