CHAPTER 9

2K 46 0
                                    

Hindi na nakasali sa buong laban si Mark dahil sa iniindang kaliwang kamay na marahil ay napilayan mula sa pagkakabagsak.He was aware that it was done to him intentionally.Siguro’y  naging threat siya sa mga kalaban dahil siya ang MVP ng taon.Nakuntento na lamang siya sa panunuod ng buong laban.Nang silipin niya sa likuran ang kaninang kinalulugaran ni Betty ay wala na ito roon.Tanging ang kaibigan nalamang nitong si Cindy ang nagchicheer para kay Rindo.

Sana ay masisiyahan siya kung sakaling ginawaan din siya ni betty ng banner na gaya sa kaibigan nito.Ngunit wala siyang effort na nakita dito.Naroon lang ito upang sumuporta dahil sa estudyante ito ng Westville.

Hindi na nga nito tinapos ang panunuod ay hindi pa siya nito nagawang kamustahin mula sa nangyari kanina.Nakita nito ang paglagapak niya dahil ito ang huling tinapunan niya ng tingin bago siya tuluyang lumampaso sa sahig.He was expecting her to approach him dahil batid niyang nag-alala ito.But maybe he was inaccurate thinking that thought.

Bumalot ang napakalakas na sigawan kasabay ng masiglang tunog ng tambol.Natapos na ang oras at nagwagi ang kanilang grupo.Nagtayuan ang halos lahat ng tao maliban nalang siguro sa mga tagasuporta ng kanilang kalaban na nadismaya sa pagkakatalo.

Nakipagkamay ang varsity side sa Champ.Nagyakapan at nag-apiran naman ang kanyang mga kamiyembro.Nilapitan siya ng mga ito upang isama sa pagpupunyagi.Tumayo siya at ginamit ang kanang kamay upang makipagdibdiban sa mga ito.

Hindi niya masyadong naramdaman ang kanilang pagwawagi dahil bukod sa hindi naman siya nakasali sa halos kalahati ng laban ay wala din ang numero uno niyang tagahanga.Nasanay na din kasi siya na palagi itong nakikita sakanyang paligid.Nakita niya si Cindy na nagmamadaling bumaba at niyapos si Rindo.He felt envy.

Nagpatuloy sa paglapit  ang ilan pang tagahanga ng varsity side na karamihan ay mga estudyanteng babae ng Westville.

Walang sigla ang kanyang ngiti ng sumama siyang magpakuha kasama ni Mathew, lucas at Jethro.Taliwas sa banat na bunganga ng mga ito.Tumalima na lamang siya sa ginawang pag-akbay ng mga ito sa mga ebang nasa kanilang harapan.

“Say side.” Ang exclusive photographer  ng westville na always present sakanilang mga laro.Sinunod nila ang sinabi nito.Matapos ng ilang kuhaan ay hindi na siya nakisali sa mga ito.Kinuha na niya ang mga gamit upang magkapagpalit.

“Let’s start the celebration !” Ani carlo na itnaas ang hawak na kopita na may lamang alak.Gaya ng nakasanayan nila ay tumuloy sila sa Bambee ang paboritong nilang kabilya na puntahan sa tuwing nagwawagi sakanilang mga laban.Hindi naman ganoon kaexclusibo ang lugar na iyon.Sadyang dito lang nila gusto dahil sa dami ng magagandang dilag na maaari nilang makatagpo.

Itinaas nila ang hawak na goblet at pinagkaisa.

“Cheers!” Binaba nila ang hawak at sabay sabay na binuhos ang laman niyon sakanilang mga lalamunan

“Ah !” Daing ni jethro ng malunok ang inumin.Ito ang pinakamahilig sakanilang uminom.Lalo na kapag may problema ito sa babae.He was a hopeless romantic.

“Nasa atin pa din ang tropeyo! Magsaya tayo varsity side! Tayo talaga ang pinakamagaling sa lahat. “ Si Doso na muling itinaas sa ere ang hawak na kopita.

Binalingan ito ng nagsasaway na tingin ni William na nasa katapat nitong upuan. “Hoy ! umayos ka nga.Hinaan mo ‘yang boses.Mamaya mapaaway ka pa diyan sa kayabangan mo.”

Alanganin nitong binaba ang hawak. “To naman! Kill joy ka talaga.”

Inismiran ito ng lalaki.

“Oo nga Doso.Bawas-bawasan mo’yang pagiging banidoso mo.” Sang-ayon ni Mathew na kanina ay sobra ang saya at  bumalik sa pagiging seryoso.

