CHAPTER 18

2.1K 53 1
                                    

Nang bumalik si Mark ay agad niyang hinanap si Betty.Nalibot na niya yata ang buong lugar ngunit hindi niya pa din ito nakita.Huminto lang siya sa paghahanap ng sabihin skaanya ng babaeng nagbabantay sa entrada na nakita nito ang dalaga na lumabas at hindi na bumalik.

Sinubukan niya itong sundan ngunit hindi na niya ito nahabol.Bumalik siya sa party ngunit hindi din nagtagal ay nagpaalam siya sa ina ni Yumi.Pinigilan pa siya nito ngunit hindi din siya nagpaawat.

Pinaandar niya ang kotse at tumuloy sa bahay ni Betty.

Pinagbuksan siya ng pinto ng ina nito na mukhang napukaw niya pa yata sa pagkakatulog.

“Oh ijo? Gabi na ha.Anong ginagwa mo dito?” Nang silipin niya ang relo sa pulso ay mag-aalas dose na ng gabi.

“Nakauwi na po ba si Betty?” Bahagya siyang dumungaw sa likod nito na baka sakaling makita niya ito.

“Kanina pa.Sa katunayan ay natutulog na siya ngayon.Gusto mo bang gisingin ko siya?”

“Ah—Wag na po.Hindi naman po importante ang ipununta ko dito.Gusto ko lang masigurado na nakauwi na siya.Nauna po kasi siya sa’kin dahil----“

“Sinabi niya nga din.Hindi mo nga daw alam na umuwi siya.Sumakit daw kasi bigla ang tiyan niya at nahihiya siyang magsabi sa’yo.Kaya napauwi nang wala sa oras.”

“Ganoon po ba?” napatango-tango siya.Hindi siya gaanong kumbinsido sa idinahilan nito. “Sige po at aalis na ako.”

“Mag-iingat ka.Gabi na.Gusto mo? Dito kana lang muna matulog.”

“Hindi na po.May sasakyan naman po akong dala.”

“O sige.Sasabihin ko nalang sa kanya na dumaaan ka dito.”

Isang tipid na  ngiti na lamng ang sinagot niya at umalis na din.

HININTAY ni Betty si Mark sa mini garden ng Westville.Pinatawag niya ito kay Cindy na nasa varsity pad.Bitbit niya ang isang kulay abong karton na pinaglagyan niya ng mga gamit nitong nakuha niya dito noon.Ibabalik niya na ang mga ito dito upang wala na itong maidahilan pa sakanya.Dati niya pa naisipang gawin ang bagay na iyon.Naudlot lamang dahil naninwala siyang darating ang araw na mamahalin din siya nito.Ngunit wala ang pangarap niyang iyon.

“Betty?” Lumingon siya sa tumawag sakanya.Nakita niya ang masayang mukha ng binata.Lumapit ito sakanya.

Hindi na siya nagpatumpik-tumpik at inabot dito ang kahon.

“A-ano ‘to?” Kunot ang noo nito.”Para saan ang kahong ito?”

“Nandyan ang lahat ng gamit na kinuha ko sa’yo.Wala akong nasira diyan.Lahat ‘yan nasa ayos pa.Kung sakali mang makita mong may nasira sabihin mo lang agad sa’kin.Papalitan ko nalang.”

Naglakad na siya.Hindi niya tinangkang silipin ang mukha nito dahil ayaw niyang makitang nagdiriwang ito dahil sa pagpapakawala niya dito.

“Hindi ko kailangan nito.Bakit mo ba ibinabalik sakin ang mga ito?”

Huminto siya ngunit hindi nag-abalang lingunin ito.

“Sa’yo naman talaga ‘yan, hindi ba?Kaya dapat lang na ibalik ko ‘yan sa’yo.”

“Dapat sana noon mo pa ‘to ginawa.Kung balak mo din naman palang ibalik sa’kin to ba’t kailangan mo pang patagalin?” Marahil naguguluhan ito sakanya kung kaya’t bahagyang tumaas ang tinig nito.

Pataasan pala ng boses ang gusto mo ha !

Hindi siya padadaig dito.

“Binalik ko na nga sa’yo.Ano pa bang gusto mo? Mabuti nga at inalagaan ko pa ‘yang mga ‘yan.Magpasalamat ka na lang!”

Naglabas ito ng hangin sa bibig.

“At sa anong dahilan naman para pasalamatan ko ang kumuha ng gamit ko? Hindi ba at parang pagnanakaw na din ang ginawa mo?”

Pumihit siya upang salubungin ang tingin nito.Pinameywangan niya ito.

“Kung ganyan pala ang iniisp mo sa’kin una pa lang eh ‘di sana’y lumayo ka na sa akin!”

“Paano ako lalayo sa’yo gayong ikaw naman ‘tong ayaw umalis sa anino ko?”

Dumb ! He’s right.

“Iyon na nga!Alam mo namang baliw na baliw ako sa’yo pero-----“ Huminto siya upang pigilan ang pagpiyok ng kanyang tinig.Nilinis niya ng lalamunan bago muling ipinagpatuloy ang naudlot na sasabihin. “Sana naman noong una palang pinatigil mo na ako sa paglapit sa’yo.Hindi ‘yong ganito ! Para akong aso na nakabuntot sa’yo dahil sa pagpapaasa mo sa’kin!”

“Betty.” Lumambot ang boses nito.

“Alam mo ba kung ano ang nangyari sa’kin kagabi?” Parang gustong lumabas ng hikbi niya ng maalala ang kapangahasan ng dalawang lalaki. “Muntik na akong magahasa ng dalawang lasing na  nakasalubong ko nang umuwi ako mula sa party ng Yumi mo! Habang ikaw, nagpapakasaya sa mga dilag na humila sa’yo.I wonder,  kung hanggang ngayon ay hinahanap-hanap mo pa din ang alindog nila.Sabagay gusto mo ang mga babaeng gaya nila.”

“Hindi tama ‘yang iniisip mo.They just invite me to take photos together with Yumi’s mom.Natagalan lang ako dahil sa hindi agad ako pinaalis ng mommy ni Yumi.Pinagbigyan ko lang ang tita dahil sa kaarawan niya iyon.Binalikan kita pero umalis ka na.Dumaan ako sa bahay ninyo upang siguraduhin na nakauwi ka na.Pero natutulog ka na sabi ng mama mo.I really want to say sorry.Hindi ko gustong mapahamak ka.Kung naroon lang ako, hindi ko hahayaang makalapat miski ang isang daliri ng mga lalaking iyon.Mas gugustuhin ko pang isandata ang sarili ko para sa’yo.Damn them! for hurting you.”

Kunwari ka pang galit diyan ! Ang galling mo talagang umarte !

“Parang gusto kong maniwala sa mga sinasabi mo.Pero natuto na ako Mark.Kaya ko binalik sa’yo ang lahat ng gamit mo ay dahil ayoko ng muli pang mapalapit sa’yo.Kung wala ka nang itatanong.Aalis na ako.”

Hinabol siya nito.Hinawakan nito ang braso niya.

“Hindi mo man lang ba ako hahayaang sabihin sa’yo na-----?”

“Alam ko na din naman ang sasabihin mo.Na hindi mo ako gusto.Na walang pag-asang magugustuhan mo ako dahil sa wala akong panama sa mga babaeng nasa mundo mo.Kahit kelan hindi ko din naman naramdaman ang halaga ko sa’yo.Pirmi ay---------“

“I like you.”

“Ha?” Parang nabobo siya sa sinabi nito.

“Betty !” Isang kamay ang tumangay sakanya palayo dito. Naiwasiwas niya ang dalawang braso dahil sa ginawa nitong pagyudyod sakanya.

Binagsak siya nito sa banyo ng mga babae.

“Cindy?”

“Betty.Tama na!Alam ko sakanya ka sasaya.But please-----“ nagmamakaawa ang tono nito. “Intindihin mo din naman sana ang sarili mo.”

“Ano bang sinasabi mo?”

“Hindi mo kailangang magmakaawa sa harap ni Mark para lang magustuhan ka niya.Babae ka pa din at dapat mo iyang isaalang-alang.”

Natawa siya sa inaakala nito.

“Pero iba ang iniisip mo.” pinag-isa niya ang palad nito. “Umamin siya sa’kin Cindy.Gusto niya ako at malinaw ko iyong narinig.”

“Ta-talaga Mab--?” Namilog ang mata nito.

Ngumiti siya ng pagkatamis at sabay na tumango.Sunod na eksena ay nang yakapin siya nito ng  mahigpit.Sabay silang tumalon sa tuwa.

“I’m so happy for you Mab.”

“Thank you.Babalikan ko siya.Dito ka lang.”

“Sige. sige.”

VARSITY SIDE : MARK ANTHONY GARCIA : SERIES 1 (COMPLETED)(EDITING)Where stories live. Discover now