Chapter 20

4K 146 19
                                    

Tori's POV

Nagbabasa ako ng project proposals for approval nang tumunog ang aking phone. Kumunot ang noo ko nang makita ang caller ID. Yung pamangkin ko ang tumatawag. Mahigit apat na taong gulang na ito ngayon.

"Hello, lov-"Hindi ko pa natatapos ang sasabihin nang bigla na itong sumingit.

"Titaaa!"

Natawa ako dahil sobrang bibo ng batang ito. Daig pa ang lumagok ng energy drink.

"Yes, love. What do you need?"

"Can you fetch me later? I'm at my baking class."

She's taking a baking class? Baka part 'to ng play school niya.

"Why? Is Ate Klang not with you?"

"She's with me. She's outside, waiting."

Okay? So, bakit kailangan ko pa silang sunduin? For sure nandun rin ang mga bantay niyang bodyguards. Kung maingat si Ate sa akin, mas lalo na dito sa kanyang anak. Nung isang araw nga ay narinig ko pa siyang pinagsasabihan ni Ate Cass dahil ayaw niyang may lumalapit na batang lalaki kay Callie. Pero dahil under nga ang Ate ko, ayun babawi na lang siya sa next life.

"And can you bring sunflowers please? I want many many of them."

Tumaas ang aking kilay sa narinig. Manliligaw ba ang pamangkin ko? Aba, aba. Swerte naman ng lalaking yun. Kapag nalaman 'to ni Ate ay baka sabay pa kaming bitayin nang patiwarik pati ang lalaki niya.

"Love, are you having a crush on your classmate?"

"No, Tita! It's for chef. That ugly guy is bringing her ugly flowers every time. He's making chef sad because his flowers are ugly. He also smells bad, not like Mom."

Kung kaharap ko pa ito ay siguradong nagpapadyak na sa inis. Mukhang galit na galit siya dun sa lalaking nagdadala ng bulaklak sa chef niya.

"Love, it's not nice to tell people that they are ugly. Your Mommy will not like it." Pagpapangaral ko pa. Baka isipin ni Ate Cass na kinukunsinti ko ang pagiging maldita ng batang ito. Pareho kaming malalagot kapag nagkataon.

"But he is really ugly, Titaaa. He looks like a chocolate munchkin. Chef is always annoyed whenever he is around--"

Sandali itong natahimik nang tumikhim ako para sawayin siya sa pagiging mapanlait niya. Jusko. Mukhang hindi na kailangan ni Ate na bantayan 'to. Ang taas ng standards sa lalaki. Bratinela.

"He has nice teeth though." Halatang napipilitan na pambawi nito. Halos pabulong na lang iyon at labas sa ilong.

"Love, you should be nice to him. He is probably chef's brother."

"No, he is not! I met chef's brother. He is handsome just like Lolo Dada. That chocolate munchkin is really really really ugly."

Gigil na gigil ayaw papigil? Napabuntong-hininga na lang ako.

"Love, don't you have a baking class to attend to? Don't make chef wait."

Ayoko ng pahabain pa ang usapan dahil tambak pa ang trabahong naghihintay sa akin.

"Tita, do you love me?"

Parang mangiyak ngiyak na tanong nito. Ang bilis mag shift ng mood. Kani-kanina lang ay gusto na niyang manapak.

"Yes, of course. Tita loves you."

Maagap na sagot ko pa dahil may naririnig akong pangsinghot sa kabilang linya nang hindi ako agad na nakakibo.

"Okay, Tita! I love you, too. So much! So, please come and pick me up at three o'clock. Bring sunflowers and wear nice perfume. I'll give the phone to Ate Klang. Chef is here. And bring nice car, please." Nagmamadaling paalam nito bago ako babaan ng telepono.

Last-Minute Changes (2nd)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu