CHAPTER 12

2.1K 49 1
                                    

Nauna silang magpaalam para umuwi.Hindi naman sila gaanong inintindi ng mga kasama dahil nasa pagsasayaw ang kondisyon ng mga ito.Ibinilin niya ang kaibigan kay Rindo na hindi naman sumayaw at naupo lang sa mesang nasa harapan upang bantayan si Cindy mula sa kapatid nitong  nagmamanman.Bago umalis ay nagpasalamat siya dito.

Naglalakad na sila ng bahagya siyang mapalukso sa kagyat na pagsakit ng sikmura.Hindi iyon napansin ni Mark dahil nasa daan ang tingin nito.

"Malapit lang ba ang bahay ninyo dito?" Nang suriin siya nito ay hindi niya ipinahalata ang dinaramdam.

"Oo.Liliko lang tayo sa kanto na 'yun."Turo niya sa interseksyon. "Tapos kakanan ulit tayo sa unang daan.Lalakad ng kaunti at iyon na. " Sinugpo niya ang paghinga ng tumindi ang sakit.Inalalayan na niya iyon ng hawak upang maibsan kahit papaano.

Nagpatuloy ito sa paghakbang upang tunguin ang sinasabi niya.Nagsimula siyang labasan ng malamig na pawis sa kanyang noo.Bumagal ang lakad niya kaya medyo nauna ito sakanya.Napansin nito ang pagbagal niya.Nang tanawin siya nito sa likod ay naabutan siya nitong namamaluktot habang nasa kanyang tiyan ang mga kamay.

Hindi maipinta ang mukha niya sa sobrang sakit.Sa tindi ay unti-unti siyang napaupo sa gitna ng daan.Mabuti na lamang at walang gaanong sasakyan ang nagdaraan.Madali siya nitong dinulungan.

Binabaan siya nito.Maingat nitong inalalay ang mga bisig sa tuluyan niyang pagkakaupo sa semento. "Anong nagyayari? Bakit ka namumutla?" Hawak nito sa baba niya.

"Yung tiyan ko.Ang sakit.Sobra." Naluluha niyang turan.

Nagpanic ito.Kaagad siya nitong binuhat na parang balewala dito ang isang daang timbang niya.

"Saan tayo pu-punta?" Kaunti na lamang ang hangin na lumabas sakanyang lalamunan kaya nahirapan siyang magsalita.

"Dadalhin kita sa ospital." Nanginginig ang boses nito.Hindi niya alam kung dahil ba iyon sa bigat niya o dahil sa lubos itong nag-aalala sakanya.

PINARA ni Mark puting kotseng nagdaan.Huminto naman ito at pinagbuksan sila ng bintana na babae pa pala ang nagmamaneho.

"Pwede mo ba kaming dalhin sa pinakamalapit na ospital dito?" Natatarantang tanong niya dito.Hindi niya yata makakayang tanggapin na mawawalan ng hininga si betty sakanyang mga kamay.

No ! Hindi pwede !

"Nasa likod mo lang.Hindi mo na ba kaya? Sige, ihahatid ko na kayo."

Nilinisan niya ang lagukan.Tumingin siya sa kanyang kanang bahagi.Bukas na bukas ang pagamutan na hindi naman kalayuan sa kinalulugaran nila.

Napahiya siya sa pagkakalitong iyon.Natawa ito ng pagak sakanya.

"No need.Salamat nalang." Hindi na niya pinili na isakay ang dalaga sa kotse dahil sa tingin niya'y mas mapapabilis sila kung siya na mismo ang magtakbo dito.Mainam na nga lang na hindi naparami ang inom niya.Dahil kung sakali ay mawawalan siya ng lakas upang mabuhat ito ng ganoon katagal.

Sinalubong sila ng babaeng unipormado ng puting tela.Binigyan sila nito ng wheelchair na nakaabang dahil walang wheeled stretcher.

Inagaw niya dito ang pagtutulak sa dalaga.

“Sir.Wait lang po.Saan ninyo po siya dadalhin.” Agaw nito sakanya.Natigilan siya.Hindi niya nga pala ang alam kung saan ito dapat na dalhin dahil hindi naman siya kawani ng gusaling iyon.Wala siyang nagawa kundi ang ipaubaya dito ang pagtutulak.Malapit ng mag-alas dos ng umaga kaya bilang na lamang ang empleyadong naroon.

Sumabay na lamang siya dito habang alalay niya ang braso ni Betty.

“Kaya mo ‘yan.”Sa tanang buhay niya’y hindi pa nangyaring naglabas siya ng luha dahil lang sa babae.Kaya’t pilit niyang pinipigil ang maiyak dahil sa nakikitang anyo nito.Wala ng kulay ang mga labi nito at bagsak na din ang kamay.Gaya iyon sa mga napapanuod niya sa telebsiyon sa tuwing……….

VARSITY SIDE : MARK ANTHONY GARCIA : SERIES 1 (COMPLETED)(EDITING)Where stories live. Discover now