Chapter 9

5K 158 49
                                    

Tori's POV

Benefactors' Gala Night ngayon. Para walang hassle ay nagrent kame ni Steph ng kwarto para gawing make-up room. Ako ang nagbayad nito dahil nag-insist si Steph na siya na bahala sa make-up artist. Alas-siete ng gabi ang simula ng event. Tapos na rin kameng magbihis at magmake-up. Formal ang event pero wala namang sinabing theme.

 Formal ang event pero wala namang sinabing theme

Ops! Esta imagem não segue nossas diretrizes de conteúdo. Para continuar a publicação, tente removê-la ou carregar outra.

Si Steph ang pumili ng susuotin ko. Naka-orange dress ako kahit na ayoko ang kulay. Pero sabi ni Steph, bagay naman daw sa'kin. Dahil ayokong mag long gown nang katulad sa kanya ay pumayag na rin ako. Dalawang araw bago ang event kame bumili ng masusuot.

 Dalawang araw bago ang event kame bumili ng masusuot

Ops! Esta imagem não segue nossas diretrizes de conteúdo. Para continuar a publicação, tente removê-la ou carregar outra.

Hindi iskolar si Steph. Kasama siya sa event kasi Governor siya ng School of Engineering at bahagi siya ng Student Council na siyang nag-organize nitong event. Kakaunti lang din ang dadalo dahil mangilan-ngilan lang ang mga iskolar ng mga butihing mayayaman na dadalo mamaya.

Ang gagawin ko lang dun ay magpasalamat sa benefactor ko na nananatiling sikreto ang pagkakakilanlan hanggang sa gabing ito. Bawal kasi kameng diretsong makipag-usap sa kanila para maiwasan ang abala sa parte nila.

"Steph, sabihan mo ako kung andyan na ang benefactor ko ha? Baka mamaya mabastos ko at maging masama pa ang impresyon sa'kin. Baka magsisi pa sa pagtulong niya." Kinakabahang sabi ko kay Steph nang nasa baba na kame. Marami ng tao.

"Relax, Tori. Ako mismo ang magpapakilala sa'yo sa kanya. Don't worry." Pinisil ni Steph ang aking kamay bago nagsimulang maglakad.

Sumunod ako sa kanya. Napansin kong papunta siya sa direksyon ng dalawang matipunong lalake na kausap ni Louisse. Base sa tindig at pananamit ng mga ito, ipupusta ko 'tong boots ko na benefactors sila.

Habang malayo pa ay nahagod ng aking tingin ang kabuuan ni Louisse. Naka-black dress siya at naka neat bun ang hair. Kita na naman ang kanyang makinis na likod. Medyo nasisilaw ako sa earrings niya at ipupusta ko ang pang preso kong damit na diamond yun. Lahat na lang napapansin ko sa kanya.

 Lahat na lang napapansin ko sa kanya

Ops! Esta imagem não segue nossas diretrizes de conteúdo. Para continuar a publicação, tente removê-la ou carregar outra.
Last-Minute Changes (2nd)Onde histórias criam vida. Descubra agora