Chapter 12

3.2K 129 33
                                    

Tori's POV

Nagsimula ang huling semester ko sa kolehiyo. Finally! Kaunting kembot na lang ay matatapos ko na rin ito. Board exam na ang susunod. Ganun siguro talaga no? Kung kailan malapit na, saka mas lalong nagiging mahirap. Dumadalas ang pag-oovernight namin sa condo ni Steph dahil sa pinapaulanan kami ng mga prof ng exams. Dalawang buwan na lang at graduation na.

Anong nangyari kay Steph? Akala ko ay magmumukmok sya sa condo nang buong linggo pero iba palang maging sawi ang babaeng yun. Eh paano, sa halip na maglasing at umiyak, ang ginawa ay pinagod ang sarili. Pati ako pala. Sinama nya ako sa mga self-defense classes niya pati shooting na rin. Dahil mukha daw akong lampa ay kailangan ko ito lalo na't hindi naman daw kami palaging magkasama. Marami naman akong natutunan na bago pero sa tuwing nag-aaya sya ng sparring ay lagi lang akong binabalibag. Ang ending ay nagiging payaso lang ako sa harap nya.

Kahit ganun pa man ay hindi ako sumusuko. Balang araw ay matatalo ko rin si Steph. Lamang lang sya ng ilang taon na practice. Darating din tayo doon. Pero ang sakit talaga ng katawan ko ngayon dahil parang gigil ata si Steph ngayong araw. Hindi ko talaga alam. Parang galit sya sa'kin pero wala naman akong ginawa.

Lumingon ako sa gawi nya. Nasa driver's seat ito at ako naman ay nasa passenger's seat. Ihahatid na raw nya ako sa bahay dahil madadaanan naman raw nya ito. May appointment ata kahit Sabado. Napansin ko ang pag-roll ng eyes nito nang ihinto ang sasakyan. May pinindot sya para tupiin ang hood nitong Lamborghini nya.

"Steph, ang init init bakit mo binaba?" Protesta ko dahil tanghaling tapat na at sobrang init ng panahon. Panigurang mamumula na naman ako na parang hipon na nilagay sa mainit na tubig.

Sa halip na sagutin ako ay nagsuot lang ito ng sunglasses bago sumenyas sa may kanan.

"Someone's waiting for you."

Wala akong nahimigang galit o panunudyo sa kanyang tinig. Nag-iimporma lang iyon. Lumingon ako at nakita si Louisse na nakahalukipkip habang nakasandal sa isang black Lamborghini. Halos pareho ng model nitong sasakyan ni Steph pero iba lang ang kulay. Eh di sila na ang mayaman. Sanaol. Araw-araw talaga akong sinasampal ng kahirapan kapag itong dalawa ang kasama ko.

Tirik na tirik ang araw oh! Bakit naman hindi na lang sya sa loob ng sasakyan naghintay? Napabuntong hininga ako bago lumingon kay Steph.

"I didn't know she'd be here, okay?" Depensa ni Steph na nag-roll pa ng eyes. "But to be fair, I knew that she's already back and done with her internship in New York. Her father can't stop running his mouth about it during dinner."

Alam ko ang tungkol sa internship nila sa New York dahil nagsimula yun one week after ng semestral break. Ang huling pagkikita namin ni Louisse ay yung kasal ng kapatid nya. Gaya ng dati ay wala pa rin kaming naging matinong usapan. Hindi ko nga alam kung kailangan pa ba yun. Ano na naman kaya ang pakay nito ngayon?

Tatanggalin ko na sana ang seatbelt ko nang biglang pinaandar ni Steph ang sasakyan. Napakapit ako nang mahigpit dahil mukhang madiin ang apak nya sa gas. Nagtatakang nagbaling ako ng tingin dito.

"Let's see what she got." Nakangising sambit nito habang tumitingin sa side mirror.

Nakita ko pa kung paano pumasok si Louisse sa kanyang sasakyan bago kami makalayo.

"Steph, ano bang ginagawa mo?!" Pasigaw na tanong ko rito kahit na sa totoo lang ay natatakot na ako dahil mas lalo pang bumibilis ang takbo namin.

"Having fun." Maikling sambit nito na tumawa pa.

"Look who's closing in on us?" Parang na-eexcite na hayag nito.

Tumingin ako sa side mirror at nakita ko ang sasakyan ni Louisse. Mabuti naman at hindi nya naisipan na ibaba ang hood. Hindi tulad nitong kasama ko na nagsasaya pa sa init ng araw. Mabuti na lang at mabilis ang takbo nya dahil mas ramdam ang hangin kaysa araw.

Last-Minute Changes (2nd)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora