CHAPTER 11

2K 52 0
                                    

Bumalik sila na nasa kanyang balikat ang kanang bisig nito.It was a friendly move for him.Ngunit iba ang ibig sabihin niyon para kay Betty.Sa sarlli'y patuloy siya sa pag-asam na baka kaya nito ginagwa ang bagay na iyon ay dahil sa may gusto na din ito sakanya.Ganoon naman talaga ang iniisip ng mga tao sa kanilang hinahangaan.Every single matter that they’ve done to you, there's always the expectation that he was also enamored with you.But actually it was nothing to him.Ikaw lang talaga ang nagbibigay ng kahulugan dahil sa gusto mo siya.Maaaring ganoon ang nangyayari kay Betty.Kaya tuloy pirmi siyang nabibigo.

"O, kamusta ?Okay na ba ang LQ niyo?" Bungad sakanila ni Lucas na katabi ang babaeng inakala niya kaninang kalandian ni Mark.Nalaman niya na din na ito ang bagong playmate nito kaya hindi na siya nabahala sa bagay na iyon.Sa itsura nito'y mukhang hindi naman talaga ito magagawang seryosohin ng mga lalaki.Lalo na ng mga varsity side boys.

Masaya siyang hindi pa rin nito inaalis ang kamay na nakakapit sakanyang balikat.Umusog ang mga ito sa bilugan na silya upang makaupo sila.Inalalayan naman siya nito.

Kininditan siya ni Cindy ng mapadako ang mata niya dito.Kasama nito si Rindo na katabi naman ni Carlo.Sa itsura' parang binabantayan nito ang dalawa.

She gave a fonder smile towards her.Hindi mapaglagyan ang saya niya dahil sa kasiyahan ding nakikita niya sa anyo ng kaibigan.Masaya ito at ganoon din siya.

"Sayang wala si Coach ! Hindi ninyo kasi pinilit." Pinitk ni jethro ang kamay sa panghihinayang.Ito na ang katabi ng babae  ni Lucas.

"Parang hindi ninyo pa kilala si coach.Sa loob lang naman ng Westville maayos 'yun.Siguradong naghahanap lang 'yun ngayon ng mapapangasawa.Alam ninyo na." Nagkibit ng balikat  si William. "Takot siyang maagaw natin ang babae niya." Kumuha ito nang balat ng manok na pulutan.May anak na ang kanilang coach Jackson iyon nga lang ay hiwalay na ito sa asawa.

Tumingin ito kay Mark na tatlong tao din ang pagitan. "Si Rima nga pala, nasaan?Hindi ba siya darating?"

Naroon ang kaginhawan sa kalooban ni Betty.Wala na siyang pinag-aalala pa kay Rima.Sa halip pala ay dapat maging mabuti siya dito dahil malapit ito sa lalaking gusto niya.Sana, una palang ay naging maganda na ang naging pakikitungo niya dito.Sana ay naging magiliw ang pagsagot niay sa mga ngiti nito.She impedent to felt regret.Sana'y hindi siya nagpaanod sa pagdalayday ng damdamin niya

"May kadate siguro kaya hindi nakapunta." Sagot nito.

"Talaga?" May bahid ng pagkagulat na tanong ni William.

Tumango na lamang si Mark.

Nagyaya si Doso na magtungo sila sa dance floor at humataw sa saliw ng masiglang musika.Hindi naman sa parehas na kaliwa ang paa ni Betty ngunit nahihiya siyang magbalye sa harapan kahit na may kadiliman ang disco lights.

Si Jethro ang naunang tumayo.Kamuntikan pa itong mapaupo dahil sa dami na ng nainom.

"Oy, magsitayuan kayo!" Itinuro nito ang hintuturo sa gumegewang na kamay

Sumunod si Lucas na pinilit ng babaeng kasama nito.Kasabay nito si Mathew na game na game.Nagulat pa siya na pati si Cindy ay makisali sa mga ito.Nagtatanong ang mga tingin niya dito kung sigurado ito sa desisyon.

Dinikit nito ang bukas na palad sa bibig. "Minsan lang naman eh." Dahil sa ingay ng tunog at lakas boses ng mga taong nagkakasiyahan ay naging mahina ang boses nito.Mabuti na lamang at narinig niya.Hinila nito si Rindo upang tumayo na sinusugpo naman ni Carlo ang braso upang hindi nito madala.Natawa na lamang siya dahil sa nag-aalburotong mukha ng kaibigan.

"Hindi ka ba sasayaw?" Ani Mark.Tatlo na lamang sila nina William na naroon na abala pa din sa kanina pa nitong hawak na gadyet.Nadala na din ni Cindy si Rindo.Nagmamaktol namang umiba ng direksyon si Carlo na nagtungo sa baristang nagsasalin ng alak.

"Nahihiya ako.Iinom nalang siguro uli ako para magkalakas ako ng loob." Akma niyang ibubuhos ang alak na nasa chalice ng pigilan siya nito.Nakakadalawang shot na din siya.Masarap ang lasa ng alak na iniinom na sa panlasa niya ay parang strawberry juice lang.

"Kung hindi mo talaga kayang sumayaw huwag mo ng gawin.You don't need to be drunk Betty."

Binaba niya ang kopita sa mesa.Inaalala siya nito. Nagdiwang siya sakanyang isipan.

"Okay lang naman.Pangatlong shot ko na din naman ito." Pagmamatigas niya.Gusto niya pang makarinig ng pagsaway nito.

"Pero ayoko na nga na uminom ka pa." Parang gusto niyang mangisay ng mga oras na iyon.Nasa kabilang buhay na ba siya? Bakit nakikita niya na ang ulap patungong langit? Parang siyang lumilipad.

Tumikhim siya. Inipit ng kanyang hita ang dalawang kamay.Nagsisismula na namang kumilos ng hindi normal ang talukap ng kanyang mata.

"Hindi na nga! Baka magalit ka pa sa'kin."

"Thank you, then." Nabanat ang bibig nito sa pagpapalabas ng perpektong tubo ng ngipin.

Oh Mark ! Huwag kang ngumiti ng ganyan !Maloloka na ako.Wala pa naman akong pera para magpametal !

 Marahang umubo ang nasa kabilang dulo na si William. "Makalabas na nga." Wala ang tingin sakanila na sambit nito.Sabay silang napabungisngis.

VARSITY SIDE : MARK ANTHONY GARCIA : SERIES 1 (COMPLETED)(EDITING)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant