CHAPTER 10

2.1K 49 4
                                    

Naglalakad na sila Betty pauwi kasama si Rindo na nagpresintang maghatid sakanila.Iyon ang unang beses na sinabayan sila nito.Siguradong ilalatha ni Cindy ang pangayaring iyon sa mini diary.Tumunog ang selpon ng binata.Hinugot nito iyon at dumistansya sakanila.

Nilapitan nila ito matapos ibaba ang awtomotibo.

“Niyaya tayo nila Doso na pumunta sa bambee.Ano sama kayo?” Alam nilang magkaibigan  ang tnutukoy nito dahil popular iyon na tambayan ng mga ‘sing edaran nila.At hindi naman iyon nalalayo sa kanilang tinitirhan.

“Ikaw, kung tutuloy ka pa dun edi----sasama kami.” Ani Cindy.

“Sige.Kayo nalang.Masakit din kasi ang ulo ko.” Siya sa pagpapanggap.Ayaw niyang makita si mark at nagpasya na siya na sa pagpasok nila kinabukasan ay tatapusin na niya ang napag-usapan nila.Para saan pa at hindi din naman ito sumusunod.Ipapaubaya na niya na ito sa Rima nito.

“Mab?” Ang kaibigan na hinawakan ang parehong sanga ng kanyang kamay. “Sumama kana.Celebration naman ito dahil sa pagkakapanalo ng Vs.Hindi ba, Rindo?” Silip nito sa lalaking nasa likod niya. “Nandoon din si Mark.Halika na.”

Yun nga ang problema.Naroon ito kaya ayaw niyang sumama.

Sa ginamit nitong tono ay hindi niya ito magawang tanggihan.Pagnaroon na’y iisip na lamang siguro siya ng paraan upang maiwasan ang lalalki.

“Let’s go.” Inakbayan siya nito habang ang kaliwang braso naman nito ay nakakawit sa braso ng binatang katabi.

Nanggagalaiti na kinagat niya ang ibabang labi dahil sa naabutang tagpo.Si Mark na may katabing babae na bumubulong dito.Parang walang ding katapusan ang paghalakhak nito dahil sa sinabi ng kausap.

Dapat lang talaga na hindi na siya sumama pa.Pinanatili niya ang hindi magalit ng salubungin sila ng Varsity side boys.Wala nga si Rima ngunit may kapalit naman ito.Talagang hindi siya nito sinusunod sa tuwing wala ang bulot niya sa harap nito.Pwes.Talagang wala ng makakapigil sakanya sa binabalak.

Hindi niya msyadong marinig ang mga pinagsasabi ng mga ito dahil sa ingay ng mga bsoes na nagkasabay-sabay.Para ding lango na sa alak ang ilan sa mga ito.Idagdag pa ang malakas na tugtog.

“Mark, nandito na si ms.pony tail girl.” Kung hindi pa ito tinawag ni Doso ay hindi nito malalaman ang pagdating nila.

Gaya ng iba tumayo ito upang salubungin siya.Mabilis namang nakahanap ng upuan si Cindy na inalalayan ni Rindo.Nahagip pa ng tingin niya ang masamamng tutok ng mata ni Carlo sa mga ito.Nagngingitngit na naman marahil ito dahil kasama ng kapatid si Cindy.Grabe kasi ang tutol nito sakanyang kaibigan.Hindi na lamang ito nagsasalita dahil sa mas nakakabata ito.

“Ba’t hindi mo manlang tinapos ang laban namin kanina?Hinahanap kita pero si Cindy na lang ang nakita ko.”

Hanapin mo mukha mo!

Hindi niya ito sinagot at naglakad palabas.

Hinabol siya nito.

 “Galit ka ba sa’kin? Ba’t parang ayaw mo akong kausapin?” Nagpatuloy siya sa paglalakd kaya naiwan ito sakanyang likuran.

Huminot siya ngunit hindi niya ito nilingon.

“Ayoko na!” Sigaw niya na kasabay ng pagbagsak ng kanyang balikat. “Titigilan na kita.Hihinto na ako.Tama na!” Parang siyang nawawala sa kanyang sarili.

Mark gave a turbid expression. “Ha?Ano?Ang gulo mo!”

Humarap siya dito. Nagsimulang bumigat ang kanyng dibdib. Ayaw niyang basta basta na lamang sumuko sa pangarap niyang pag-ibig nito.Ngunit ito na din naman ang nagbibigay sakanya ng ideya na gawin ang bagay na iyon.

