Kabanata III

43 5 0
                                    

[KABANATA III]


Aaron

Hindi ko na mabilang kung nakailang kurap ako habang nakatitig sa buwan na kulay rosas. Hindi ko rin alam kung sino'ng mas maganda, ito bang babaeng nasa harapan ko ngayon? O itong buwan na color pink?

"Galing ako roon," aniya kaya na-tempt pa ako na lingunin siya.

Hindi ako pwedeng tumingin sa kanya! Loyal ako! Loyal din 'tong mga mata ko!

"Maraming salamat Ginoo at pinakawalan mo ako. Ngayon ay malaya na ako't may pag-asang matupad ang kahilingan ko!"

Parang ang saya ng pagkakasabi niya. Ang sigla-sigla ng boses kaya mas lalo ko tuloy gustong lumingon!

Hindi pwede A! Focus tayo kay Luna!

"At dahil pinakawalan mo ako, maaari kong tuparin lahat ng iyong kagustuhan!"

Kahit wala akong maintindihan sa mga pinagsasabi niya, ewan ko kung bakit humarap ako.

Langya!

Ngiting-ngiti siya habang sinisinagan ng buwan ang mukha niya. Bahagyang umaalon ang buhok na hanggang bewang. Kumikinang din ang mga nakangiti niyang mata. Pero ang mas ikinaganda niya ay 'yung mga dimples sa pisngi niya na para bang balbas ng pusa!

"Ano ang iyong nais na ipagawa sa akin Ginoo?" aniya at pinikit-pikit ang mga mata.

"H-ha?" usal ko.

Mas lumaki ang ngiti niya. "Kung nag-iisip ka pa ay maaari naman akong maghintay," saad niya saka sumalampak sa sahig.

"A-ano'ng ginagawa mo Miss?" aniko habang pinagmamasdan siyang nakaupo sa tapat ko at nakatingala na para bang tuta na tinitingala ang kanyang amo.

"Hinihintay kita," aniya kaya napakurap ako. Ano daw?

"B-bakit?"

Muli siyang tumayo at tipid muling ngumiti. "Kasi ikaw ang nagpalaya sa akin."

Ha? Wala akong maintindihan sa mga sinasabi niya. Nakulong ba siya dito sa bahay niya? Pero bakit naman siya makukulong eh ang liit lang nitong bahay-kubo at bukas na bukas pa?

"Ah! 'Wag mo nang alalahanin 'yon Miss! Aaron nga pala," sabi ko na lang. Inabot ko 'yung palad ko sa tapat niya. Ilang segundo niya iyong tinitigan bago kinuha at dinikit ang noo sa likod ng palad ko.

Teka...!

"Bakit ka nagmamano, Miss?" kunot-noong tanong ko. Mukha na ba akong tito? Tatay? Lolo? Gurang na ba ako?

"Hindi po ba kayo padre, Ginoo? Iyong huling pinuno ko kasi ay may kaibigang pari tapos ayaw na ayaw niya sa mga taong hindi nagmamano."

Umawang ang bibig ko.

Hanep!

Mas malala pa pala sa akala ko! Pari! Pinagkamalan niya akong pari!

Hindi ako makapaniwalang lumingon sa gilid at natawa ng sarkastiko. "Sa gwapo kong 'to? Pari? Talaga ba?" bulong ko.

"Ano iyon Ginoo?" aniya kaya ngumiti ako ng pilit at humarap ulit sa kanya saka umiling.

"Ano nga pala ang Aaron? Sinabi mo kasing 'Aaron nga pala,'" aniya.

Lalong kumunot ang noo ko. Ang weird naman niya... Hindi ba siya familiar sa pangalang Aaron? Peron common na common 'yung pangalan ko ah.

"Pangalan ko, Miss."

My Love Is a Sigbin [On Hold]Where stories live. Discover now