CHAPTER 2

3K 69 5
                                    

"LAKAS talaga ng tama sa'yo nun." Si Doso ng madikit kay Mark at ipasa sakanya ang bolang hawak.

"Kinilig nga eh.May balak na naman sigurong tumarget ng gamit ko kaya napatumbling ng wala sa oras." Aniya habang nagdidriball at hinagis sa katapat na si Mathew ang bola.

Natawa ito. "Oo nga, sigurado 'yun.Baka 'yong bote mo ng tubig yung target.'Yun lang naman yung naiwan sa upuan mo."

"Siguro nga.Malala na talaga.” Napailing-iling siya. “Tara." Tinapik niya ang braso nito upang muling bumalik sa pagdipensa sa kanilang mga kalaban.

HINDI malaman ni Betty ang ikikilos ng makita na papalapit si Mark sa kinauupuan nilang magkaibigan.Hinintay nilang matapos ang laban nito kontra sa St.Buenevardo at masaya siyang wagi ang mga ito.Kelan pa nga ba nagpatalo ang mga ito? Hindi na maitatanggi ang kagalingan ng Westville University,  ang kanilang paaralan pagdating sa mga manlalaro ng kanilang basketball team.Sinasalang mabuti ang bawat miyembro ng Varsity side at grabeng ensayo  ang pinagdadaanan ng bawat isa.Maging ang sukat ng mga manlalaro ay may kaukulang bilang dahil mahalaga ang taas ng isang manlalaro para sakanilang coach na si Jackson.Walang maaaring bumaba sa lima at siyam na pulgada ang taas.

Tinatak niya sa isipan ang sinabi nitong mag-uusap sila.Basta pagdating dito ay wala siyang sinasayang na pagkakataon.

"Okay ka na ba?" Napaurong si Betty ng tumabi ito sa gilid niya.Pasimple siyang kinurot ng katabing si Cindy.

"Oo naman.Lalo na ngayong katabi kita." Hindi niya itinago ang kilig na nararamdaman sa harap nito.Hinawakan niya ang baba na may band-aid at nilaro-laro roon ang kanyang daliri.

Hindi nito pinansin ang tila pagpapacute niya.Nilagay nito ang boteng hawak sa bunganga at ininom ang laman niyon. "Ano ba talagang nangyari sa'yo kanina? Bakit ka sumubsob sa sahig?"

Napalunok siya sa tinumbok nitong usapan nila.Hindi nito maaring malaman na dahil sa gusto niyang makuha ang bote ng tubig nito kung kaya siya sumirko ng wala sa oras.

"Ah sige, aalis na muna ako." Singit ni Cindy ng hindi agad siya nakasagot sa tanong ng binata.Pinanlakihan niya ito ng mata upang pigilan ngunit hindi ito nagpatinag sakanya.Bagkus ay  tinuloy nito ang pag-iwan sakanya.

Hawak ang magkapares na mga kamay ay hinarap niya si Mark."Sinabi ko naman diba?Marami kasi ang nanunulak sa likuran ko kanina kaya na-out of balance ako." She avoid her voice from shivering.

"Really?" Tila hindi kumbinsidong tanong nito.

"Oo naman!" Walang kagatol-gatol na sabi niya dito na bahagyang ikinataas ng tinig niya.

Diretso ang tingin nito sakanyang mga mata. "Stalker ba kita?"

 Natameme siya.

"Garcia, tara na sa pad." Sabay silang napalingon sa boses na iyon.Nakita niya ang leader ng Varsity side na si William na seryoso ang mukha.Kaya nga marahil sa kabila ng kagandahang lalaki nito ay walang babaeng gustong lumapit dito ay dahil sa pagiging suplado at istrikto nito.

"I gotta go.Mag-usap na lang ulit tayo." Hindi na siya nito hinintay na makasagot.Tumayo ito upang sumunod kay William na naglakad na palayo.Sumunod na lamang ang tingin niay sa mga ito.

Nang maglaho na ang mga ito sa kanyang paningin ay lumutang sakanyang isipan ang kaninang sinabi nito.

"Stalker ba kita?"

Bakit ganoon ang tinanong nito sakanya?Alam na ba nito na siya ang may sala sa mga gamit nitong basta-basta na lamang naglalaho? Sukat sa mga naisip ay kinabahan siya.

VARSITY SIDE : MARK ANTHONY GARCIA : SERIES 1 (COMPLETED)(EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon