Kabanata XXXV

3 0 0
                                    

[KABANATA XXXV]


Aaron

Pagkaalis ng mga pulis ay kinausap kaming lahat ni Papa. Nakapulong kami sa sala at nanatiling tahimik ng napakahabang oras. May hawak na mansanas si Erin habang pinapaikot-ikot sa palad niya. Si Tita Alana naman ay walang ekspresyon ang mukha pero hindi mapakali ang mga daliri sa hita. Si Papa ay paroo't parito sa harapan namin habang hinihilot ang sentido.

"What is happening? Why would anyone threaten us like this?" aniya. 'Yon din ang gumugulo sa isip ko. Kung 'yung kumpanya nga ang gusto nila, kahit ano'ng gawin nila hindi mapapasakanila 'yon... family members ang majority shareholders—

Pwera na lang kung...

Hindi, langya! Alam kong hindi magkakasundo ang extended family namin. Pero hindi naman siguro sila ganito kababa.

"Kinuha nila 'yung malaking jar sa kuwarto ni Sigrid? Nilooban tayo para roon? It does not make sense! Sigurado akong pinagbabantaan tayo," ani Papa. Hindi ko alam kung ano'ng gustong palabasin ng itim na sigbin na nanghamak na naman.

Abala ako sa pag-iisip nang mapatingin kay Tita Alana. Kanina ko pa napapansin na nakatitig siya sa akin. Alam kong may hinala na siya na puwedeng si Sigbin ang puntirya ng nanloob. Dahil siya ang nagpakuha ng malaking jar sa Cebu noon. Siya ang inutusan kong dalhin 'yon dito.

Knowing na pinagkamalan kong sindikato dati si Sigbin, at alam ni Tita Alana na walang personal background si Sigbin, mas uusisain niya 'to. Kaya sinarili niyang kausapin si Sigbin kanina, nagsisimula na siyang mag-imbestiga.

Kailangan may gawin ako para ilihis ang atensyon ni Tita Alana kay Sigbin. Bago niya pa malaman ang totoong pagkatao ni Sigbin.

"I think this has something to do with the incident at Sofia's birthday, A. Sa tingin ko pinuntirya ang bodyguard mo para takutin ka at iwan ang kumpanya," ani Papa kaya napalingon ako sa kanya.

Tama! Ang kumpanya ang pinakamagandang escape plan para malihis ang atensyon ni Tita Alana.

"Kaya handa na akong harapin ang future ko Pa. Ipakilala mo na ako bilang anak mo," aniko kaya nanlaki ang mga mata ni Papa at nahagis ni Erin ang mansanas sa table. Nilingon ko si Tita Alana at nakitang nanliliit na ang mga mata niya.

"W-what? Are you sure about that?" aniya kaya mariin akong tumango. Kung kailangan kong harapin ang responsibilidad na hindi ko naman dapat pinapasan, then so be it. Para lang matulungan si Sigbin.

"What can you say about that Alana?" ani Papa kaya nawala sa akin ang tingin ni Tita Alana.

"I think that's a good idea. The thing that he should learn first is to protect what's entirely his... hindi isang bagay na... hindi katiwa-tiwala," makahulugang sabi ni Tita Alana.

Langya! Mukhang mapapasabak yata ako rito kay Tita! Bakit kasi lahat na lang ng bagay ay pinagdududuhan niya?!

"O...kay, it's settled then. Ipapakilala kita sa 80th founding anniversary ng kumpanya next month. For the meantime, pumasok ka pa rin sa VBC Publishing, then we'll talk about your position after that," ani Papa kaya napabuntong-hininga ako. Langya, mukhang ito na talaga. I will be trained to lead the company.

"And you Erin, bawal ka munang lumabas-labas ng mag-isa. Magsama ka ng lima o tatlong bodyguards palagi ok? Make sure to go straight at home after school, naiintindihan?" ani Papa kaya kumunot ang noo ni Erin. Halatang hindi gusto ang narinig kay Papa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 02, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Love Is a Sigbin [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon