Chapter 28

2.9K 136 17
                                    

Tori's POV

Natapos na kami sa grocery pero ang kasama ko ay hindi pa rin ako pinapansin. Nagtatampo siya dahil hindi ko siya hinayaang bayaran ang mga groceries na binili namin kanina. Para naman kasi sa office kitchenette ko ang mga iyon. Nakakahiya naman kung siya pa ang magbabayad eh siya na nga ang pumili. Napaka-metikulosa lalo na sa expiry dates at ingredients ng pagkain kaya lampas isang oras kami sa pamimili. 

Tapos nadagdagan pa ang kasalanan ko nang bigla akong hablutin nung isang babae at ipinakilalang girlfriend niya. Sinakyan ko lang kasi nanginginig na sa takot yung babae dahil stalker daw niya iyon na hindi siya tinitigilan. Tinakot ko yung lalaki na ipapa-blotter ko siya. Lumapit din ang mga bodyguard ko kaya iniwan na nung lalaki yung babae. Naawa lang ako kasi menor de edad tapos yung stalker niya ay lampas kwarenta na at may asawa pa.

"Louisse, malapit na tayo sa Mama mo," untag ko sa kanya nang masilayan ang babaeng naghihintay sa amin sa loob ng VIP room.

Hindi niya pa rin ako pinansin at naglakad lang papunta sa Mama niya. Base sa natatanaw ko, masasabi kong sa kanya talaga nagmana si Louisse dahil kahit may edad na ay hindi pa rin kumukupas ang ganda. Factor siguro na palangiti siya.

"Hello, baby." Hinalikan niya ang anak sa dalawang pisngi. "I'm sorry for the short notice. I had an emergency meeting kaya kailangan kong palitan ang venue ng lunch natin."

"It's alright, Mom. We were just around the corner," nakangiting tugon ni Louisse.

Nabaling ang atensyon ni Mrs. Razon sa akin. "And you must be my daughter's friend?"

"She's my manliligaw, Mom." Walang anu-anong sagot ni Louisse na may emphasis pa.

Napatayo ako nang diretso. Grabe. Hindi man lang kumuha ng bwelo, drop the bomb agad. Napansin ko ang pagkagulat sa mukha ng kanyang Mom pero ngumiti naman ito pagkatapos. Shocked din po ako kaya it's a tie. 

"I'm Kiera Schertz po, Mrs. Razon," pormal na pakilala ko bago ilahad ang kamay.

"Nonsense." Sa halip na tanggapin ang nakalahad kong kamay ay nakipag beso beso sa akin si Mrs. Razon. "We're not in a business meeting, hija. Halika na at nang makakain na. I'm sure napagod kang samahan itong anak ko."

Umupo na ako sa tabi ni Louisse. Mabuti na lang at round table ang nandito. 

"Hindi naman po, Ma'am," tanggi ko.

Hindi naman ako napagod physically. Yung mood swings lang ng anak niya ang medyo nakakapagod dahil may kahirapang tantyahin.

"Just call me Tita na lang, hija. Manliligaw ka ng anak ko, di ba?" Magiliw pa ring tugon nito.

Napalunok ako bago tumango na siyang ikinalawak ng kanyang ngiti.

Sumenyas siya sa naghihintay na server, hudyat para ilapag na ang mga pagkain sa mesa. Umalis rin sila agad pagkatapos.

Tumingin ako kay Louisse nang mapansin na nagsisimula na siyang maglagay ng pagkain sa plato ko.

"Louisse, ako na." Pabulong na saway ko sa kanya bago sumulyap sa kanyang Mama na tahimik lang na nakamasid sa amin.

Baka isipin ng Mama niya na inaalipin ko ang anak niya. Worse ay baka isipin niyang hindi ko kayang kumain nang walang alalay.

Inirapan lang niya ako kaya wala na akong choice kung hindi ang hawakan ang kanyang kamay para patigilin.

"Nakakahiya sa Mama mo. Kaya ko na 'to. Malaki na ako," pagpapaintindi ko sa kanya pero hindi siya tumigil.

Para tuloy kaming nag-aagawan ng kamay. Sa harap pa talaga ng Mama niya!

Last-Minute Changes (2nd)Where stories live. Discover now