Bumilog ang nguso ni Doso. “Nagsasabi lang naman ako ng tototo, kaya hindi ako nagyayabang.Buti kamo kung nagsisnungaling ako.Kayabangan na talaga ‘yon.” Inakbay nito ang kamay sa katabing si Carlo. “Diba, lo?” Tumango ito na sinakyan na lamang ang sinabi nito. “Diba katulad din kita? Mayabang ka din di’ba?” Nasamid ito sa pag-inom na muntik ng maitalsik sa mukha nito.

Binaba nito ang baso. “Mayabang ako pero nasa lugar.Wag mo nga akong itulad sa’yo.”

Humalakhak ito. “Mapagkunwari ka talaga.Eh, sa totoo lang-----ikaw naman talaga ang pinakamayabang sa’tin.”

“Nagbago na ko.”

“Yang itsurang ‘yan magbabago?” Turo nito sa kausap.

Tinaboy nito ang kamay ng kaibigan. “Uminom ka na nga lang.Nang makatulog ka na.”

“Mark, ba’t tahimik mo yata?” Pansin sakanya ni Jethro sa gitna ng pagkukulitan ng dalawa.

Napukaw siya sa pagtukoy nito sakanya.Binukas sara niya ang mata at kinuskos iyon.Wala siyang maisip na maisagot sa puna nito.

“Tawagan ninyo si Rindo at papuntahin ninyo dito si ms.Pony tail girl nang mabuhay ang dugo niyan.Niyaya kasi nung baliw na Cindy na ‘yon si Rindo kaya hindi nakasama sa’tin ngayon.” Ani Carlo na muling sumismim ng alak.

“Gusto mo lang makita si Cindy eh.Kung anu-ano pa ang pinapagawa mo.” Si Mathew na mukhang sinaniban naang muli ng pagiging pilyo nito.

“Ako?Sigurado ka? Ako?” Turo nito sa sarili sa hindi maipintang ekspresyon. Pumalatak ito. “Gusto mo ba akong patawanin ha? Jethro? Parang baril pangera ang bungagnga ng babaeng iyon kaya wala akong balak na idikit ang pangalan ko sa isang tulad nu’n.Tigilan mo nga ako!” Naalibadbaran ito. “Kinikilabutan ako sa mga sinasabi mo!” Tapos ay kinuskos nito ang braso na parang pinag-taasan ng balahibo.

“Sige.Tawagan niyo na.” Utos niya at ininom ang natirang alak sakanyang baso.Sumunod ang nagtatakang tingin ng mga ito.Nagulat marahil sa pagkagat niya sa biro ng mga ito.Maging si William na tahimik lamang sa paglalaro nito sa tablet ay nabigla din sakanya.

“Ha?” Nakangangang tanong ng mga ito.

“Hey guys !” Napawi lamang ang limang pares ng mga mata sakanya ng dumating ang isa pa nilang kasamahang si Lucas na kasama ang kalaro nito.Wala din itong patid sa pagpapalit palit ng babae.Ang mahalaga dito ay magkaroon ng nobya.

“Oh, babae ko.” Turo nito sa babaeng katabi na ngumiti sakanila ng pagkalawak-lawak.Hindi nito alintana ang paraan ng pagpapakilala ng lalaki.Waring kakalabas lamang nito sa club dahil sa kapal ng make-up sa mukha nito.Mabuti na lamang at naka skinny jeans ito dahil kung hindi ay mapagkakamalang itong nagbebenta ng aliw dahil sa bulgar ng spaghetting suot na umusli na ang pisngi ng dibdib.

 “Meri, hindi na siguro kita ipapakilala sakanila.Kilala mo naman siguro kami hindi ba?”

“Yes of course !” Maarte nitong sagot na ikinurap-kurap ang talukap ng mga mata.

“Oops.Dadagdag yata ‘to si Lucas sa grupo natin, Carlo.” Ani doso.Nginisian na lamang ito ng kausap.

Nakisingit ang mga ito sakanila.Naupo ito sa pagitan niya at ni William.Sanhi iyon upang makatabi niya ang maalembong na babae.Gustuhin niya mang lumipat ng upuan dahil sa marahang paghaplos nito sakanyang hita ay hindi niya magawa.Lalabas pa siyang maselan kung sakali.

VARSITY SIDE : MARK ANTHONY GARCIA : SERIES 1 (COMPLETED)(EDITING)Where stories live. Discover now