“Ako pa ngayon ang magulo?” Turo niya sa gitna ng dibdib. “Ikaw ‘tong hindi marunong sumunod sa napag-usapan natin.Ayoko ng magpaloko at magpakatanga sa’yo.Para sabihin ko sa’yo hindi ako staff toy para walang maramdaman sa lantaran mong pakikipaglandian.Tigilan mo na din ang pagpapaasa sa akin na balang araw ay magugustuhan mo din ako!” Nagpatakan ang ilang butil ng luhang hindi niya inaasahan. “Bukas na bukas, ibabalik ko sa’yo ang lahat ng mga gamit mo na kinuha ko.Dahil doon kung bakit nangyayari ang lahat ng ito ! Damn to your things !”

“Betty.” Nahirapan nitong bigkas.Nagmadali itong lumapit sakanya.Hinawakan nito ang sakong ng kanyang braso.

Kinalag niya ang kamay nito na hindi naman naalis.  “Kung si Rima ang dahilan kung bakit ka nagkakaganito ay wala kang dapat na ipag-alala sakanya.Pinsan ko siya.Kaya ano bang iniisp mo.”

Hindi niya agad naisara ang bunganga dahil sa sinabi nito.Niloloko ba siya nito para sabihing pinsan lang nito ang babaeng pinagseselosan? Sa pakikitungo ng mga ito sa isa’t isa ay hindi niya na isip ang ideyang iyon.Hindi naman kaya ay niloloko na naman siya nito?Dahil sa batid nitong madali siyang bumigay dito.

 “Liar ! A bulky liar ! Ayoko ng maniwala sa’yo ! Sa mga inaakto ninyo, tingin mo? Paniniwalaan kita? Tigilan mo na nga ako.” Hindi niya akalain na masasabi niya ang mga huling ipinahayag.Na para bang naghahabol ito sakanya.

He produced a deep breath.Bakas sa mukha nito na hindi nito alam kung papaano magpapaliwanag sakanya.

“Believe me.” Hinawakan nito ang pares ng kanyang bisig. “Rima is my cousin.Kaya nga lagi siyang nasa pad ay dahil pinsan ko siya.Nag-iisa ko siyang pinsan na babae kaya masyado siyang espesyal para sa akin.And she’s like my elder sister.” Kulang nalang ay lumuhod ito sakanyang harapan para lamang patunayan na nagsasabi ito ng totoo.Gusto niya tuloy maniwala dito.Kelan niya pa ba ito natiis?

Mabilis na naglaho ang bato niyang puso.Ano bang gayuma ang ginamit nito sakanya at mabilis siyang napapaamo nito?Lumambot ang ekspresyon ng kanyang mukha.Ramdam niyang nagsasabi ito ng totoo.

“Pero bakit hindi mo agad sinabi sa akin?”

Nakahinga ito ng maluwag sa pagtanggap niya sa paliwanag nito.

“Sinadya ko iyon at kinuntsaba ko din ang ibang VS para ilihim sa’yo.”

“Pero bakit? Dahil ba gusto mo akong magmukhang tanga?”  Napahikbi siya sa tinuran.

“It’s not like that. Gusto ko lang subukan kung hanggang saan ka at kung gaano mo ako kagusto. You’re different from the other girls who admired me.Masugid ka at hindi ka nawawalan ng pag-asa.Kaya nagulat ako ngayong parang sumusuko kana.” Nalanta ang tinig nito

.Umiling-iling siya. “No!Wag mong sabihin ‘yan.Hindi ‘yan totoo.Lagi pa din akong nandito para sa’yo.Ako pa din ang number one fan mo.”

Sumigla ang mukha nito.Pinahiran nito ng daliri ang luhang nagpabasa sakanyang pisngi. “Thank you.” Naestatwa siya sa ginawa nitong pagyapos.It was rigid.He barely put his chin down to her right shoulder.Parehas nilang dinama ang sandaling iyon.

“Hindi naman kita matitiis.Gusto kasi kita.” Wika niya na hinimas-himas ang likod nito.Inaasahan na niya na hindi nito matutumbasan ang mga sinabi.Sisimulan na niyang sanayin ang sarili sa ganoong tagpo upang hindi siya mawalan ng pag-asa sa pag-ibig nito.Buo pa din ang loob niyang darating din ang pinakahihintay na pangyayaring iyon.Sisiguraduhin niya na lamang na sa mga sususnod na araw ay pag-iigihan niya pang lalo ang pag-aalaga dito.Ngayon pa na wala na si Rima sa eksena.

VARSITY SIDE : MARK ANTHONY GARCIA : SERIES 1 (COMPLETED)(EDITING)Where stories live. Discover now