CHAPTER 7

2K 48 0
                                    

BAGO ihakbang ni Betty ang paa sa silid ng kanyang unang klase ay humugot muna siya ng malalim na hininga.She felt excited and at the same time nervous.Makailang ulit siyang tumingin sa salamin bago siya umalis ng kanilang bahay.Hindi pa siya nakuntento kaya nagdala pa siya ng mini mirror para kahit nasa daan ay masiguro niyang maganda pa rin ang pagkakapusod ng kanyang buhok.Lunes sa kasalukuyan kaya Finance ang una niyang subject kung saan kamag-aral niya si Mark at ang dalawa pang miyembro ng VS.Kaya ganoon na lamang ang paghahanda niya.Kung dati ay hindi siya nito masyadong napapansin ay kailangang umepekto na iyon ngayon.

Nag-angat siya ng ulo ng nasa pinto na.Nakita niya ang lahat na nakatanga sa direksyon niya.Itinirik niya ang mata sa mga ito.Natilihan siya ng makita ang kanyang propesor na nasa harapan at masama ang tingin sakanya.Hindi niya agad ito napansin dahil nasa bandang sulok ito.

Patay !

Sinilip niya ang relong suot.Alas otso treinta na at huli na siya sa klaseng iyon.Nanginginig ang bungangang pinagdikit niya ang mga labi.Hindi niya alam paano mag-uumpisang magsalita sa harap ng kanyang guro.Isa pa naman ito sa masungit niyang maestra na marahil dala ng pagiging matandang dalaga nito.Nasisiguro niyang pagagalitan siya nito.

“May balak ka pa bang pumasok Ms.D Leon?

Yumuko siya.

“Hindi ba’t sinabi ko ng hindi ako tumatanggap ng mga late sa klase ko? May pairap-irap ka pa diyan.”

Nagbungisngisan ang kanyang mga kaklase.

Gawain na talaga nito ang mamahiya ng estudyante sa kabila ng mukhang mangkukulam na itsura nito.Sayang lang tuloy ang pagpapaganda niya para kay Mark.

Bwisit talaga!

“I’m sorry po Ms.Pellez.Sige po.” Hindi pa din nag-aangat ng ulo na turan niya.

Nang akma na siyang tatakas ay nagsalita ito.

“Ms.Betty De Leon.”

Yari ! 

VARSITY SIDE : MARK ANTHONY GARCIA : SERIES 1 (COMPLETED)(EDITING)Where stories live. Discover now