Chapter 24

3.2K 125 13
                                    

Tori's POV

"Reservation for Kiera Schertz." Sagot ko sa lalaking sumalubong sa akin sa restaurant.

Ito ang napili ng kliyente para sa lunch meeting namin pero ang secretary ko ang nag-arrange ng reservation. May isang project na natapos ang aming firm at gusto daw nitong magpasalamat bago ang kanyang flight mamayang hapon. Kung tutuusin ay hindi naman kailangan pero mapilit ang butihing matanda. Sinabi ko na rin na hindi ko makakasama sina Architect Mikee at ang kanyang team dahil out of country sila para sa isang conference.

"This way, Ma'am." Magalang na paggabay ng lalaking nakasuot ng formal suit.

Sumunod ako sa kanya hanggang sa dumating kami sa open-spaced na may mangilan ngilan lang na upuan. Al fresco kaya hindi ramdam ang init kahit na ang taas na ng sikat ng araw. May wooden roof naman ito at may kurtina rin na pwedeng gamitin kung gusto ng privacy. May bilog na mesa na may apat na upuan. The place is really a perfect spot for a romantic date.

Dapat pala dinala ko na lang ang secretary ko para may kasama ako ditong naghihintay. Dumaan na kasi ang tatlumpong minuto pero wala pa rin ang kliyente. Naisipan kong mag-check na lang ng e-mails.

"Hi. I'm so sorry I'm late." Nag-angat ako ng tingin nang marinig ang pamilyar na French accent.

Yung babaeng nakasama ko sa Siargao nung nakaraang araw. She looked dazzling as ever at may dala pang bouquet ng bulaklak at maliit na paper bag na may tatak ng sikat na luxury brand. Galing sa date siguro.

"I'm sorry but I think there's a little misunderstanding here." Naguguluhang turan ko sa kanya.

Nakita ko ang profile ng matandang lalaki na dapat ay kikitain ko ngayon. Hindi naman ako basta basta pupunta rito kung hindi ko siya kilala. This is not a blind date.

"I think the gentleman led me to the wrong table." Inayos ko ang suot kong business suit para sana tumayo pero napigilan ako.

"No, no. You're on the right table. Please have a seat." Maagap na pigil nito. Mas lalo akong naguluhan.

"I'm here to meet Mr. Gervais Fournier. A client." Paliwanag ko na ikinangiti lamang niya.

"Yes, you're supposed to meet Père." Kumunot naman ang aking noo dahil iba ang pangalang binanggit niya. "I'm referring to my father. Père as in the French term for father. I'm sorry. Lingua franca problem but I'm learning to speak the Filipino language." Depensa nito.

"Oh. I see." Tumayo ako para ipaghila siya ng upuan.

"Thank you and I'm really sorry for being late. I overlooked Père's message about this appointment. " Muli niyang hingi ng paumanhin. Sincere naman.

"No worries." Maikling tugon ko matapos siyang tulungan sa mga karga niya. Nilagay ko na lang ang bouquet at paper bag sa isang bakanteng upuan.

"Oh, by the way I'm Louise Fournier. It's spelled as L-o-u-i-s-e but pronounced as Louis like the Louis Vuitton brand." Inilahad nito ang kamay.

"Noted. I'm Kiera Schertz. Pleased to formally meet you, Miss Fournier." Nakangiti nang pormal kung inabot ang kanyang kamay.

"You can drop the formality, Kiera. After what happened in that place, you can just address me as Louise." Kinumpas pa nito ang kanyang kamay. "By the way, I'm sorry about the dating scandal. My PR Team already cleared your name out of it."

"Apology accepted, not that those things bothered me at all."

"Great!" Masiglang bulalas niya. Nakita ko ang paglawak ng kanyang ngiti. "Papa can't make it today because he had to take the earliest flight. Mom's order."

Last-Minute Changes (2nd)Where stories live. Discover now