Chapter 33

4.2K 141 22
                                    

Tori's POV

"Are you sure you are ready to see the footages?" Nag-aalalang tanong ni Ate habang inaayos ang laptop na hawak niya.

Pinalabas na ako ng doktor noong nakaraang linggo kaya sapat na siguro ang panahong iyon para maihanda ko ang aking sarili sa anumang masasaksihan.

Pero sa totoo lang ay hindi ko pa ring maiwasang kabahan at matakot. Paano kung may ginawa pa siyang katarantaduhan kay Louisse? Paano kung binugbog pa niya bago gahasain?

Ipinilig ko ang aking ulo para hindi na mag-overthink. Nasa harap ko na ang kasagutan sa aking mga tanong. Kailangan ko lang maging mahinahon.

"Do you mind locking the door for me, please? Baka bigla na namang pumasok ang pamangkin mo dito," pakiusap niya habang may kinakalikot sa kanyang laptop.

Hindi pangkaraniwan ang dalang laptop ni Ate. Pareho ang laki nun sa ordinaryong laptop pero yung itsura ay yung parang nakalagay sa maliit na suitcase na protektadong protektado.

Umupo ako sa tabi niya matapos makasiguradong nakalock na ang pintuan.

"Just to make sure that no one will get a copy of the files. The contents are quite sensitive, bunso," paliwanag niya nang mabasa siguro ang aking pagka-curious sa kanyang laptop.

Huminga siya nang malalim bago sumandal sa upuan. Pareho kaming nakaupo sa carpeted floor. Naglagay lang kami ng unan para hindi naman masakit sa pwet.

"Before I play the videos, gusto kong malaman mo na you came just in time. Kayo ng kaibigan mo. Hindi nagalaw si Sky. Nahawakan? Yes. Pero penetration, kiss or touch in any manner? Wala."

Buhat sa narinig ay nakahinga ako nang maluwag pero nandun pa rin ang agam-agam lalo na't nalipasan kami ng gabi sa islang iyon.

"Pero Ate matagal kami sa bahay na 'yon. Paanong hindi siya nagalaw?"

"The mayor had an event which required his presence on the day of your kidnapping. Nakasunod lang siya kinabukasan. Luckily, he was stupid enough to install CCTV cameras inside a bedroom. He is probably one of those who love filming themselves while having sex."

"Sinong matinong tao ang gagawa nun?" Kunot noong bulalas ko.

"Probably one of his fetishes," Kibit-balikat na sagot ni Ate. "But for Sky's case, the idiot made use of a DSLR camera. He just allowed himself to be caught in 4K. He planned to send the video to her father. Iniisip niya na kapag nakuha niya si Sky ay wala ng magagawa ang Dad niya." Huminga siya nang malalim at napasuklay sa buhok.

"That man made the wrong move in protecting his daughter. He just provoked him by announcing his daughter's relationship with that Alcocer," Sandali siyang tumigil at lumingon sa akin. "You do know that your bestfriend is one of The Untouchables in the society, right?"

Umiling ako kaya kumunot ang noo ni Ate. Totoo naman kasi. Wala namang sinasabi si Steph tungkol sa kanya. Basta ang alam ko lang ay mayaman sila dahil ang hilig niya sa mamahaling sasakyan.

"You're joking, right?" Hindi makapaniwalang tanong niya. "They are literally the Drug Lords of the industry."

Nanlalaki ang mga matang napatingin ako kay Ate.

"Ano? Drug lord sina Steph?" Mahinang tanong ko sa kapatid ko. Baka may ibang makarinig.

Tumawa naman siya. "No, not the colloquial meaning of it. Her mother runs the pharmaceutical industry in the country. Doctor Savannah came from a family of scientists so, their business is all over the world. They invented and manufactured almost all the drugs in circulation. They also own the hospital where you got confined for months. Just how much do you know about your so-called bestfriend, bunso?"

Last-Minute Changes (2nd)Where stories live. Discover now