CHAPTER 7B

2.3K 44 0
                                    

NAGLALAKAD siya patungong silid-aklatan upang masimulan na ang paggawa  ng kanyang multa nang may taong bumangga sakanya.Hindi niya ito naiwasan dahil nasa sahig ang kanyang tingin.

"Aray." Daing niya.Naglalaglagan ang bitbit niyang dalawang libro.Nang magtaas siya ng tingin ay nakita niya ang nakangising si Carlo na kasama ang dalawa pang miyembro ng VS na sina Jethro at Lucas.

"Oh ! we meet again.Ba't di mo yata kasama 'yung kaibigan mo?"

Pinulot ni Lucas ang libro niya. "Heto."

Inabot niya iyon mula dito. "Salamat." Natutuwa siyang makatagpo ng maginoong miyembro ng varsity side.

"Kilala mo?" Tanong ni Jethro kay Carlo.

"Oo naman.Hindi ba ms.pony tail girl?" Mukhang nakakasanayan na nitong tawagin siya sa gaanong kataga.Hindi siya sana'y na magbughag ng buhok kaya pirmi ay nakaipit siya. "Kumain ka na ba?Gusto mo libre---------mo kami?" Panloloko nito sakanya.

Nagtawanan ang mga ito maging si Lucas ngunit hindi naman 'sing tindi ng dalawang kaibigan nito.

"Ewan ko sa'yo!" Nilagpasan niya ang mga ito.

"Hinanap ka pala sa’kin ni Mark kahapon." Habol nito.Napalingon siya dito.Sana lang ay hindi siya nito niloloko.

"Bakit daw?" Hindi niya pinahalata ang galak sa tinig.

"Baka namimis niya agad ako" Hula niya sa isipan.

"Ooops.Joke lang." Tapos ay sabay sabay ang mga itong nagtawanan.Mukhang balat-kayo lang ang pagiging mapitagan ni Lucas sakanya kanina.Parehas din pala ito ng ugali ng iba pang VS.

Naikuyom niya ang dalawang palad.Ngunit hindi niya pinahalata dito ang inis dahil baka malaman nitong masyado siyang patay na patay sa kaibigan ng mga ito.

Naglabas siya ng malawak na ngiti. "Ganoon ba? Wala din naman akong paki kahit joke pa ang sinabi mo.Sige, Bye!" Kahit sa totoo lang ay gusto niya itong sapakin dahil sa pagbibiro sakanya.Paminsan-minsan ay kailangan niya ding ilabas ang pagiging dalagang Pilipina.

Sinimulan niya ang paggawa ng parusa ng araw ding iyon.Babaha ang gawin niya dahil kailangan niya pang gawan ng takdang aralin ang tatlong miyembro ng VS.Nasa silid siya ng kanilang susunod na klase at naghihintay ng oras para sa simula niyon.Nakakalimang papel na siya ng dumating si Cindy.Naupo ito sa upuan na tabi niya kung saan naman talaga ito nakatalaga.Sila ang namili ng kanilang pwesto sa klaseng iyon dahil wala namang sitting arrangement.

"Abalang-abala ka ha?" Ani Cindy ng hindi niya ito nagawang lingunin.

"Oo.Madami kasi kong gagawin." Pinagpatuloy niya ang pagsusulat.

"Bakit ka nga pala late kanina?Alam mo namang ayaw ni Pellez ng ganun di ba?'Yan tuloy naparusahan ka pa."

Ibinaba niya ang ballpeng hawak at hinarap ito. "Nagpaganda pa kasi ako para kay Mark.Alam mo na."

Napabunghalit ito ng tawa.

"Grabe ka ha!Para namang ngayon lang natin sila naging kaklase na inabot ka ng siyam siyam sa pag-aayos.Ba't ako? Nagpaganda din naman ako ng sobra ngayon, Eh, ba't hindi naman ako nahuli ng pasok?" Taas ang isang sulok ng kilay na tanong nito.

"Nahuli kasi ako ng gising.Okay na ba?"

"Bakit? Dahil sa kakapantasya mo kay Mark?"

Ngumiti siya dito. " Paano mo nalaman?"

Natawa ito.Hinampas ang kanyang braso. "Ano ka ba! Parang di mo ako kilala.Eh Gawain ko din 'yan." They laughed together.

Iiling-iling na kinuha niya ang panulat at muling bumalik sa kaninang ginagawa.

VARSITY SIDE : MARK ANTHONY GARCIA : SERIES 1 (COMPLETED)(EDITING)Where stories live. Discover now