Chapter 13

3.6K 121 18
                                    

Tori's POV

At hindi tayo dumating sa exciting part. Pinangunahan ako ng takot at pangamba kaya naman pagkatapos kong batiin ang Mama ni Louisse ay agad rin akong lumabas ng condo nya. Hindi pa ako handa. 

Napabuntong hininga ako habang pinapanood ang tennis match nina Louisse at Steph. Tama nga ang hinala ko na nagpatalo lang sila nung unang laro namin dahil ang layo ng score nya kay Steph ngayon.

Hindi ko talaga hilig ang tennis pero alam ko ang basic. Andito ako ngayon sa isang private recreation facility na pagmamay-ari nina Steph. Nasa bleacher lang ako, malapit sa tabi ng bag niya. Mukhang tapos na ang laban dahil nagkamayan na silang dalawa at papalapit na sa'kin si Steph.

"Talo?" Tanong ko sa kanya bago ibato ang tuwalya na agad naman nyang nasalo.

"Nothing new." Nakangiti nitong kinuha ang tubig na inaalok ko. "Thanks but you should really avoid flirting around. Louisse is not the type who loves to share what's hers."

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Steph. Nakaupo lang naman ako dito. May mga kumausap sa'kin pero saglit lang dahil biglang may mga lumilipad na bola sa direksyon ko.

"You really thought na hindi sadya yung mga tira ni Louisse na out of court sa sobrang lakas?" Natatawang sambit ni Steph na umiling pa. 

"She doesn't like it when you make usap to other girls. Louisse knows how to play tennis well. There's no way in hell for her to make such simple mistake. She was really aiming for the women you were speaking to."

Tumingin ako sa direksyon kung nasaan si Louisse. Kalmado lang itong nagliligpit ng gamit.

"Get your ass there before she starts running away." Sinipa nya ang aking sapatos. Hindi naman kalakasan. 

Kinuha ni Steph ang susi ng sasakyan at binigay ito sa'kin. "Use this to get there. I bought that last week and never used it. They won't be able to follow you two."

Nabanggit ni Steph sa'kin na may mga tauhan palang nakabantay kay Louisse para sa seguridad nito. Walang kaalam alam si Louisse tungkol dito. Wala pa akong naikukwento kay Steph na kahit ano kaya sa palagay ko ay nakakahalata na ito sa kung anumang namamagitan sa amin ng kababata nya.

"I'm your bestfriend, Tori. I don't want you to get hurt so, be careful."

Parang may laman ang sinasabi ni Steph dahil seryoso ang pagkakasabi nito. Gusto ko pa sanang magtanong pero binato nya ako ng damit.

"Her Mom found that in her room while she was in New York. She thought that it was mine so, she returned that to me."

Napatitig ako sa varsity jacket ng school of engineering. Mabuti na lamang at wala itong pangalan sa likod. Pinahiram ko ito sa kanya nung biglang nasira ang airconditioning ng Student Council Office at hindi ma-adjust ang temperature.

"You may be my bestfriend but Louisse is also important to me. Please try not to put me in an uncomfortable position. I can't help you if I am being blindsided."

"Sorry, Steph."

Hindi ako makatingin sa kanya nang diretso. Sa totoo lang, kung wala si Steph ay hindi ko alam ang gagawin. Narinig ko ang buntong hininga nya.

"Go now. Papunta na si Louisse sa shower room."

Napatingin ulit ako sa naglalakad na pigura ni Louisse. Lumingon ako kay Steph. Karga na nito ang bag at mukhang aalis na.

"Hindi ka ba maliligo muna?"

"Dun ako sa kabilang building. I have to meet someone kasi after. Gotta go, Tori."

Last-Minute Changes (2nd)Where stories live. Discover now