CHAPTER 15

2.1K 58 1
                                    

SINAMAHAN si Betty ni Mark nang bumili siya nang kanyang pagkain.Masaya siya sa bahagyang pagbabago nito simula nang gabing masaksihan nito ang kalbaryo niya sa sakit.Naging tagapag-alala niya ito sa tuwing oras ng pagkain.

“Ba’t lagi silang magkasama?” Matalas ang pandinig niya kung kaya’t kahit mahina ang tinig nang babaeng iyon na kanilang nadaanan ay malinaw niyang narinig ang sinabi nito.

“Isa siguro ‘yan sa mga ambisyosang humahabol kay Mark.By the way, mukhang hindi niya ‘yan papatulan.” Dugtong nang isa.Hindi niya gustong makagawa nang kasalan nang mga oras na iyon kaya pinigilin niya ang kamay na maisabunot sa buhok nang dalawang estudyanteng  iyon.

Sa gitna nang hindi niya maipintang mukha ay naramdaman niya ang paglapat nang kamay nito sakanyang balikat.Tinapunann niya ito nang tingin.Diretso lamang ang mata nito sa daan habang may ngiti sa mga labi.

Siguradong mas lalong nagputukan ang butsi nang dalawang impokritang nagpaparinig sakanya.Narinig marahil nito ang pagbubulungan nang dalawang babae.Salamat naman kung gusto siya nitong ipagtanggol sa mga ito.

“Dagdag pogi points ka na naman sa’kin mark, my love.”

Pinapili siya nito sa mga tinda sakanilang canteen.Tinuro niya naman ang kanyang gusto.Hindi na niya ito napigilan nang akuin nito ang pagbabayad.

“Salamat dito.” Taas niya sa hawak na biskwit at mineral water. Sinubok niya pa ito nang magbalak siyang bumili ng softdrink na kontrang kontra ng kanyang karamdaman.Hindi ito pumayag kung kaya nauwi sa tubig ang maiinom niya.

“Mabubusog ka ba niyan? Dapat sana’y nagkanin ka nalang.”

“Kumain na naman ako bago umalis ng bahay.Reserba ko lang ito para hindi ako magutom.” Nagpatuloy ang bulung-bulongan nang maglakad sila pabalik.Bawat madaanan nila ay nasa kanila ang mata.Dapat na niyang sanayin ang sarili sa mga ganoong bagay.Dahil oras na maging sila nito ay mas grabe pa roon ang dadanasin.All she need to do is to enjoy every memorable minute they have.Hindi niya kailangang isipin ang mga kontrabida sakanilang mundo.

“Siguraduhin mo lang.” Gusto niyang muling itanong dito kung nag-aalala ito sakanya ngunit naroon na ang pangamba niya na hindi marinig ang gusto niyang itugon nito.Ayaw niyang masira ang magandang niyang araw kaya inalis niya na lamang sa isip ang ideyang iyon.

“Mark !”

“Yumi.” Sinadya pumagitna sakanila ng babae kung kaya’t naitsipwera siya sa gilid.

“My mom was inviting you to her birthday tomorrow evening.Please come.Here’s the invitation.” Nakita niyang inabot nito sa binata ang isang maliit na sobra na kulay rosas.

Pinagitnaaan pa ang ito ng tatlong babaeng kasama nito.Kaya siguro nakalimutan na nito na kasama siya nito.

Hindi ka dapat na magselos Betty.Sa’yo din siya babagsak.

Isa din pala iyon sa kailangan niyang sanayin oaras na magkaroon sila nito ng relasyon.Siymepre’s hindi nito matatagihan ang mga babaeng lubos na humahanga dito.At iniba na niya ang sarili mula sa mga ito.Para sakanya’y, hindi na siya simpleng tagahanga lamang nito kung hindi isa na sa posibleng maging kaisntahan nito.Kaya may karapatan siya dito.Iyon ay ayon sa pananaw niya.

“Mark, alis na tayo.” Sigaw niya na mula sa dulo.Sinilip siya nito nang marinig ang boses niya.

“Mauna ka na betty.May pag-uusapan lang kami.” Alanganin siyang ngumiti dito.Napatango-tango siya. Oo nga pala! Dapat lang na masanay na siya na ganoon ang isagot nito sakanya.Siyempre ay nahihiya itong tanggihan ang mga tagahanga nito.Dapat lang na magkaroon siya ng mahabang pasensya.

VARSITY SIDE : MARK ANTHONY GARCIA : SERIES 1 (COMPLETED)(EDITING)Where stories live. Discover now