CHAPTER 7A

1.9K 45 0
                                    

May parusa kasi ito sa mga estudyanteng nahuhuli sa klase nito.At ito ay ang pagpapasuslat ng “I won’t be late again” sa benteng yellow paper front and back.

Slow motion siyang lumingon dito. “Yes mam?”

“Alam mo naman siguro ang parusa mo dahil sa pagpasok ng huli sa klase ko?Kaya hindi ko sasabihin sa’yo kung ano ang dapat mong gawin.Ipapasa mo sa akin ‘yun sa next meeting natin.Nagkakaintindihan ba tayo?”

Sinasabi niya na nga ba.Dapat kasi ay tumakbo na siya.

“O-opo.”

“Mabuti.May assignment din kayo sa araw na ito.Kahit hindi ka nakapasok ngayon ay kailangan mo pa ding gumawa.”

Nangunot ang noo niya. “Pero mam? Paano ako makakagawa?Eh ? Hindi nga ako nakapasok.Hindi ko din alam ang lesson natin ngayon.”

Kontrabida talaga ito sa buhay niya.

“Magtanong ka sa mga kaklase mo.Aba !Hindi porket hindi ka nakapasok ngayon ay hindi kana makakagawa ng takda mo.Magtanong ka kay Ms.Zamora, siya naman ang lagi mong kadaldalan dito hindi ba?” Pang-aalaska nito kay Cindy.

Nang lingunin niya ang kaibigan ay humaba ang nguso nito sa pagkayamot.Sila ang pirmi nitong napag-iinitan kahit noon pa man.Kaya hindi na kataka-takang dinagdagAn nito ang parusa niya.Siya lamang ang pinagawa nito ng takda pwera pa sa dalAwampung dilaw na papel.Talagang nanandya ito.

“Naku !Kung hindi ka lang propesor malamang na piunasalvage na kita” Ngitngit niya sa sarili.

“Sige po.” Tanging nasabi niya at lumisan na.

 

VARSITY SIDE : MARK ANTHONY GARCIA : SERIES 1 (COMPLETED)(EDITING)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora