Chapter 34

6.3K 217 67
                                    

Tori's POV

"Steph, kinakabahan ako. Paano kung hindi oo ang sagot niya?" Kinakabahang tanong ko kay Steph na kanina pa nakapameywang sa harapan ko.

Inirapan niya ako bago nagbuga ng hangin. "Will you stop being overdramatic. I already told you that Louisse likes you. Do I seriously have to repeat that over and over again?"

"Like lang talaga?" Nakasimangot na tanong ko.

"Eh bakit hindi mo tinanong kung mahal ka? You're the one dating her almost every single day." Nag-roll na naman siya ng eyes.

"Eh natatakot nga ako," muli akong humarap sa salamin para tingnan ang ayos.

Mukha naman akong tao. May tiwala ako sa mga makeup artist at hairdresser ko. Mas lalong may tiwala ako sa mga disenyo ni Ate Cass.

I'm wearing a half-tux and half-dress na formal attire. It's my birthday at may malaking selebrasyon. Hindi ako makahindi dahil nandito ang mga magulang ko.

Kung ako lang ang masusunod ay ayos na sa akin ang simpleng family dinner lang. Kaso hindi daw pwede dahil yung Mom ko ay gusto akong ipakilala sa mga kumare niyang nasa Pilipinas. As if. Puro business partners lang niya ang mga iyon.

"You look great, Tori. I'm sure Louisse won't say no kahit wala kang audience," nakangiting tinapik ako ni Steph sa balikat.

Napagdesisyunan kong magpropose sa kanya bago magsimula ang aking event. Gusto ko na kapag ihaharap ko siya sa mga magulang ko ay bilang official girlfriend na.

I decided na gawing intimate din ang proposal. Ayokong sumagot siya ng oo dahil lang sa na-pressure siya at ayaw niya akong ipahiya. At least kung kaming dalawa lang ay malaya siyang makapagdesisyon.

Hindi naman sa ayoko ng public proposal kasi may mga babae talaga na gustong ipagsigawan sa mundo ang kanilang relasyon. Pakiramdam kasi nila ay itinatago sila kapag walang madlang people na saksi sa romantic event sa buhay nila.

Para sa akin kasi may downside ang ganun. Paano kung hindi pala gusto ng babae na makasama ang isang tao? Paano kung napilitan lang siyang magsabi ng oo kasi nga na-pressure na siya? Pwedeng dahil sa pera na nagastos na. Pwede ring dahil ayaw lang niyang ipahiya yung tao.

"You're the only person I know na luluhod nang may mahal na singsing para lang magpropose na maging girlfriend," umiiling na hayag ni Steph.

Kinuha niya ang kamay ko at nilagay ang isang maliit na kahon na naglalaman ng singsing sa aking palad.

"Blue Diamond 5.4-carat BVLGARI worth $9.5 million arrived just in time. Come on, take a look," hikayat niya kaya sinunod ko.

Lumawak ang ngiti ko nang makita ang singsing. Maganda. Sana magustuhan ni Louisse. 

"Don't worry, I got her ring size right. Even if she does not like you, she will still probably say yes. No woman can resist that," naiiling na sabi niya habang nakatitig din sa singsing. "Oh boy, I can't wait for the engagement ring."

"Hindi naman ganoong klaseng babae si Louisse. Hindi siya masisilaw sa mga ganito," depensa ko pa.

"She owns a De Beers Centenary Diamond that is worth 100 million dollars, Tori. Your girl is in love with diamonds. Next to her dog, of course," saad niya na ikinagulat ko.

"Bumili siya ng 100 million dollars na diamond?!" Gulantang na tanong ko.

Namamahalan na nga ako dito sa pinabili ko eh. Pakiramdam ko tuloy ay biglang lumiit ang singsing.

"Silly. That's their family heirloom. Since, she is the only daughter, it was passed down to her. She did not buy it. The value already appreciated because you know, diamonds are forever," paliwanag ni Steph na sinamahan pa ng kanta. 

Last-Minute Changes (2nd)Where stories live. Discover now